"What are you thinking?"

"'Yong sagot mo sa tanong ko."

Huminto s'ya sa paglalakad kaya ganon rin ang ginawa ko. Nilingon ko s'ya at nagkaharapan kaming dalawa.

"Hindi ko talaga alam ang sagot sa tanong mo, Jamila. Pero totoong hindi katawan mo ang habol ko. I can wait kahit kailan mo gusto. Kahit pagkatapos na ng kasal natin..." He said then wiggled his brows.

Mahinang sinuntok ko s'ya sa dibdib.

"Kasal agad? Tayo na ba?" Nangingiting pang aasar ko sa kanya.

Napahawak s'ya sa dibdib n'ya at kunwaring nasasaktan.

"Ouch, it hurts."

Iiling iling na nagpatuloy ako sa paglalakad. Naramdaman ko naman na sumunod s'ya. At least kahit na pakiramdam ko ay mali ang naging desisyon ko ay bahagyang guminhawa ang dibdib ko ngayon kaysa kanina.

"Dito na ako, salamat sa paghatid!"

Nginitian ko s'ya at nag-wave. Masayang nagpaalam rin naman s'ya sa akin.

"See you on monday!"

Nakangiti ako habang binubuksan ang gate ng bahay ngunit hindi ko pa man nabubuksan ang gate ay halos mapatili na ako nang may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko. Dinala n'ya ako sa eskinita na nakapagitna sa bahay namin at sa shop nila Uno.

Isinandal n'ya ako sa pader. Doon ko lang nakita kung sino. Si Uno.

"Ano ka ba! Tinakot mo 'ko!" Bulyaw ko sa kanya.

Kinakabahan ako at hininihingal pa dahil sa ginawa n'ya. Natakot ako akala ko kidnap na, eh.

"Ano na naman bang pumasok sa utak mo?"

Kumunot ang noo ko sa ibinungad n'ya sa akin. Anong problema nito? Kanina pa s'ya mainit ang ulo, ah!

"Kung tungkol na naman 'to sa syota mong si Isa, dalawa o ewan, kung anong pangalan n'ya. Huwag mo ng ituloy at baka masapak pa kita."

Itutulak ko na sana s'ya kaya lang ay hinawakan n'ya ang balikat ko at ipinirmi ako sa aking pwesto.

"Uno, ano ba? Hindi na tayo nagpapansinan 'di ba? Tapos ngayon, bigla bigla kang ganyan sa'kin? Tangina, abnormal ka yata, eh!"

"Balak mo na namang mag-boyfriend?"

Suminghap ako. Biglang nag init ang ulo kong kanina ay malapit nang lumamig.

"Pakielam mo ba? Ikaw ba, pinakielaman kita 'nong nagjojowa ka halos linggo linggo?" Nag-isang linya ang labi n'ya. Hindi s'ya kaagad nakasagot. "Ang laki na ng ulo mo, Uno. Akala ko hindi ka katulad ng iba na ginagamit kagwapuhan para makapambabae pero tulad ka rin pala nila."

Rumehistro ang sakit sa mga mata n'ya pero agad din iyong nawala. Ramdam kong pilit n'ya iyong itinatago.

"This is because of you." Mahinang bulong n'ya.

Hindi na ako nakapagpigil at talagang buong pwersa ko na s'yang itinulak. Gago pala ito, eh. Kailan ko pa naging kasalanan?

"Paanong naging kasalanan ko? Gamitin mo nga 'yang utak mo!"

Tuluyan na akong nagmartsa palayo sa kanya. Naiinis dahil nasasaktan ako. Hindi lang yata simpleng pagkakagusto itong nararamdaman ko kay Uno... Pero sana naman, puppy love lang 'to, di ba?

UNO

Pagkaalis ni Jamila sa harap ko ay agad na sinuntok ko ang pader na nasa harap ko. Nakakainis!

Nakakainis kasi ang gago ko. Bakit ba kasi ang torpe ko? Gusto ko s'ya, una ko palang s'yang nakita sa probinsya namin ay gustong gusto ko na s'ya pero bakit hanggang ngayon ay hindi ko parin maamin?

Undeniable FeelingsWhere stories live. Discover now