Chapter 1 The Ugly Truth

67 2 1
                                    

Problem 1: Sabi nila masyado daw akong mapagmataas. Hindi naman ako katangkaran.

Hypothesis 1: At 5'6, heels lang ang katapat ng mga modelong yan.And yes, I'm on this pedestal because I deserve it, so back off.

Problem 2: Masyado daw akong malamig - as in cold hearted bitch. 

Hypothesis 2:  I'm a warm and charming person who has friends in high places, natural! Kasi sa 21st floor ang office ng work place ko. If they don't like me, I don't care. I live my life for myself and not for them. Need I say more?

Problem 3: At isa pa, masyado daw akong pihikan, eh hindi naman ako kagandahan.

Hypothesis 3: Uh, with that, I 'd like to correct your misplaced comprehension of the issue on beauty. If I don't fit your standards of being Emma Stone, Anne Hathaway and Audrey freaking Hepburn, I am certainly sure na I'm just a step behind sa hilera nila Bea Alonzo, Kristine Hermosa at Megan Young. At hindi ko kahilera si Kim Chiu, hindi siya maganda.period.

Problem 4: Kung ganun, bakit single ka pa rin?

Hypothesis 4: Blanko. 

Natigilan ako sa tanong niya. Natameme. 

Umiikot ang turnilyo ng utak ko sa dagling paghahanap ng tamang sagot ngunit mailap ang mga salitang gusto kong ibato sa kaniyang pangungutya. Dahil sa totoo lang, hindi ko din alam.

"Man hater ka kasi," dagdag pa niya habang hinihigop ang mainit na kape.

"Excuse me!" Galit na winagawayway ko ang food turner sa harapan niya at binalingan ko siya ng matatalim na tingin.

"Yes, Ms. Santiago. You're always excused," nakangiting sagot niya sa naiirita kong sigaw, at walang imik na nagpatuloy nang pagbabasa ng diyaryo na parang walang narinig sa lahat ng reklamo ko.

Tingnan mo ito, ang aga aga pa akong ginising kaninang 5 am para lang pangaralan ako sa pagluluto. Ngayong nagmamadali akong tapusin ang priniprito kong ulam, saka naman siya makikipagtalo sa akin tungkol sa non existent kong love life. Para paraan kung mang abala at mambuwisit sa akin. Hindi lang minsan kundi araw-araw.

Padabog kong inilagay sa mesa ang niluto kong agahan. "O, breakfast! Nakakahiya naman sa iyo. Baka sabihin mong hindi ka welcome dito." Sinadya kong lagyan ng stress ang salitang welcome, baka sakaling matauhan at mabuhusan ng konting hiya.

Itinabi niya ang diyaryong binabasa at dali daling dumampot ng tinidor.

"Thanks Olivia!" Tinusok niya ang isang hotdog at kinagat na para bang ninanamnam ang isang masarap na gourmet dish. "Hmmmmm. Sarap ah. Improving!Hindi na sunog katulad kahapon." Sabay tawa ng nakakaloko.

Pinandilatan ko lang siya at galit na nginuya ang aking almusal. Whatever, mabulunan ka sana, sigaw ko sa isipan ko.

I can't believe I am even friends with this guy. Siguro wala ako sa tamang pag iisip nung sinabugan ako ng charm ng lalakeng ito. And that was four years ago.

Ivan Luke Abello. My nosy, annoying and narcisisstic neighbor slash brutally honest jerk of a friend. Hindi pala, self-proclaimed close friends daw kami kaya kung makapag insulto daig pa si Senadora Miriam sa mga maaanghang na punchlines. Come to think of it. He's a lawyer like Senadora, the only difference is that his acerbic declarations come with a terrible attitude.

"This will be an addition to your superlative portfolio," mayabang na pagdideklara niya.

Tumingala ako at tinaasan ko siya ng kilay. Ano na naman ang pinagsasasabi ng mokong na ito. This better be good or else may kakatayin ako ng wala sa oras!

Love's LogicWhere stories live. Discover now