Chapter 1: Her Name Is Mayumi

7.4K 180 13
                                    

…………………………………ooOoo…

= A.N.: =

Don’t judge a book by its title.” – Ress Kazuo

…………………………………ooOoo…

~* Chapter 1 : Her Name Is Mayumi *~

Magkadugtong na ang mga kilay ko.

Sobrang tigas kasi ng ulo!!!

Naubos lang ang sampung minuto ko sa pakikipagtalo sa kanya kanina sa may emergency door. Kasi ba naman, ayaw niyang sumakay ng wheel chair! He certainly doesn’t look like he needs it kasi nakakalakad naman siya ng ayos pero kahit anong paliwanag namin ni Luis, Isang mapagpanggap na lalake na may pusong babae, siya yung kaibigan ko na attendant dito sa ospital, na standard procedure yun. Ayaw niya pa din sumakay sa buset na wheel chair.

Napakasutil!

In the end, siya din ang nasunod.

Mukha kasing kahit umagahin kami at tubuan ng ugat sa tapat ng emergency door eh hindi talaga siya matitinag. Kaya pinapasok ko na lang ulit kay Luis yung wheelchair, sinabi ko din sa kanya kung saan matatagpuan yung mga kapre. Nag-aalala din naman ako dun sa sinagasaan ko, first time kasi. Tsaka hindi naman ako ganoon kasama para iwanan silang walang laban sa kalsada kaya inutusan ko si Luis na sabihin kay Tatay Ronald na sunduin nila yung mga kapreng yun. Si Tatay Ronald, siya yung dating personal driver ng family namin. Eh since may kanya-kanya na kaming sasakyan. Nagseserbisyo na lang siya dito sa ospital. Pero sa bahay pa din siya natuloy. Extended family na kasi namin yun eh.

Matapos ng bulungan namin ni Luis, umalis na siya kasama yung wheelchair, natatawa pa ang sirena dahil may mga napatumba na naman daw ako. Sabi pa niya na pang-tatlo na ito this week. Ganun ba ako ka-warfreak? Psh! Kinaladkad si 'bloody guy' papasok sa emergency room.

Napatingin ako sa wall clock sa ibabaw ng helpdesk.

11:05

Shootness!

"Upo ka muna diyan." I gestured to one of the unoccupied beds kaso parang walang narinig ang mokong. Mataman lang siyang nakatingin sa'kin. Ayan na naman yung nakakatunaw niyang tingin eh. Dahil naaalibadbaran, I stretched out my hand and forced him to face away by pushing on his right cheek none too gently. "Sabi ko maupo ka hindi tumitig." 

Hindi pa rin siya gumalaw at nakatingin pa rin siya sa'kin from the corner of his eyes. Tinapik ko ang pisngi niya ng dalawang beses. 

"UPO SABI!"

Something glinted in his eyes. Malay ko kung ano! Basta nakahinga ako ng maluwag ng umupo na siya sa kama. At least medyo magka-height na kami at hindi ko na siya kailangang tingalain. But the relief was cut short.

"MAYUMI SABELLE!!!" someone shouted my full name really loud.

Hindi ko napigilan ang medyo paglaki ng mga mata ko.

Anak naman kasi ng tokwa! 

Isang tao lang naman ang kilala ko na parang mega-phone ang boses. At nakalimutan ko na night duty nga pala siya this week. Unti-unti kong nilingon ang pinaggalingan ng boses. At eto' na nga po, nakatayo na sa likuran ko ang isang balingkinitan na babae na may singkit na mga mata. Walang iba kundi ang kapitbahay, self-proclaimed older sister at only besfriend ko, si Mika Takahashi. Ayaw niya lang ng tinatawag na ate. And yes, may lahi siyang Japanese. 

Japanese pero she has almond-shape hazel eyes, high cheekbones and natural pouty lips. May brownish straight hair na naka-ponytail ngayon. She's 5'2" in height and around 110 lbs. Her built is slender and curvy at the same time.

Mayumi: Although She's Not The Shy Type©  (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon