"Alright." Kinalas ko ang seatbelts ko.

Akmang lalabas na sana ako nang hinawakan ni Kuya Commulus ang kamay ko. Nilingon niya si Ate Agnez sa likod at bumalik ulit sa akin. Tumikhim muna siya ng ilang beses bago nagsalita.

"Happy birthday. Mag-ingat ka dito. Susunduin kita mamaya." Deri-deritso niyang sabi kaya napatulala na lang ako.

Ano yun?

"Sige na bumababa kana. Male-late na kami sa pupuntahan namin." Pagbasag niya sa katahimikan namin.

Napalunok ako at tumango na lamang.

Kumaway ako kay Ate Agnez at nagpaalam na.

"Bye Heann!" Pahabol ni Ate Agnez nang makalabas na ako. Tinitigan ko ang aming sasakyan palayo hanggang sa mawala na ito sa aking paningin.

Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob ng station. Nadatnan ko ang isang pulis na medyo malaki ang tiyan na nakaupo sa reception area ng station. Napatigil siya sa pagkain ng mani nang tumigil ako sa harap niya. He looks like Santa Claus without his long, white beard.

"Uhm, where is SPO1 Martin Colston?" Tanong ko. Lumunok muna siya bago nagsalita.

"Nasa loob pa siya may meeting. Hintayin mo na lang." Seryoso niyang sabi at bumalik sa pagkain ng mani.

Umupo ako sa isang bench doon at naghintay pa ng ilang saglit. Hindi katagalan ay bumukas iyong pintuan sa isang silid at isa-isang lumabas iyong mga lalaking naka-uniform ng pang pulis.

Agad kong namataan si Martin kaya lumapit ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin at tinapik ang balikat ng kasamahan at saka bumaling sa akin.

"You're early!" Deklara niya at saka tumawa. There goes his angelic smile again.

"Uh ano bang dapat kong gawin?" Tanong ko sa kanya. Sinundan ko siya sa paglalakad papunta sa mga cabinets na nandoon. Mukha yatang may hinahanap siya. He looks busy.

"Maglilinis ka. Anyway I am sorry hindi kita mababantayan ngayong araw. My men and I are busy." Sagot niya habang tinitingnan ang isang folder.

Babantayan? Bakit naman ako babantayan? Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Babantayan? Kaya ko ang sarili ko." Sabi ko at agad humalukipkip sa harap niya. Tumigil siya sa pagbabasa doon sa folder at hinarap ako.

"Ah! Tumawag kasi si Governor kanina sa akin. Ang sabi niya he wants to make sure na ginagawa mo ang trabaho mo kaya he wants someone to watch you while you work." Ngumiti ulit siya sa akin at binalingan ulit ang folder.

What the hell? Seryoso ba si Daddy sa pinagsasabi niya? Ano naman ang gagawin ko dito sa police station?

Matapos basahin iyong folder ay agad niya itong isinara at hinarap ulit ako.

"Since my men and I are busy, I have here my brother to look after you..." sabi niya habang may kinakawayan sa labas at sumenyas pa siya na lumapit sa amin iyong kinakawayan niya.

Sinundan ko ito ng tingin at napatulala na lang sa nakitang lalaki na papalapit sa amin ngayon.

Nandito na naman siya. Anong ginagawa niya dito? And what? Brother? Magkapatid sila?

Weh?

Si flyer boy, I mean Clicko if I remember his name right, ay papalpit ngayon sa amin. Nakasuot siya ng manipis na white t-shirt, black shorts and a black baseball cap. I can see his abdomen from here.

"Heanndra, this is my brother Clicko. Clicko, this is Heanndra Governor Andranno's daughter." Pagpapakilala ni Martin sa aming dalawa. Tuwang tuwa pa siya na hindi ko maintindihan.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now