Chapter 4. "I believe in you"

5.7K 248 19
                                    

Chapter 4. "I believe in you"

Bence's POV

Patawad sa sinabi ko. Sorry.

Hawak kong muli ang isang pilas ng papel habang nakahiga sa kama ko. Mukha yatang napapadalas na ang ganitong pangyayari sa buhay ko. Nang dahil na naman sa sulat ni Daphne, hindi na naman ako madapuan ng antok. Hindi ko lang din maisip kung ano ang nangyayari sa kanya kanina. Parang may nais siyang sabihin pero, hindi niya masabi sa akin. Dahil doon, bumibigat ang loob niya. May nagawa ba akong masama sa kanya?

I don't really see the point why do I feel this way. Sino ba si Daphne. She's an average girl, not really a average girl, dahil kakaiba siya sa pangkaraniwang babae lalo na sa edad namin. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ako naging interesado sa kanya. Noong una gusto ko lamang na tulungan siya. Gusto ko maging kaibigan siya. Pero bakit parang iba yung naramdaman ko kanina ng una kong mabasa ang mensahe niya sa akin kanina.

Taimtim ko lang na pinagmamasdan ang hawak kong papel na may mensahe ni Daphne. Lagi na yatang ganito ang routine ko nitong mga nakaraang araw. Paulit-ulit ko lamang na binabasa sa isip ko ang nakasulat dito, habang pinagiisipan kung ano ba ang ibig sabihin ng mensaheng nakasulat. Pati na rin ang inasal niya kanina.

Patawad sa sinabi ko. Sorry.

"Ugh! Daphne! Daphne! Daphne! Why?" Naguguluhang maktol ko. Bakit siya humihingi ng tawad? Naguguluhan na ako.

Kinabukasan hinintay ko ulit siya roon sa school gate pag pasok ko. Mabuti naman at nakita ko siya agad at hindi ako naghintay ng matagal. Nilapitan ko siya at binati ko siya ng magandang umaga. Akala ko hindi niya ako papansinin tulad ng lagi niyang ginagawa at iiwasan lang pero ngumiti pa siya sa akin. Sandali akong natulala sa kanyang mukha nang makita ko ang ngiti sa kanyang labi. Kahit na maliit at tipid na ngiti ito, kakaiba ang naging pakiramdam ko ng mga oras na iyon. Nabigla ako pero napalitan din agad iyon ng ngiti. Isang ngiti na nagpagaan sa loob ko. Sinundan ko siya at sinabayan sa paglalakad. Nagkwento ako sa kanya ng mga ilang bagay at nakita kong natutuwa siya sa mga sinasabi ko. Hindi ko alam pero natutuwa akong makitang interesado siya sa sinasabi ko. Tumatango siya at minsan naman ay naririnig ko ang pagbungisngis niya. Bigla siyang nagbago, hindi ko alam ang dahilan kung bakit, pero ayos na rin ito kaysa sa dati.

Natapos ang buong maghapon at hinintay ko si Daphne sa labas ng school. Kanina sa klase, masigla ako at bumalik ang pagiging aktibo sa klase. Inintriga na naman nga ako ni Elijah at inaasar na naman ako. Mayamaya lang ay dumating na si Daphne. Noong nakita ko siya kumaway ako rito at masaya siyang nginitian. Itinaas niya lamang ng bahagya ang kanang kamay niya at mabilis din na ibinaba ito at yumuko. Alam kong hindi pa siya confident pero alam kung magagawa rin niya ito baling araw. Naglakad na ako papunta sa kanya.

"Uhm Daphne, pwede bang samahan mo ako?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya at naghihintay ng sagot niya. Nakita ko ang pagdadalawang isip sa mga mata nito. Pero laking gulat ko ng bigla itong tumango at ngumiti sa akin.

"Talaga? Tara na!" Hinawakan ko siya sa braso at hinila paalis. Nang mga oras na 'yon. Labis labis na kasiyahan ang naramdaman ko. Hindi ko masabi pero, masaya akong kasama siya.

Daphne's POV

"Talaga? Tara na!" bigla niya akong hinawakan sa braso at hinila palabas ng school na siyang kinabigla ko. Hindi ko mawari kung ano ang saktong nararamdaman ko. Mabilis ang kabog sa dibdib ko at kinakabahan ako. Para akong nininerbyos pero, may saya akong nadarama sa mahigpit na paghawak niya sa braso ko.

Hear Me Where stories live. Discover now