"Bakit totoo naman ah, pati nga kagwapuhan sakin niya na mana eh" - appa
"Kapal mo naman uy mahiya ka nga" - eomma
"Kunwari ka pa eh patay na patay ka nga sakin" - appa
"Wag mo ko kausapin di kita kilala" - eomma
"Napaka-sungit" bulong ni appa pero rinig din naman namin "may girlfriend ka na ba Wonwoo?" Pag iiba ni appa sa topic na ikinasamid ko
"Mingyu okay ka lang ba?" Tanong ni eomma
"Okay lang po ako" tumingin ako kay hyung inaantay yung sagot niya
"Wala pa po, tsaka makakasira lang yun sa image ko" sagot ni hyung
Kinabahan ako akala ko meron na eh
"How about you Mingyu? May girlfriend ka na ba?" - appa
Nasamid na naman ako dahil sa tanong niya kaya uminom agad ko ng tubig "syempre wala rin yan kasi nga makakasira sa image nila. Pero sigurado ako may nagugustahan na yan, artist din ba?" Tanong naman ni eomma
Sa tubig naman ako nasamid ngayon "mag dahan-dahan ka nga" sabi ni Wonwoo habang hinahagod ang likod ko
Nang mahimasmasan na ko saka ko sinagot ang tanong nila "ayoko pong magka-girlfriend" kasi boyfriend ang gusto ko "tsaka opo may nagugustuhan na ko" at si Wonwoo hyung yun
Tumingin si eomma sa orasan saka binaling ang tingin sakin "Mingyu dito ka na lang kaya matulog? Di pa rin tumitila ang ulan tsaka anong oras na malayo pa byahe mo" nag aalalang sabi ni eomma
"Mukhang di titila ang ulan, ang alam ko kasi may bagyo bukas" - appa
"Wonhyuk nugu?" Mapangasar na sabi ni eomma
Tanawa kami ni hyung dahil sa asaran ng mga magulang niya "eomma hindi na po, masyado na kong abala sainyo"
![](https://img.wattpad.com/cover/113105494-288-k322648.jpg)
BINABASA MO ANG
Don't Wanna Cry • MEANIE
Short Story{Al1 series #1} "When the half of me is gone how can i live as one" "Us in the different system, another form of Seventeen" "Another chapter of my life began since i met you"