ika-apat : Motor Rider

18 3 1
                                    

A/N: May isang reader na nagtanong bakit daw Tagalog yung chapter, English naman yung title. Wala lang! Trip ko lang. XD

Ika-Apat : Motor Rider

Rei's POV

    "Kahit ako'y Titibo-tibo, Puso ko ay Titibok-tibok parin sayo..."

"Tumigil nga kayo! Nakakainsulto yung--" busangot ni Jacky.

"...Isang halik mo lamang at Ako ay tinatablan at ang aking pagka--"

"Shut up guys!" Naiinis na sabi ni Jacky.

Paano ba naman, pinapatugtog yung sikat na kanta ngayon na Titibo-tibo na tungkol sa tomboy sinabayan pa nila Rose, Mikay, Alli at Annie.

"...Na para bang Bulaklak na namumukadkad , dahil wa--"

"Halaaa! Bakit mo naman pinatay?"

"Nakakairita kaya yung kanta, tapos sumasabay pa kayo!" Pagsusungit ni Jacky.

"Aysus! Nagagandahan Karin naman doon Jacky, pinapakinggan mo kaya yan." Pang-aasar ni Rose.

Namula naman si Jacky.

"S-saan? Ngayon ko nga lang narinig yan!"

Kanina pa maingay ang loob ng sasakyan dahil walang oras na Hindi sila nawawalan ng pag-uusapan kaya ayan maganda sa aming Anim e, Hindi ka maboboring kapag sila kasama mo at kaharutan.

"Ay? Ngayon lang ba? Gusto mo Shareit ko sayo?" Ngisi pa ni Annie na ikinatawa naming Lima.

"Ewan ko sa inyo. Hoy Mikay saan na ba tayo?" Irap ni Jacky

"Wala kayang Tayo..." Natatawang sabi ni Mikay.

-_- "saan na nga kase tayo banda?" Aniya ni Jacky.

"Hindi ko alam e, basta para na tayong nasa bahay-bahay."

"Ano? Teka? Ano ba sinusundan mo?" Kunot noong sabi ni Jacky.

"Ah, sinusundan ko lang yung mapa na binigay sa akin ni Alli kanina."

"Ano?" Sabay na sabi ni Jacky, Rose at Annie.

"Mapa?" Aniya ko naman.

"Alli? Saan na ba ito banda?" Tanong ni Jacky.

"Huh? Ah eh... Wait lang nasa ano tayo, sa may.. Sitio Marasigan. Dalawang Sitio pa dadaanan natin bago makarating doon sa Province na may lupa namin." Aniya ni Alli.

Tango-tango naman si Jacky.

"May mga kilala ka ba dito? Alli?" Tanong ni Rose.

"Meron kaso Hindi ko na alam kung nasaan siya."

"Teka? Parang may Mali e!" Kunot noong sabi ni Mikay sa sarili.

"Ano sabi mo mikay?" Aniya ni rose.

"Omy ghaad! Hindi kaya? Naligaw na tayo? Halaaaa! Hin--Ouch!" Aniya ni Annie na tumingin kay Jacky ng masama.

"Ang OA mo."

"Teka lang guys ah." Sabi ni mikay na bumaba sa sasakyan.

Anong gagawin niya? Saan siya pupunta? Bumaba din si Jacky at Sumama kay mikay. Kaming apat naghihintay lang.

Dapit hapon na Pero nakakasilaw parin yung liwanag sa araw! Sana wag kami abutin ng gabi na bumabyahe, nakakatakot kaya.

Tahimik lang kaming naghihintay sa loob, Si Rose Kumakain, si Alli Nakatingin sa bintana at si Annie na nag-aayos ng mukha.

She Fell in love to a Mafia PrinceHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin