Chapter 12: The Deadly Side Of Him

4.9K 137 13
                                    

~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~

= A/N: =

Unang-una... humihingi po ako ng dispensa dahil sa sobrang dami pala ng pagkakamali ko sa huling chapter. Inayos ko na po siya. I'll proofread ulit pag may time pa....

Pangalawa... salamat ng madami mula sa kaibuturan ng puso ko dahil sa patuloy niyong pagsubaybay sa istoryang ito. (pwede ba mag-nosebleed kapag tagalog? hehe)

At pangatlo... uhm... enjoy sa pagbabasa...

 (  ^________^  )

 ~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~

~* Chapter 12 *~

The Deadly Side Of Him

= Yumi's POV =

(     =__= )

Come on people! Hindi na naka-move on?

Anong petsa na?

Two weeks na ang nakakalipas since ni-announce ni Irvine sa buong campus that I'm part of their gang. Yep. Inanounce niya. Pinatawag niya lang naman lahat ng students and teachers during second period at pinapunta sa gymnasium para lang sabihin ang bagay na yun. 

Hindi ko alam na parang club pala gang nila. Kinikilala as legit na samaha ng Admin. At kapag member ka eh considered ka na isa sa mga makapangyarihan sa school. Ngayon ko lang narinig ang kaweiduhang patakaran na yan. 

Palibhasa wala akong pakielam sa mga extra-curricular ek-ek  sa school na 'to. During break time it's either nasa library ako.. engrossed on a book or sa greenhouse.. sound trippin'. Alone. Loner eh. I prefer to be alone kaysa makuhalubilo sa mga tao para lang makipag-tsismisan at malaman ang mga bagay na hindi ko naman ika-uunlad. 

I wasn't always like this pero ever since nangyari ang insidenteng yun, ginusto ko na lang na huwag makihalubilo. Sa bahay lang ako komportable dahil alam kong tanggap nila ako at pinahahalagahan ako ng mga kapatid ko at ni Nanay Beth. 

(     ~___~ )

Tch. Kung saan na naman napunta ang usapan. Mabalik tayo sa original na topic...

Nag-iinit ang ulo ko sa mga abnormal na tao dito sa abnormal na school na 'to. They're gawking at us again... especially at me as I got out of Mike's car. Spotlight again! Badtrip! Since alam na ng buong campus na magkapatid kami, hindi na niya ako binababa sa may backgate kundi diretso na dito sa parking lot. 

For all the world to see! 

Kelangan talaga may welcoming comittee pa?

(     >__< )

Badtrip!!!

Tapos 'etong si Mike eh panay pa ang kaway. Artistahing palaka! Nauna na akong maglakad papunta sa gymnasium. Wala kasing klase ngayon, may dadayo ng basketball match from another school. Kailangan daw suportahan ng buong school ang basketball team, and Robertson's Firebirds. The name is so lame. If you translate it... nag-aapoy na ibon?

Tch!

"Sissy...? You okay?" si Mike. Nakasunod na pala ang unggoy. 

Ramdam niya siguro na napipika na ako sa mga tao sa paligid namin. Dahil kahit habang naglalakad, panay ang sunod sa amin ng tingin ng mga usisero at usisera. Panay din ang bulungan. DInig ko naman!

"I still can't believe that she's Mike's twin...." usisera one said.

Kahit ako, hindi ko alam kung paanoi ko naging kapatid ang mokong na 'to.

Mayumi: Although She's Not The Shy Type©  (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon