One Of Those Crazy Girls 1

626 9 3
                                    

Nakakabagot dito sa bahay. Gising sa umaga, kain ng breakfast, nood tv, internet habang nakain, nakikinig sa music, kain ulet, tulog, gising sa umaga. Cycle lang. Hindi ko na nga alam ang petsa o kung anong araw ngayong araw eh. Bakasyon kasi eh. Alam ko lang tinatawag lang ako pag kakain na. Punta na lang ako ng mall. Gutom na ko. Gusto ko ng donuts kahapon pa ko nagc-crave. 

 

Pagkatapos kong gawin ang mga ritwal ko sa banyo, nag-bihis na ko. Simpleng pedal, sneakers at plain v-neck shirt lang ang sinoot ko. Naka-ponytail lang. Ewan ko ba basta komportable ako sa ganitong mga damit. May nagsasabing masyado raw akong boyish. 'Di naman totoo 'yun, sadyang ganito lang ang mga tipo ko. Mula nung—. Ganito nga rin kaya ang ayos ng tatlong mga kuya ko! Pwera na lang sa ate kong mas pinakamatanda samin. Sobrang arte. Daming kolorete.

 

Wallet at cellphone lang ang dala ko. Pupunta ko sa mall. Kakain lang. Nagpahatid ako sa driver namin. 

 

"Kuya, thanks sa paghatid. Ingat ka."

 

"Sige Baby Girl, text mo na lang ako kapag magpapasundo ka na."

 

Ngumiti na lang ako at tumungo. Err. Ayan na naman yang Baby Girl na 'yan. 'Yan ang bansag sakin since bunso ako at may pagka-boyish pa. Sila kuya kasi nagpasimula nan. Para daw tumino ako at maging straight na babae. YUCK.

 

Buti naman nandito na. Sobrang haba nga lang ng pila ng entrance ng babae sa mall na 'to. May mga grupo kasi ng mga maaarteng babae. Samantalang sa lalaki, wala. Palibasa may nangyaring kaguluhan nung isang linggo lang. Barilan ata. Kaya hinigpitan ngayon. Ano yon, pana-panahon? Pano kung walang nangyaring barilan, maghihigpit pa kaya sila?

 

Dun na nga lang ako sa male. Pagkapasok ko, tiningnan akong mabuti nung mga babae sa pila nila.

 

"Ah, miss. Dun po ang entrance ng babae." Sabi nung lalaking security guard.

 

"Eh manong ang haba eh."

 

"Oh sige na nga, maganda ka naman."

 

"HA?"

 

"Ah, wala 'yon. Sige neng."

Weird.

 

Buti na lang onti ang tao. Hayy J.Co, ba't ba ang sarap sarap ng coffee at mga donuts ditoooo. Grabe, feeling ko heaven na 'to. Umorder kasi ako ng one dozen na box, take out. Mas feel ko kasi kung kakamayin yung donut, hindi yung pa-sosyal pa na fork at knife. 

 

"Well, look who's here."

 

Di pa ko nakakakagat sa donut ko, napaangat na ako ng tingin nang may magsalitang isang demonyong galing sa kailailaliman ng lupa. Boses pa lang alam ko na kung sino. Tingnan mo nga naman ang swerte oooh. Siguradong kasama na naman nya yung tatlong alipores nya.

 

"Bro, tara na dun sa—whoaa" Sabi na nga ba eh. Saglit lumingon si Ralph para tawagin yung mga kaibigan nyang sina Lance at Vince, kaparehas niyang maitim ang budhi—tho maputi silang lahat.

 

"Hi Baby Girl!" Bati nung unang demonyong nagsalita sa harapan ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Ugh, gusto ko nang umalis dito!!! Nagdatingan pa yung tatlo.

 

"Bro, kaya pala gusto mong dito tayo mag-merienda, alam mo palang nandito si ehem ehem.. BABY GIRL!" Sabay sabay pa talaga yung tatlo sa pagsasabi nung 'Baby Girl' at sabay nagtawanan! Hello? Tingnan mo outfit ko ngayon! Lalaking lalaki, parang yung sa mga kuya ko. Tapos sasabihan nila kong Baby Girl? FUDGE!

 

"Mga Bro, wag nyo naman akong ilalag kay ehem Baby Pretty Girl." Sabay tawa ng magkakaibigang kampon ni Lucifer! ARGHHH. At ang leader, nakangisi pa sakin. Ew.

 

"Pwede ba umalis kayong apat dito kung wala kayong magawang matino! Kaya hindi umuunlad ang ekonomiya ng Pilipinas eh, dahil sa mga taong walang kwentang tao kagaya nyo!" Sigaw ko sa kanila. Diyos ko! Mapuputol ang mga ugat ko leeg sa kanilang lahat! 

 

Tawanan lang ang ginanti nila sakin. Mga hinayupak talaga!

 

"Pati ba naman ekonomiya ng Pilipinas dinamay mo pa Nics! Ang mabuti pa, mag-aral ka na lang ng Economy para malaman mo kung pano magpa-unlad ng bansa!" Sabat naman ni Ralph. Sinapok naman siya ni Vince. Antawa ko naman, ECONOMY? Hahaha! 

 

"Bro, mali! Economics kaya! Economy ka dyan!" Pananama ni Vince.

 

"Eto naman, nagjo-joke lang eh!" Sabay tawa na naman. Err kelan ba matatapos to?

 

Sinuway naman sila ng leader nilang naka-ngisi lang sakin.

 

Sabay..."Uhm, babe." Lipat sa tabi ko. "Sorry na kung nakaistorbo kami sayo." Sabay akbay sa kaliwang bewang ko. "Bibili lang ng donuts eh." Sabay ngisi sakin. At bago nya pa ko madampian ng halik sa pisngi, nasuntok ko na siya sa sikmura.

 

"Ano ka bang manyak ka! Adik ka ba! At hindi ako baboy no!"

 

"AWW!" At napahawak siya sa tiyan nya. "Babe! Minsan talaga iisipin ko nang lalaki ka eh! Aww. Kalakas mong sumuntok!" Sabay halakhak ng mga kaibigan nya sa likod nya.

 

"Wag mo nga kong matawag tawag na Babe, hindi ako mataba!"

 

"Ang cute kaya! Hehe." Sabay tingin sa likod. "Ba't ba kayo tumatawa pa? Kunin nyo na order natin bago ko pa gantihan tong maton na babaeng to!" Tssk. Aba! Bipolar talaga!

 

"Ok, boss!" Sabi ni Lance na pinipigil ang tawa. Hahaha! That's what you get!

 

"Tara na guys!" Mukhang naka-recover na siya sa suntok ko at bago pa makaalis, pumunta siya sa harapan ko. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Ah, eto pala gusto mo ha. Sige lang. Hindi porke myembro ka ng kampon ni Adan, papatalo na kaming mga Eba! Oo, kahit ganito ako manamit, babae pa rin ang tingin ko sa sarili ko no!

 

"Hindi pa tayo tapos, baby." Anlapit talaga ng mukha niya sakin sabay kindat, abah naman talaga, pero hindi talaga ako papatalo sa—

 

"Tara na mga Bro, sasabog na yan!" Sabi ni Iñigo sabay takbo patungong glass door.

 

"BOOM PANES!" Sabay-sabay pa nilang sabi. Sabay tawa ng wagas!

 

Basta ang naaalala ko na lang napaupo ako sa upuan ko hawak ang labi kong hinalikan niya...na naman...

 

HAYUP KA TALAGA IÑIGO SANTIAGO PEREZ DELOS SANTOS THE THIRD!

 

One Of Those Crazy GirlsWhere stories live. Discover now