Ugh! What is happening to me?

"Can you please turn around?" Tila nagulat pa si Leo nang magsalita ako. Mukhang pansamantala siyang nawala sa kasalukuyan.

"Ah! O-oo naman. S-sure." Bumaba siya mula sa kinauupuan niya at tumalikod agad.

Tumayo ako mula sa bathtub at agad na binalot ang robe sa katawan ko. Lahat ng kailangan ko naroroon na nga. Mula sa tsinelas hanggang sa damit na isusuot ko.

A dress is fitted in a manequin. By the looks of it, it is defienetely a nightgown. Pero napakagarang nightgown naman ng nasa harapan ko. It is a silk satin indigo dress, emroidered with small pieces of precious stones and jewels.

No one can't resist its beauty!

I heard Leo cleared his throat as I remove my robe, exposing my shoulders. Hindi ako alam if nakikita ba niya ako o naiinip lang siya.

"Naninilip ka ba?" Agad kong ibinalik ang robe sa balikat ko.

Nakatalikod man ay itinuro niya ang isang parte ng silid. Mayroong salamin doon at makikita niya mula roon ang lahat ng ginagawa ko.

"You didn't observe well Esmé. Kung hindi ako ang kasama mo, malamang nasilipan ka na talaga."

Humarap siya at naglakad papalapit sa kinaroroonan ko. I wanted to move away but my body won't let me.

"As your future husband, I won't let that happen."

He stopped right in front of me. Mariin ang tingin niya sa mga mata ko. Naisin ko mang magsalita, bigla na lamang nanuyot ang lalamunan ko. Namumula ang mga pisngi niya at tensyonado ang noo niya.

"You make it so damn hard for me to resist this feeling I have right now."

His voice is shaking. Ilang beses din siyang napalunok habang nakatitig sa akin. I don't know why but I feel there is heat coming out of his skin.

"Esmé..."

As soon as he called out my name, my body followed. Kusang gumalaw ang kamay ko patungo sa dibdib niya. I tried very hard to pull it back but it won't.

What is happening to me?

Kunot noong pumikit si Leo. I can't decipher his features. His breathing started to deepen and so was I. Nararamdaman ko ng maging ang isa kong kamay ay tila nais ding gumalaw mag-isa.

Pinilit ko mapigilan ang kamay ko. Ngunit alam kong ilang sandali nalang hindi ko na kakayanin pang mapigilan ito.

"Stop." Leo commanded. Agad niya kinuha ang kamay kong nasa dibdib niya.

Para akong binitawan mula sa mahigpit na pagkakahawak. Muli kong nagalaw ang mga kamay ko sa naisin ko.

"Huwag mo ng uulitin 'yon..." pinisil niya ang kamay ko. Nanlambot ang katawan ko. "...baka sa susunod hindi ko na mapigilan ang sarili ko."

Leo let go of my hand. Tinungo niya ang dingding malapit sa kinaroroonan ko at doon hinila ang malaking kurtina. Isinara niya ang halos kalahati ng silid. Binigyan niya ako ng lugar para makapagbihis.

"Magbihis ka na Esmé, sa labas na ako maghihintay."

Ilang beses kong nakitany huminga ng malalim si Leo. Namawis rin siya, na ngayon ko palang nakita. Mayroon sa mukha niya ang hindi ko maipaliwanag. Para bang may pinipigilan siyang bugso ng emosyon.

Sa paglabas ni Leo, isinuot ko na ang damot na nakahanda para sa akin. Hindi ako nahirapan sa pagsuot sa magarbong night gown. Saktong-sakto kasi iyon sa katawan ko. Mukhang napaghandaan na nila ang pagdating ko sa Atmos.

Ang ganda kasi ng damit at bumagay iyon sa kurba ng katawan ko. Inaamin kong ngayon lamang ako nakapagsuot ng ganitong klaseng damit. Kakaiba pala sa pakiramdam na makapagsuot ng mamahaling kasuotan. Para talaga akong prinsesa.

Sa counter table nakahanda ang mga iilan pang bagay na puwede kong gamitin. May suklay, pulbos, mga ipit na nakakahiyang gamitin dahil baka masira ko lang at marami pang iba. Habang nagsusuklay ako ng buhok, noon ko lang napansin na tila may nagbago sa akin.

Gumanda ang balat at makinang ang buhok ko. Hindi naman ito ganito noon. Wala akong ideya sa mga nangyayari sa akin at sa paligid ko. Nakikiayon lamang ako sa kung ano ang mangyari. Alam kong hindi ako ito. Sa loob ko alam kong palaban ako, hindi ako sumusuko.

Pero ako rito. Mahina ako. Umaasa sa lalaking ngayon kahit ko lang nakilala, malaki ang tiwalang ibinibigay ko sa kanya. Hindi labag sa loob ko ang mga bagay na nararansan ko ngayon. Kataka-taka, pero iyon ang katotohanan. Parang handang-handa ako sa lahat ng ito.

Sandaling dumilim sa paligid, tumingala ako at nakita kong natakpan ng ulap ang buwan. Mabilis ang paglakbay ng ulap, alam kong muli ring babalik ang sikat ng buwan.

Ngunit sa pagtingin kong muli sa salamin. Hindi repleksyon kong ang naroon kung 'di kay Sergine.

"Nararamdaman mo na ang pagbabago." Aniya.

Nakayuko siya habang kinakausap ako. Talukbong lang niya ang nakikita ko.

"Ikaw ba ang may kagagawan nito?" May takot akong nararamdaman kapag kausap ko siya. Hindi ko alam kung bakit at kung saan nanggagaling iyon.

"Hindi. Kapangyarihan 'yan ng Atmos. Ibibigay nito sa 'yo ang kagandahan dahil ikaw ang susunod na reyna."

Maraming alam si Sergine na hindi masabi sa akin ni Leo. Lakas loob akong magtanong sa kanya.

"Sabihin mo lahat ng alam mo tungkol sa kapalaran ko bilang Alamat." Utos ko. Hindi ako umaasa na sasagutin niya ako pero nagbakasali pa rin ako.

"Pabago-bago ang kapalaran ng isang nilalang. Nakadepende sa desisyon mo at sa mga nakapaligid sa iyon."

Makahulugan ang mga sinabi niya pero malabo para makuha ang sagot na nais ko.

"Diretsuhin mo ako. Anong kapalaran ko ngayon?" May inis na sa pananalita ko. Ayoko ng pinapaikot ako.

"Kapalaran mong pakasalan ang kapatid ko. Maghahari kayo hindi lamang sa Atmos, maging sa ibang mga mundo."

Nawala nang tuluyan ang ulap at muling lumiwanag sa kinatatayuan ko. Nawala si Sergine at bumalik ang  repleksyon ko sa salamin. Nasilaw ako sa sinag na nanggaling sa likod ng palad ko. Naisin ko mang tignan kung ano iyon, hindi ko makaya dahil ang sinag ay tumatama sa mata ko.

May nais bang ipahiwatig ang buwan?

May nais bang ipahiwatig ang buwan?

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
She's the LegendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora