Chapter 24: Love Endures All Things

Bắt đầu từ đầu
                                    

            "Mas saan ka nahihirapan noon? Running a big company or tolerating a bratty sister like me?" she curiously asked.

            "Hmm..." Tila nag-isip muna ito. "Pareho namang mahirap. But I learned to endure."

            "Endure?"

            Tumango ito. "When I started running the company, I need to sacrifice my time for you. Minsan kahit gusto kitang makasama o makausap, hindi puwede. My time won't allow me to bond with my sister. Kaya nagtiis na lang muna ako hanggang sa maging stable ang kompanya," paliwanag nito. "Then, when I can have time for you already, nalayo ka naman masyado sa'kin. Minsan, hindi na kita kilala. You were so mad at me. But I never lose hope that someday, magkakasundo ulit tayo like we used to be."

            She must admit, hindi na siya umasa noon na magkakasundo pa sila dahil sa sobrang galit niya rito noon. But when she learned that she must not keep a grudge in her heart, napadali na makinig at mapatawad niya ang kapatid.

            "You turned into someone na hindi ko na nakilala pa when you were so mad at me," pagpapatuloy ng kapatid. "Minsan nga nahihirapan na 'ko sa kaiisip kung paano ko mapapaliwanag sa'yo ang lahat because you never listened. You never tried."

            "I treated you like you never existed," pag-amin niya.

            Tumango ito. "So, I waited until you can see me, again, as your brother.  And now... here we are."

            "Thank you, Kuya," she wholeheartedly said. "You never gave up on me."

            "Love always perseveres, cupcake. Kahit minsan gusto na lang kitang hayaan, I cannot. You know that I love you."

            She sweetly smiled at her brother and rested her head on his shoulder as he drives. She's pretty blessed to have a brother like her kuya Eugene. Hindi na nga mabubuo muli ang pamilya nila ngunit kung patuloy silang magkakasundong magkapatid, she knew that their father and mother would be so happy looking at them. Maaga mang nawala ang mga ito, buo naman ang pagmamahalan nilang magkapatid.

            And she thought that all siblings should be like that. Magkaroon man ng malaking away, nagkakasundo pa rin sa huli.  Magkakampi, buo, at nagmamahalan pa rin kahit anong mangyari.

❤❤❤

KATATAPOS lang muling i-check ng doktor si Terrence. And as usual, there were no improvements. Lumakas daw nang kaunti ang tibok ng puso nito pero napakaliit lang daw na pagbabago niyon.

            But for Eunice, it gave her more hope.

            Lumipas pa ang isang buwan at hindi pa rin nagigising si Terrence. Nagpatuloy ang pagpapabalik-balik niya sa ospital, ang pag-aalaga sa natutulog na asawa, ang patuloy na pakikipag-usap dito na para bang naririnig siya nito, at ang patuloy niyang paghihintay na ano mang oras ay puwedeng magising ito.

            Isang araw, buong araw na nagbantay si Eunice. Binabasahan niya ng libro ang natutulog na asawa nang maabala siya sa pagkatok sa pintuan.

            "Sandali lang, ah," paalam niya pa kay Terrence bago sinara sandali ang libro at lumapit sa pintuan.

            Pagbukas niya ay nagulat siya kung sino ang nasa labas.

            "Bonjour, cherie," nakangiting bati pa ng 'di inaasahang bisita.

            "Geoff!" gulat ngunit masayang untag niya rito. Patalong nayakap niya ito. "Oh, my! Kailan ka pa nandito sa Manila?"

Love at its Best (Love Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ