PROLOGUE

1K 22 2
                                    

Rome, 22:15

Kanina pa niya tinitignan ang kanyang relo habang nakasandal siya sa kanyang sasakyan nang biglang may dalawang babaing lumitaw sa harapan niya hindi kalayuan. Habang papalapit ang dalawa sa kanya ay nakaramdam siya ng presensya sa bubong ng sasakyan niya na tila pinagmamasdan siya.

"è rozzo fissare" (it's rude to stare) sabi niya at nagpamulsa.

"Acida come sempre." (Sour as ever) sagot niya sabay talon ng babaeng maiksi ang buhok at bumagsak ang kanyang mga paa sa mismong kanang bahagi niya.

"Come mai così tardi?" (Why so late?) tanong ng isang pang babaeng tumalon galing sa puno at sumabay sa paglapit ng dalawang babae.

"Abbiamo avuto da fare." (We had business to do) sagot ng babaeng may hawak na cellphone at binulsa ito. Hindi naman sumagot ang kasama niya.

Tumigil ang tatlo sa harapan ng dalawang babaeng nakasandal sa sasakyan nang may dumating na isang pick up  galing sa kaliwang bahagi ng lugar. Lumabas ang isang babaeng maitim ang buhok at sumunod sa kanya ang isa pang babae, inikot nito ang sasakyan at binuksan ang pinto sa likuran. Hinablot niya ang lalaking nakatali ang mga kamay at nakatakip ang bunganga at binalibag niya ito sa semento. Umungol ang lalaki sa sakit na natamo.

Hinawakan ng babae ang paa nito at hinila palapit sa limang babae sa kanyang harapan. Halata sa lalaking nanginginig ito sa takot at naluluha-luha na dahil alam na niyang ito na ang kanyang katapusan. Marahas na tinanggal ng babaeng maitim ang buhok ang packing tape sa bibig nito.

"Chi siete? Perché mi state facendo questo? Vi prego. Lasciatemi andare." (Who are you? Why are you doing this to me? Please. Let me go.) pakiusap ng lalaki habang palipat-lipat ang tingin niya sa pitong babaeng nakapalibot sa kanya.

"E' ora" (It's time) sabi ng babaeng nakapamulsa at bigla niyang binunot ang isang Beretta 9M Pistol mula sa kanyang jacket at tinutok sa ulo ng lalaking nagmamakaawa.

"Qualche desiderio prima di morire?" (Any death wish?) tanong niya.

"Vi prego, lasciatemi andare. Vi darò tutto, quello che vi desideravate." (Please,let me go. I'll give everything that you want.) sagot ng lalaking umiiyak.

"Spiacente, risposta sbagliata." (Sorry, wrong answer) walang emosyong sabi niya sabay putok sa ulo ng lalaki.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon