[56] If this is love, please don't break me.

Magsimula sa umpisa
                                    

Minsan mapang-asar talaga ang universe no? Kung ano yung mga bagay na gusto mong kalimutan, yun pa ang lagi mong naaalala. At kung ano naman yung mga bagay na gusto mong laging naaalala, yun naman ang nakakalimutan mo.

“If you’ll ask me if I love you, Aicel. I can’t lie.”

Gusto kong ipukpok ang ulo ko sa pader dahil sa naging sagot ko! Bakit ba kasi siya magtatanong ng ‘Mahal mo ba ako?’ ng biglaan sa ganoong sitwasyon? Syempre, ako tong si torpe, nahirapan bumawi sa pagka-bigla!

Hindi ko nga din alam kung bakit yun ang nasabi ko sa tanong niya. Desidido na ako e. Oo, mahal kita. Aaminin ko na sana e. Kaso, bigla na namang umurong ang dila ko. Hirap na hirap akong sabihin ang simpleng ‘Mahal kita’ sa kanya. Ganon naman kasi talaga yon, diba? Kapag totoo ang nararamdaman mo, ang hirap sabihin.

Putek kasi. Natatakot ako sa magiging reaction niya. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa amin. Natatakot ako kasi posibleng may magbago sa aming dalawa. At ayokong mangyari lahat ng kinatatakutan ko kaya hindi ko masabi sa kanya ang totoo.

Mahal talaga kita, Aicel. Mahal na mahal pa.


Yang lintik na “I can’t lie” na yan ang dahilan kung bakit ako nalate ng gising kanina. Hindi ako makatulog ng ayos kagabi dahil iniisip ko yan. Bukod don, nag-flashback din sa akin nang halikan ko siya. B-Bakit kaya niya ako hinalikan pabalik? Siguro—

Ahhh. Imposible, Sage!

Nakakalimutan mo bang hindi ka gusto ni Aicel? Marahil nabigla lang din yon. Pero huwag kang mag-assume at mag-feeling kung bakit humalik din si Aicel sayo.

Paglabas ko ng Sweets and Cups kanina (dahil nakokornihan na ako sa mga banat ng mga kaibigan ko sa loob), nagulat ako nang may humila sa akin at dinala ako sa isang mini stage.

“Pre! Tulungan mo ako, hinuli nila ako—” Sabi ni Liam nang paupuin ako ng babae sa harap niya.

Mukang Pinoy Henyo to ah. Tae! Natatawa ako. Si Liam? Kasali sa Pinoy Henyo? Haha! Pinoy, pwede pa. Pero HENYO? Hahaha! You’ve got to be kidding me!

“The feeling is mutual, pre. Hinuli din nila ako.” (~~.) 

“Huwag na kayong tumakas. Mabilis lang naman to e.” Panimula ni—STAN?! Anong ginagawa ng mokong na to dito! “Sage, Oo, Pwede at Hindi lang ang isasagot mo. No foul words.”

“Oo na! Let’s do this!” Bored na sabi ko nang matapos na.

Dinikit na ni Stan ang papel sa noo ni Liam, at nanlaki ang mata ko sa nabasa ko! Ano na namang klaseng trip to? (-___-’)

Bakit naman kasi Aicel Bernardo ang nakalagay dun sa papel. Mukang napag-planuhan na tong kalokohan na to ah. Lagot sa akin ang dalawang kumag na to! (~~.)

Stan set the timer. “Timer starts now!”


Okay naman yung laro e. Sa totoo nga niyan nage-enjoy ako. Nakikita ko kasi siya mula dito. Oo, si Aicel. Tanaw na tanaw ko siya na nanunuod sa amin ni Liam. Lihim akong natatawa kapag kumukunot ang noo niya sa mga sagot ko. Inaasar ko lang naman siya dahil ang cute cute talaga niya kapag nabubwisit. Akala mo kay lalabas na usok sa ilong niya e.

Pero sa kabila ng mga pang-aasar ko, lihim din akong kinikilig kapag napapangiti siya. Haha. Ako, kinikilig? Tae. Ang bading pakinggan. Pero natutuwa talaga ako kapag nangiti siya. Lalo na dun sa tanong ni Liam kung maganda ba siya, mabait, matalino at kung nasa kanya na ang lahat. Kung hindi lang ako malayo, malamang makikita ko siyang nagba-blush. Hahaha!

Okay na sana e. Okay na.

Kaso, bigla na lang tinanong ni Liam ang pinaka-mahirap na tanong sa buong buhay ko. It was a simple Yes or No question, pero ito ang pinaka-iniiwasan kong tanong sa lahat. Sana nagpa-solve na lang siya sa akin ng Math Equation o kaya ng Problem Solving sa Physics. Pero itong tanong na to? Damn! I'm now cornered.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon