Prologue

62.4K 1.4K 83
                                    

*Zero's PoV*

Up until now hindi pa rin ako makapaniwala kung paano napapayagag ni Mr. Lewis ang parents ko na ipa-transfer ako sa isang dormitory school sa labas ng city.

Kung hindi ba naman kasi ako nadamay sa gulong iyon, tahimik pa sana ang buhay ko. Sa mga oras na ito, baka nasa training room ako kasama ni Casey.

Saan naman kayang school ang lilipatan nun?

My forehead creased ng mapansin kong nasa ibang lugar na kami, I don't know where exactly pero hindi na ako familiar sa lugar and it's making me uncomfortable.

"Mr. Lewis, tama pa ba 'tong dinadaanan natin?" I asked.

Nagtama ang mata namin sa rear view mirror, hindi ko alam pero may kakaiba talaga sa mga mata nya eh. Weird. Beautifully weird.

"Of course, Zerefina" He answered.

Kinilabutan ako nang banggitin nya ang pangalan ko. There's something in the way he mentions my name or baka hindi lang ako sanay na matawag na ganon dahil 'Zero' ang madalas na tawag sa akin ng lahat.

"I mean we're in the middle of nowhere, Mr. Lewis. Delikado na dito, sure po ba kayong nandito ang academy na sinasabi nyo?" I asked.

Puro puno na lang ang nakikita ko. Paanong magkakaroon ng isang academy sa gitna ng gubat?!

Napahawak na lang ako sa swiss knife sa bulsa ko. Kaya ko naman sigurong dipensahan ang sarili ko kung sakaling may mangyaring hindi maganda.

"Trust me, Zerefina" He said.

Natahimik na lang ako at pinagmasdan ang paligid mula sa loob ng magarang sasakyan ni Mr. Lewis. Bored na bored na ako dito, kung bakit ba naman kasing mahigpit na ipinagbabawal ang cellphone sa academy na yun?!

Napabuntong hininga na lang ako tapos pinikit ko ang mga mata ko, saglit pa lang akong nahiwalay kila Mommy at Daddy pero namimiss ko na sila.

Umiling ako.

Hindi dapat ako ma-homesick, sandali lang naman akong malalayo sa kanila, pag natapos ko na ang senior high babalik ulit ako at magkikita ulit kami.

Napamulat ako ng mata at nahagip ng paningin ko ang isang napakalaking gate at ang mataas na pader. Halos matigil ang paghinga ko sa kaba at pagkamangha sa ganda ng academy. Mukha syang palasyo at mukhang hindi rin normal ang mga estudyante dito.

Napatingin ako sa harap nang tumigil ang sasakyan. Parang hanging biglang naglaho si Mr. Lewis sa driver's seat, ni hindi ko man lang napansing binuksan nya ang car door!

Parang may naguunahang mga kabayo sa dibdib ko, pakiramdam ko nauubusan ako ng hangin dito sa loob ng sasakyan nang biglang buksan ni Mr. Lewis ang car door sa gilid ko.

Inalalayan nya ako pababa ng sasakyan na para bang isa akong reyna.

Nilibot ko ang tingin sa paligid ko, pakiramdam kong umikot bigla ang sikmura ko.

I wanna go home

Lilingonin ko na sana si Mr. Lewis para ihiling sa kanya na iuwi na lang ako kila Mommy. Ayoko sa lugar na ito.

Pero napatigil na lang ang tingin ko sa mata ni Mr. Lewis na biglang naging kulay pula, napaatras ako at biglang napaupo sa sahig, i can't feel my legs! Nanlalambot ang tuhod ko.

Dahan-dahang lumapit sa akin si Mr. Lewis habang ako naman paatras ng paatras ng maramdaman ko ang mga kakaibang tingin nila sa akin.

It's like everyone is looking at me as if I'm the main course food, ready to be served. I can feel their piercing gazes tearing my skin.

Mabilis na nawala sa harap ko si Mr. Lewis at naramdaman ko na lang sya sa may likod ko habang dahan-dahan nya akong itinatayo.

Naramdaman kong inamoy nya ang buhok ko and damn! It sends chills all over me!

Nilapit nya ang bibig nya sa leeg ko kaya agad kong ihinarang ang kamay ko pero sa tenga ko lang talaga nya inilapit ang bibig nya para ibulong ang mga huling salitang maririnig ko sa buong buhay ko.

From the moment I set foot in this damn hell hole, I already know that I'm good as dead.

"Welcome to Crimson Academy, Zerefina"

Crimson AcademyWhere stories live. Discover now