Chapter Eighteen.

Magsimula sa umpisa
                                    

Lumingon sa akin si Cash. Hinintay n'ya ako hanggang sa makalapit ako sa kanya at hinawakan n'ya ang bewang ko.

"May experiment ako..." bulong n'ya sa akin.

Nangunot ang noo ko at tiningala ko s'ya. Nakangising aso s'ya at talagang may balak na masama.

"Hoy! Ayoko na ngang makipagsayaw sa'yo, baka syotain mo ako."

"Hala, ang kapal mo ha! Hindi kita syosyotain."

Inirapan ko s'ya, dapat lang!

Masaya ang tugtog. Marami ang sumasayaw ng hataw sa dance floor. Ang ibang mga babae ay grabe kung gumiling.

"Sayaw na tayo, wooh!" masayang sigaw ni Cash.

Ako naman ay natawa lang dahil nang aakit ang paraan ng pagsayaw n'ya. Kaloka, anong experiment ba ang ginagawa nito?

Sumayaw rin ako at humawak sa balikat n'ya. Ngiting ngiti talaga s'ya at halos malapit ng humagalpak. Hinawakan n'ya ang bewang ko at hinaplos haplos iyon.

"Ang saya pala n'yang asarin! Hahaha!" Natatawang sabi ni Cash.

"Sino?" Nagtatakang tanong ko.

"Secret, walang clue!"

Sinamaan ko s'ya ng tingin. Nginitian n'ya lang ako ng nang-aasar.

"Matagal na talaga naming nahahalata pero hanggang ngayon hindi parin talaga kayo magkaaminan." Iiling iling na sabi n'ya.

"Ano bang sinasabi mo? Nababaliw ka na naman..."

Nilapit n'ya ang labi n'ya sa tenga ko.

"Bibilang ako. Maya maya lalapit na sa'yo 'yong tinutukoy ko..." he whispered. "In one... two... three..."

"Ang pangit n'yo sumayaw! Ang laswa!"

Napalingon ako doon sa bumangga sa amin. Si Uno? Epal talaga 'yon kahit kailan!

"Naintindihan mo na ba, Jamila?"

Itinulak ko si Cash. Naiintindihan ko s'ya pero ayoko lang kasi talagang mag-assume.

"Ewan ko sa'yo, baliw!"

Iiling iling na tinanaw ni Cash si Uno. Ako rin ay nilingon ang gawi kung saan pumunta si Uno. Kumirot na naman ang puso ko dahil may kasama na naman s'yang ibang babae. Pero kailangan kong ipaalala sa sarili ko, nakamove on na ako, nakamove on na ako.

"Kita mo, pareho talaga kayong dalawa. Maang maangan."

Tuluyan na akong iniwan ni Cash at kinausap na ang ibang babaeng kanina pa naglalaway sa kanya. Bumuga ako ng malalim na hininga. I should go back to our table. Nawala na ang gana kong sumayaw.

Pero hindi pa man ako nakakagalaw sa kinatatayuan ko ay may humawak na sa braso ko.

"Hey..."

Nangunot ang noo ko. Nagkasalubong ang mga mata naming dalawa. He's wearing an eye glasses but it doesn't make him look like a nerd. Mas nagmukha pa nga s'yang hot. His hair is messy and I like it.

"Do I know you?" Tanong ko sa kanya.

"It's me, the nerdy guy you helped back when we were in highschool."

Kumunot ang noo ko.

"The one who insulted you. Damn, you forgot me?"

Lalong nangunot ang noo ko. Inilapit n'ya ang mukha n'ya sa akin hanggang sa bigla kong na-realize kung sino s'ya.

"My gosh, Nathan?"

"Right, it's me." He said then winked.

Napailing iling ako.

Undeniable FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon