Chapter 5: The Start Of Something

6.2K 150 13
                                    

…………………………………ooOoo…

= A.N.: =

Hopefully you'll enjoy this chapter as much as I enjoyed writing it....

(  ~___^  )

…………………………………ooOoo…

~* Chapter 5 : The Start Of Something *~

“Hija…”

Kasunod ng boses ay ang marahang pagyugyog sa balikat ko.

“Hija… bumangon ka na at kumain…”

“Mamaya na po…” I answered in a hoarse voice. Itinaas ko ang kumot at nagtalukbong. Nagpabaling-baling para makahanap ng magandang puwesto.

“Hija naman… ako ang pagagalitan ni Fritz...”

Argh! Ang sarap sarap pang matulog eh. Gusto ko pang ituloy yung panaginip ko. Minsan na lang kasi akong magkaroon ng panaginip na hindi bangungot inaabala pa ni Nanay. Marahas kong tinanggal ang kumot at pabargas na naupo.

“Nanay naman eh…” reklamo ko habang sinusuklay ng kamay ang magulong buhok.

Pupungas-pungas pa ako ng tumingin sa kanya. Siya nga pala si Nanay Bethesda, Nanay Beth for short. She's been our governess ever since I can remember. She was only twenty one when she started working for our family, dahil sobrang napamahal na kaming magkakapatid sa kanya, she treated us like her own.

She has her hair in a bun again on top of her head. Parang dumadami ata ang wrinkles at laugh lines ni Nanay ah. Tsaka may naaaninag na ako na white hairs. Pero kahit ganoon pa man, hindi ko maikakaila na maganda pa rin si Nanay. May hubog pa din ang katawan. Ewan ko nga ba kung bakit hindi na nag-asawa si Nanay eh andami niyang suitors. Isa na dun si Tatay Ronald, ung personal driver namin dati. Kahit ngayon nagpapadala pa din si Tatay ng bouquet of flowers sa kanya. Kaso dedma lang si Nanay.

Inilapag niya ang tray ng pagkain sa mesita ko sa kuwarto, malapit sa bintana. Ako naman ay dahan dahang umisod sa gilid ng kama para makatayo. Kinuha naman ni Nanay sa gilid ng mesa ang saklay at iniabot sa’kin.

Naka-cast kasi ang nabalian kong paa kaya kailangan ko ng saklay para makalakad. Parang kahapon lang, actually, kahapon lang pala talaga nangyari ang aksidente.

… flashback  …

“Ugh…” ungol ko.

“MAYUMI!”

Napaupo ako sa gulat na ikinasanhi ng pagsakit ng ulo ko. Nabigla ba naman kasi sa pag-bangon. Kainaman!

“Ok ka lang ba?” nag-aalalang tanong sa’kin ni Mika.

Badtrip! Tanong pa!

MUKHA BA AKONG OKAY?” sigaw ko.

“Lower down your voice, this is a hospital you know…”

Ako pa ang sinita! “Speak for yourself…” 

Teka! Hospital?

Humiga ulit ako saka tiningnan ang paligid. Nasa hospital nga ako. White walls and flooring, white curtains, white bed sheet at white blanket. Lahat na lang white! Ang sakit sa mata! Pati kasi si Mika naka nurse uniform pa.

Bakit ba kasi ako andito?!

Tapos naalala ko na nabalian nga pala ako, dinala ako ni Irvine dito at ang hinampas ng lukaret na babaeng ito ang paa ko. Napabalikwas ako ng bangon at tinanggal ang nakatakip na kumot sa mga paa ko.

Mayumi: Although She's Not The Shy Type©  (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon