Chapter 37.b: Everything Ends Tonight

Magsimula sa umpisa
                                    

"You wouldn't understand..." anas niya, turning his face away.

"Why is that...?"

Tumingin siya sa may likuran ko pero bago ko pa malingon kung ano ang tinitingnan niya, tumingin ulit siya sa'kin and the pain that I saw earlier is evident again on his eyes. Itinaas niya yung kanang kamay niya at tinundos ng hintuturo niya yung pisngi ko.

"Because you're stupid..." tapos tumawa siya ng pagak.

Gusto kong mainis sa sinabi niya pero hindi ko magawa dahil nararamdaman ko na nasasaktan siya kahit ayaw niyang aminin. Bakit kaya...? Wala naman kasi akong alam sa personal na buhay ni Edge, kelan na lang kami nag-kakausap. Madalas pa nga ay puro kami sagutan. Kaya wala akong ideya kung bakit siya nasasaktan. Is it because of a girl?

Bago pa ako ulit makapag-tanong sa kanya, bumaba na sa backstage yung members ng banda na sinunsundan namin. Kaya tinawag na kami nung coordinator para umakyat sa stage.

= Mike's POV =

Kawawang Edge.

Clueless kasi ang kapatid ko sa nararamdaman niya. And I agree with him. May pagka-stupid talaga si Sissy minsan. Psychology naman ang course pero wala siyang hinagap kung bakit nagkakaganun si Edge. Kung bakit ganun ang pakikitungo ni Edge sa kanya. Hahay!

Para ngang iiyak na yung tao habang nakatingin sa kanilang dalawa ni IV maglampungan. Eto namang si IV may pagka-sadista din. Alam niya naman na may gusto yung bestfriend niya sa girlfriend niya... pero... hindi ko din pala siya masisisi kasi he's more focused on what Sissy is feeling right now kaysa kay Edge.

Dahil sa hinayupak na Nick na yan. Dapat talaga dati ko pang pinatay ang gagong yun! Nung nanliligaw pa lang siya kay Sissy. May hinala na ako na nagbabalat-kayong tupa lang ang demonyong yun pero pinabayaan ko pa na maloko niya si Sissy! Kung may kailangan mang sisihin sa nangyari, ako yun. Kaya bago matapos ang gabing 'to, may kalalagyan sa'kin ang hinayupak na yan na kung makangiti kay Sissy ay parang asong ulol.Kanina pa ako nangangati na bumaba ng stage at tadyakan ang nakakabuwiset na mukha ng gago!

I took a deep breathe at nag-hintay ng ilang segundo bago pakawalan ito. Ganito ang kadalasan kong ginagawa para kalmahin ang sarili. Wala naman kasing female version si IV para magpakalma sa'kin. I can think of one specific girl na nakaka-epekto sa nararamdaman ko, pero instead na maging kalmado kapag kausap siya, my emotions go balistic on me. And she's not here! Damn it!

Geez! I need to concentrate.We're about to start.

Teka! Ano namang pakulo 'to ni Tres at nakatalikod siya sa audience? Pauso?! Hindi ko na siya nasita dahil nag-tap na si Edge ng tatlong beses gamit ang drumsticks niya at nagsimula ng tumugtog si Tres kasabay ng pagkanta ni Sissy.

( ... Yumi is singing "Bleed" by Evanescence... )

♫♪ ♫♪ ♫...

How can I pretend that I don't see

What you hide so carelessly?

I saw her bleed

You heard me breathe

And I froze inside myself

And turned away

I must be dreaming

We all live

We all die

That does not begin to justify you

It's not what it seems

Not what you think

No, I must be dreaming

Mayumi: Although She's Not The Shy Type©  (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon