Chapter 6. "His brave heart"

4.9K 207 10
                                    

Chapter 6. "His brave heart"

Bence's POV

"Daphne, tara na. Iuuwi na muna kita." Natatarantang sabi ko kay Daphne.

Tumawag na si Mama at kailangan ko ng umuwi. Sabi niya naroon na raw yung resulta. Oo, may sakit ako. Bata pa lang ako may sakit na ako sa puso, at nakatakda na akong operahan ngayong buwan. Mahirap ang may ganitong sakit dahil hindi mo magagawa ang ibang bagay na ginagawa ng iba. Para bang hindi ka normal na tao? Mahina ka at hindi magawa ang nagagawa ng ibang tao na gusto mong gawin. Kaya naman tinuon ko na lamang ang sarili ko sa pag-aaral. Nang sa gayon ay may mapatunayan pa rin ako sa iba at sa sarili ko. Hindi naman por que may ganito akong sakit, hindi ko na mae-enjoy ang buhay ko. Para kasi sa akin, simple lang ang buhay. It's either magpapakalungkot pa, or gagawa ka ng paraan para maging masaya. Tayo ang gagawa ng paraan para sa buhay natin, at mangyayari ito dahil sa ating sarili at sa tulong Niya.

May ganito man akong sakit, gusto kong maging masaya. Kahit na alam kong, maliit ang tyansa na mabuhay ako ng matagal. In life, we need to face challenges and accept what will happen. Kahit anong mangyari, subukan natin. Para sa kaso ko, kung susubukan ko mang sumailalim sa operasyon, 50'50 ang chance na maging successful ito. At 'yon ang nagpapakumplikado sa buhay ko. Para sa akin, I'll will accept kung mawawala na ako sa mundong ito. Pero paano naman ang mga taong iiwan ako.

Matagal na akong pinipilit ni Mommy na mag-undergo ng operation. Pero natatakot ako. Paano kung? Paano kung, ito ang naging dahilan ng mabilis kong pagkawala sa mundong ito. At paano kung, ito rin ang maging dahilan ng kalungkutan nila? Hindi ko yata makakayang makita 'yon.

Nabalik ang isipan ko ng ipakita ni Daphne ang nakasulat sa isang papel.

Sige, mauna ka na, mukhang mahalaga ang bagay na gagawin mo. Kaya ko na ang sarili ko.

Natulala ako dito at may halong panghihinayang sa aking mukha. I see her smiling at me. I feel what she's trying to say, she trying to cheer me up. Hindi ko alam, pero sa ngiting 'yon ni Daphne, lumakas ang loob ko, dahilan para yakapin ko siya. Kinuha ko ang sulat na ginawa niya, matapos 'yon ay tumakbo ako paalis. Isang takbong nagpasakit sa puso ko, ayaw ko sanang iwan siya, pero kailangan.

Agad akong nagtago agad para hindi makita ni Daphne. Pinagpapawisan ako at mabilis na nagbibitaw ng malalalim na paghinga. Ito na, umaatake na naman ang sakit ko. Sunod sunod na paghinga na para bang mawawalan na ako ng hangin na lalanghapin habang nakahawak ang isa kong kamay sa aking kaliwang dibdib at mahigpit na pinipisil ito. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Mommy para sunduin na ako dahil, ilang saglit lang, paniguradong mawawalan na ako ng malay.

Nagising ako ginagabihan. Nasa ospital na ako. Nakita ko si Mama na nakahiga sa tabi ko sa couch.

"Mom, wake up." Tawag ko kay Mommy, nagising naman siya at mabilis akong nilapitan.

"Yes Son? May masakit ba sayo? Are you alright? Tatawag ako ng Doctor!" Sunod-sunod na tanong ni Mommy na puno ng pag-aalala. Tatayo n asana siya para lumabas at tumawag ng Doctor, pero agad ko siyang pinigilan.

"Wala po. Mom, I just wanna go home now." Marahan kong sinabi kay Mommy. Nakita ko naman ang labis na pag-aalala sa mukha ni Mommy.

"But Son,"

"Mom, ayaw ko sa ospital,please." Natahimik si Mom sa sinabi ko. Hinaplos ang mukha ko at mapait na ngumiti sa akin.

"You've really grown up my baby boy." Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Mommy bago ito umalis para ilabas na ako sa ospital.

Hear Me Where stories live. Discover now