One Of Those Crazy Girls 4

244 6 0
                                    

 

"Tita, eto po yung cash sabi po ni Mommy ibigay ko raw po sa inyo."

 

Binigay ko na sa kanya yung envelope na may lamang cash na pinapabigay ni Mommy. Kasi for the fee. Nakapag-isip na rin kasi ako. Nung sinabi kasi ni Mom yun, Friday. Eh Monday na yung start ng workshop, which is bukas. Kaya pinatulan ko na! Sunday nga ngayon eh. Buti na lang talaga may reservation. Tutal minsan lang to dumating sakin ang opportunity  na to. So I grabbed the chance kahit pa may mga asungot akong ma e-encounter. Expected na yun no.

 

Nandito nga pala ko sa isang commercial building malapit sa Trinoma. Dito kasi yung registration nung Workshop. May kalakihan din yung building tapos sa loob siguro yung mga rooms. Malamang naman. Dito pa lang kasi ako sa may lobby eh. Di ko pa napapasyalan lahat. 

 

"Ano ka ba Nics, I already paid the fee. Hindi ka na naman iba samin. Para na rin naman kitang anak diba?" Yeah, right. Ayaw ko pong maging kapatid ang anak nyo. May kapatid na po akong lalaki.

 

"Thanks po Tita! Ugh pano po 'tong cash?" Pagbabalik tanong ko sa kanya. Akin na lang kaya?

 

"Ang mabuti pa, ibalik mo na lang sa kanya. Ito nga pala yung form." Binigay naman niya sakin yung form at pamphlet.

 

"Since ako na lang nag-enroll sayo, ako na lang rin yung guardian mo throughout the whole Workshop. Three weeks lang sya. Every Monday to Thursday. Yung nag-iisang Friday diyan, recital."

 

Tiningnan ko na lang yung pamphlet. Musical Theater, Instruments: Guitar, Bass, Keyboard, Drums, Violin, Saxophone, HipHop, Modelling, Jazz, Ballet, Voice Lesson and Acting for TV yung mga choices. So dun ako sa Voice Lesson. Sana makahanap talaga ko dun ng pwede kong maging ka-banda. Gusto kong kumanta.

 

"Oh, Okay na ba lahat Nics?" Sabi ni TIta Tony habang ngiting-ngiti... Why?

 

"Okay na po, uuwi na po ako. Thank You po talaga Tita."

 

"You're welcome!" Sabay yakap sakin at beso. "Siya nga pala, sinong maghahatid sayo pauwi?"

 

"Kanina pong 10, hinatid ako ng driver. Eh ngayon po kasi sinamahan niya si Manang sa Grocery. Mga 10:30 pa lang kaya te-text ko na lang po si Kuya na magta-taxi na lang po ako." Magta-taxi na nga lang ako.

 

"Ayy na ko. Hindi." Tapos tumingin siya sa likod ko. "Iñigo, anak. Ihatid mo si Nics sa kanila."

 

Bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko. HIndi sa saya, kundi sa pagkairita. Nandyan pala siya. Kanina pa kaya? Tumalikod ako kay Tita at humarap sa kanya.

 

"Okay Ma." Sabi niya habang nakatingin sakin at hindi sa nanay nya. Kumindat pa! Bastos talaga.

 

"Pano ba yan Nics, tara na." At in-offer pa niya kamay niya sakin. Hah. Manigas ka. Pasalamat ka nandito mama mo!

One Of Those Crazy GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon