Planado na ni Olivia ang kaniyang buhay. Una, magtapos sa pag-aaral with flying colors. Check. Pangalawa, maging matagumpay sa trabaho at career. Check. Pangatlo, magkaroon ng asawa at pamilya. Not checked. Walang puwang para kay Olivia ang magkamali. Para sa kaniya, ang pananatili niyang single at unattached sa kabila ng overdue niyang schedule ay isang malaking pagkakabigo. Dahil dito sisimulan na niya ang isang lohikal at sistematikong hakbang para matagpuan ang taong kukumpleto sa mga pangarap niya. Hindi niya sukat akalain na ang lalakeng ito ang siyang gugulo at babaliktad sa lahat ng kaniyang pinaghirapan at siya ring sisira sa lahat ng alam niyang tama at tuwid sa konsepto ng pag-ibig. Unfortunately for Olivia, meeting Mr. Right could never have been so wrong.
3 parts