Chapter 9. "I'll stay here for you"

Start from the beginning
                                    

"Ano pong nangyari?"

Pumunta kami agad ni Mama sa ospital kung saan dinala si Bence. Kinakabahan ako, natatakot. Nangangatog ang tuhod ko at nanginginig ang buo kong katawan, Bence wag mo kong iwan.

Pagdating sa ospital, habang naglalakad papuntang operating room. Hindi pa rin mawala sa dibdib ko ang kaba at takot. Nagdarasal ako sa isip ko na sana'y hindi pa ito ang araw na iyon. Masyado pang mabilis, hindi pa ako kuntento. Hindi maaari, Bence. May mga bagay pa akong hindi nagagawa para sa kanya.

Hingal na hingal kami ni Mama nang makarating sa tapat ng operating room. Nakita namin si Tita na nakaupo sa waiting area sa labas ng operating room. Agad kami nitong sinalubong nang makita niya kami.

"Mare anong nangyari kay Bence?" nagaalalang tanong ni Mama. Kita ko naman ang labis na pag-aalala ni Tita.

"Mare, ooperahan si Bence." Nabigla kami ni Mama sa sinabi ni Tita.

"No. This can't be Tita," napatingin si Tita sa sinabi ko. "Hindi! Baka—"

"No, Daphne kakayanin niya," natigil ako sa pagiyak sa sinabi ni Tita. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang mga mapait na ngiti sa labi niya. "Sabi niya kakayanin niya." Nanglaki ang mga mata ko sa sinabi ni Tita. Bence, why are you doing this?

Niyakap ko si Tita at hinaplos nito ang likod ko habang umiiyak.

Please Bence, survive the opearation. Nasabi ko sa isip ko habang yakap si Tita.

Nang maging kalmado na kaming tatlo. Naupo kami sa wating area. The operation will take for 8 hours at maaring tumagal pa. Sinabi na rin sa amin ni Tita ang nangyari kanina.

"Tumawag si Doc sa akin, sinabi niyang may donor na raw. At maganda ang pusong ito na compatible sa condition ni Bence, he can undergo to the operation, kahit anong puso, pero mas maganda raw kung healthy ang puso na ipapalit sa kanya since kumplikado ang condition ni Bence para sa heart transplant." Tumingin si Tita sa akin. "At nang tumawag si Doc, walang alilangang pumayag si Bence na magpa-opera. Kahit na, walang kasiguraduhan ang maaaring mangyari sa gagawing operasyon. Agad kong tinawagan si Doc na ihanda ang operation ngayong gabi. Kaya kami agad na pumunta rito." Sandaling huminto si Tita sa pagku-kwento at nagpakawala ng isang malalim na paghinga. "Sinabi ko kay Bence ang maaaring mangyari. Maybe he could survive the operation and live longer or maybe he will die," Naging makahulugan ang mga titig ni Tita sa akin. "But because of you darling, he's willing to live. He didn't hesitate to take the operation. Even though, there is no assurance of success." Iniwas ni Tita ang tingin sa akin. Yumuko siya at nagumpisang umiyak. "Only God can help my son now. Only him." niyakap siya ni Mama ng tuluyan na itong humagulgol ng pagiyak.

Napamasid na lamang ako sa pinto ng operating room, nasa loob 'non si Bence. Lumalaban, at hinarap ng buong tapang ang hamon ng buhay. Sinabi ko sa isip kong mabubuhay si Bence at kayanin niya ang operation. Alam ko, kakayanin niya ito.

Bence, hihintayin kita.

Bence's POV

"Bence, pwede mo ba akong samahan." Napatitig ako sa mukha nito na may halong pagtataka.

"Sige, kahit saan mo gusto, Daphne." Sagot ko sa kanya at ngumiti.

I know this is hard for her. Alam kong nasasaktan siya sa sitwasyon ko. Alam kong lahat sila nagaalala sa kalagayan ko. Ramdam ko lahat ng iyon. Pero bakit pakiramdam ko, ang sakit para sa akin na makita ang mga nagaalalang mukha nila. Ayaw kong mangyari na sa oras na mawalan ako ng hininga, ay bubuhos ang napakaraming luha mula sa mga magaganda nilang mata. Gusto kong lilisan ako sa mundong ito na tanggap nila.

Hear Me Where stories live. Discover now