Chapter 2

86 5 0
                                    

Shaun's POV

Pagkahatid sa amin ng school bus sa bayan ng Sta. Rosa naghihintay na si Tay Victor.

Sinalubong naman ako ni tay Victor dahil sa mga dala ko. Nagmano ako.

"Gumagwapo ka ata Shaun" biro naman sa akin ni Tatay Victor.

"Simula pa nung pinanganak ako tay, talaga namang gwapo to. Alam mo yan!" Natatawa kong sabi kay tatay victor

Nagtungo na kami sa sasakyan. Habang nasa biyahe, napansin kong walang Shan na sumalubong Sa akin.

"Nga pala tay, bat wala si Shan? Bat di sumama?" Tanong ko.

Dati-rati naman laging sumasama sa pagsundo yun.

"Ah naghiking kasi sila ng mga kaibigan niya, kaya kanina pa ako dito hinintay nalang kita." Pagpapaliwanag ni tatay victor.

"Alam ba nila mom and dad? Andun ba sila ngayon tay?" Tanong ko kay tay

"Oo Shaun alam nila andun dahil di naman umalis ng bahay ang mommy mo at maagang umuwi ang daddy mo, kaya nakapagpaalam ang kapatid mo." Paliwanag niya naman.

Himala ata at nasa bahay sila?
Lagi silang wala Sa bahay, minsan Sa isang taon 2 linggo lang sila nasa bahay.

Wala rin sila sa mga espesyal na araw namin. Maging birthday ko, ni Shan, Christmas and New Year. Lumaki kami sa pag aaruga ni Nanay Vida at Tatay Victor.

Simula nung first year palang ako Sa Moorim University na ako nag aral, Kaya Simula nun mag isa nalang Shan sa bahay kasama sila Tay Victor at Nay Vida.

Tumahimik na ako at nag browse muna sa facebook. Nakita ko naman ang post ng kapatid ko. Masaya ako dahil masaya siya. Salamat na rin sa mga kaibigan niya.

Ayokong maranasan niya ang nararanasan ko. Gagawin ko ang Lahat para alagaan ang kasiyahan ng kapatid ko.

"Shaun gising na andito na tayo, shaun." Narinig kong boses ni tay victor.

Di ko namalayan nakatulog pala ako. Dali-dali naman akong bumaba at tinulungan si tay victor sa pagbaba ng mga gamit.

Agad naman ako sinalubong ni Nanay Vida.

"Anaaak! Nangayat ka ata?" salubong ni Nay Vida at niyakap ako.

Nagmano ako kay Nanay.

"Medyo stressed po kasi nay sa school" sabi ko kay nanay vida

"O halika't ipagluluto kita ng paboritong ulam para makapagpahinga ka muna" sabi ni nay vida

"Opo nay, Wala po ba sina mommy and daddy?" Tanong ko kay Nanay.

"Ay maaga silang umalis ng daddy mo, may aayusin daw sila ngayon. Pero uuwi sila ng maaga ngayon." Sagot naman ni Nanay Vida.

Pumasok kami at inilapag muna yung ibang gamit sa sala.

"Nay akyat po muna ako" paalam ko kay nanay.

"Osge Shaun, tatawagin nalang kita pagluto na" sagot ni Nay Vida.

Dali-dali ako umakyat at naligo.

Pagkatapos kong maligo saktong pagtawag naman ni Nanay Vida, nagbihis muna ako at dali-daling bumaba para kumain.

"Ang sarap talaga ng luto mo Nay" pagpuri ko sa luto ni Nanay Vida.

Mga ilang minuto natapos na kaming kumain. Tinulungan ko naman si Nay mag ligpit ng pinagkainan namin Pagkatapos umakyat na ako. Konting browse sa facebook at natulog.

Gabi na ng nagising ako. Bumaba ako para tingnan kung dumating na sina Dad dahil sabi ni Nay Vida ay maaga silang uuwi.

Pagbaba ko andun na sila, wala pa rin si Shan? Tanong ko sa sarili ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Moorim UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon