Chapter 24: Love Endures All Things

Magsimula sa umpisa
                                    

            He chuckled. "Kaluluwas ko lang. Tapos na kasi ang agenda ko sa Isabela with my grandparents," sagot nito

            Bumitiw na siya ng yakap dito. "I'm glad you're here."

            "How are you?"

            She smiled. "I'm okay now." Nang malaman nito ang nangyari sa kanila ni Terrence, hindi ito tumigil sa kakatawag hanggang sa hindi masigurado ang kalagayan niya. Nang kaya niya nang makipag-usap noon, agad niyang sinabi rito na wala na itong dapat ipag-alala sa kanya. Alam niya kung gaano ito kaabala sa ginagawa nito sa Isabela kaya pinigilan niya itong lumuwas para puntahan siya.

            But she really wanted to see Geoff. He's one of her best friends.

            Lumagpas ang tingin nito sa kanya. Nakatingin na ito kay Terrence. "How is he?" he carefully asked.

            Pinapasok niya ito ng kuwarto. "Ganoon pa rin kahina ang heartbeat niya," balita niya rito. "Pero last month , nadagdagan ng kaunting-kaunti ang pagtibok ng puso niya."

            Tumangu-tango ito. "Anong sabi ng mga doktor?"

            "Ganoon pa rin. They already told me na sobrang liit na lang ng pag-asa na magising pa ulit si Terrence. Walang kahit anong response ang katawan niya pagkatapos ng a-aksidente." Umupo siya sa gilid ng kama at inayos ang pagkakakumot sa asawa. "Walang kahit anong maliit na paggalaw sa katawan niya."

            "Are they suggesting that... the machines were the only things that are keeping him alive?" maingat na tanong nito.

            She deeply sighed and look at Geoff. "Y-Yes... his heartbeat was not enough to pump blood in his system."

            Nakita niya ang paglungkot ng mga mata nito. "Naisip mo bang...?" tanong nito na sinadya nitong hindi tapusin.

            But she got it anyway. "Naisip kong sumuko. Dahil marami nang nagsasabi na..." Napalunok siya. "Na hindi na siya magigising. B-But... his small heartbeat keeps me hoping that a miracle will come and he'll be awake...." Napabuntong-hininga siya. "Sabi ni Kuya Eugene sa'kin, sa paniniwala niya noon na magkakaayos pa kami at magbabago pa 'ko, nakaya niyang maghintay nang matagal para sa araw na iyon... He persevered. Kahit minsan daw gusto na niya 'kong sukuan, hindi niya raw magawa. Kaya niyang magtiis hanggang sa maging handa na ako to finally listen to him."

            "And you're willing to wait... until Terrence wakes up." anito.

            "I'm willing to wait until the impossible became possible," matatag niyang sabi.

            "Mahirap 'yan."

            Binalik niya ang mga tingin sa asawa. "I'll keep on hoping. After all, love endures all things. Kakayanin kong maghintay at magtiis hanggang sa huling tibok ng puso ng asawa ko. I won't give up on him. I cannot and I do not want to."

            Sa pagkabuhay ng pag-asa kay Eunice at sa patuloy na paniniwala niya sa himalang kayang ibigay ng Diyos para kay Terrence, alam niyang kailangan niyang maghintay. Kahit pa nasasaktan siya na halos sinasabi ng lahat na wala ng pag-asa na magising pa ang asawa. Sa totoo lang, napapagod na rin talaga siya sa araw-araw na paghihintay niya at sa araw-araw na pagkabigo niya sa hindi paggising nito.

            But she can't give up. She won't be shaken up.

            Hindi umiimik si Geoff kaya naman nabalik ang tingin niya sa kaibigan.

Love at its Best (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon