🐺Chapter 22🐺

Start from the beginning
                                    

''Hindi ko kayo maintindihang lahat! bakit niyo ipinag pipilitan sa akin ang babaeng hindi ko kilala.'' Jacob said.

Naalala ko bigla ang aking marka. Nabuhayan ako ng loob dahil tiyak na makikilala niya ang kaniyang marka.

''Ito ang p-patunay na m-mate mo ako.'' saad ko saka tumayo at humarap sa kaniya.

Kumunot ang kaniyang noo ngunit hindi siya nag salita kaya naman bahagya kong ibinaba ang manggas ng aking damit upang lumitaw ang pagitan ng aking leeg at balikat.

Nag hintay ako na mag bago ang kaniyang reaksiyon ngunit walang ng yari.

Napalingon ako kay Aphrodite na biglang umiyak.

''R-ria, wala na ang m-marka.'' nanlaki ang mata ko sa sinabing iyon ni Jenna.

Tiningnan ko at bumilis ang tibok ng aking puso ng makitang wala na ang marka ni Jacob.

''H-hindi, h-hindi maaari.'' mahina kong saad, paanong nawala ang kaniyang marka sa akin. Gayong kaninang umaga lang ay naririto pa iyon.

''Kita niyo na! nag sisinungaling ang babae na yan.'' saad ni Jacob, saka inalis ang mga kamay na naka hawak sa kaniya.

Lumapit siya sa akin, ang akala ko ay sasaktan niya muling ako ngunit wala siyang ginawa kung hindi ang tumitig sa akin.

''Pasalamat ka at buntis ka, hahayaan kitang mabuhay pero ayoko ng makita yang mukha mo sa teritoryo ko!'' he said in a dangerous tone.

Patalikod na siya ng hawakan ko ang kaniyang kamay.

I gasped.

Wala na nga ang mumunting kuryente na aking nadarama sa tuwing nag kaka hawak ang aming kamay.

Marahas niyang inalis ang aking kamay na naka hawak sa kaniya.

''Umalis ka na Rogue.'' mahina ngunit may diin niyang saad.

Tuluyan na siyang tumalikod at lumakad palayo. Agad sumunod sina Bryan at Leonil sa kaniya. Samantalang ako ay naka titig lamang sa aking mga kamay.

''Ria.'' napatingin ako kay Aphrodite na gaya ko ay may mga luha rin sa mga mata.

''Mama, anong ng yayari?'' wala sa sarili kong tanong.

Hindi siya sumagot at niyakap na lang ako ng mahigpit.

''Magiging maayos din ang lahat anak, babalik din ang alaala ni Jacob.'' saad niya.

''Aalamin ko kung ano ang tunay na ng yari.'' saad ni Blue, kumalas ako sa pag yakap kay Aphrodite saka humarap sa kaniya.

''Tutulong po ako.'' pursigido kong saad.

Umiling siya.

''Maiging mag pahinga ka na muna, babalitaan na lang kita.'' saad niya saka tumingin kay Clifford na tila malalim ang iniisip.

''Clifford, mag punta tayo sa lugar kung saan natagpuang walang malay si Jacob. Mag sama na rin tayo ng mga tracker.'' Blue said, agad tumango si Clifford. Bago umalis ay tumingin muna siya sa aking direksyon at tipid na ngumiti.

''Tama si Blue, maiging mag pahinga ka na muna. Masyado na kayong stress ng anak mo.'' malumanay na saad ni Mama.

Kahit di sang ayon ay tumango na lang ako.

Pag dating sa taas ay nilagpasan namin ang silid namin ni Jacob.

''Mas maiging sa dati ka munang silid tumuloy anak.'' saad ni mama ng mapansing naka tingin ako sa pinto ng kwarto ni Jacob.

Hanggang sa makapasok kami sa dating silid na tinutuluyan ko ay hindi ako kumibo.

''Mag pahinga ka na, kakausapin ko si Jacob.'' saad ni Aphrodite saka hinaplos ang aking buhok, tumango na lang ako saka nahiga sa aking kama.

My Mate is A Rogue (Completed)Where stories live. Discover now