Marami na ang tao sa airport kahit alas tres pa lang ng madaling araw. Sakto pag dating ko ay call time na rin ng mga pasahero kaya dumiretso na ako sa eroplano. Lilingon sana ako to take a one last look at Manila nang may masanggi ako.

"Ay sorry, Miss" I said at the girl who is looking down with sunglasses on her eyes and a hat covering the half of her face. She just nodded at tuluyan nang pumasok sa loob ng eroplano.

Pamilyar ang tindig niya at ang korte ng mukha niya. Parang kamukha ni J.. Tss, hindi. Umupo na ako at isinuksok sa tainga ko ang earphones ko at nakinig ng music.

Isang oras lang naman ang layo ng Cebu sa Manila kung mage-eroplano. Cebu ang napili kong lugar dahil alam kong maganda doon. At saka, wala akong kahit isang kilala doon kaya alam kong doon ako makakahinga nang maluwag.

Pinikit ko ang mga mata ko at hindi namalayang nakatulog. Pag mulat ko ng mata, nagbababaan na sila kaya tumayo na ako.

Nakita ko na naman iyong babaeng nabangga ko kanina. Siya na lang mag-isa na nakatungo sa upuan niya. Natutulog pa rin ata. Napakapamilyar niya talaga. Nagde-debate pa ako kung lalapitan ko siya pero may lumapit naman nang stewardess at ginising siya so I looked away at bumaba na ng eroplano.

I was hailing a cab nang makita ko na naman siya. Napatingin rin siya sa gawi ko at tila nagulat. Hindi ko pa rin siya makilala dahil natatakpan pa rin ang kalahati niyang mukha.

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at dali-daling pinara ang taxing sa akin dapat mapupunta. I can't help but to feel irritated. Tss.

Naghintay pa ulit ako ng sampung minuto at nakapara na rin ng taxi.

"Shangri-La Mactan po, manong" untag ko sa driver. Mabilis naman siyang tumango. Wala pang sampung minuto nang makarating kami sa hotel. Tss, sana pala nilakad ko na lang ang lapit lapit lang pala.

Binayaran ko na si manong at lumabas ng kotse niya at nagcheck-in sa hotel. The hotel has an upscale beachfront resort offering a posh spa and two outdoor pools, plus six restaurants.

I can help but to curse silently nang marinig ko kung magkano ang per night ng isang kwarto. Mahigit 14k rin. Not that I don't have enough money, pero kasi balak kong mag-stay nang matagal rito. Baka naman maubos lahat ng yaman ko rito.

Sus, ikaw pa e ang yaman yaman mo! Kahit tumagal ka ng isang taon rito, kakayanin niyang bulsa mo!

Tila naiiisip ko ang puwedeng sabihin ni Julie kung naririnig niya ang iniisip ko.

I chuckled and shook my head at the thought.

Binigay na sa akin ang susi ko at madali na rin akong pumasok sa magiging kwarto ko. It looks simple yet elegant. Medyo malaki rin kung mag-isa ka lang. Pabagsak kong hiniga ang sarili sa kama and buried my face sa isang pillow, at hindi namalayang nakatulog na rin.

*** *** ***

Alas siyete na ng gabi nang magising si Elmo. Gutom na siya kaya naisipang bumaba ng hotel. Nakasuot lang siya ng white sando and shorts.

Tahimik lang siyang naglalakad habang nakamasid na rin sa paligid. Kumain muna siya sa isang resto at lumipat sa isang bar. Maraming tao and mukhang liberated lahat ng nandoon. Nang may mapansin siya sa bar counter na isang babaeng pilit kinakausap ng isang lalaki.

Nailing na lang siya. Aalis na sana siya doon nang muling mapatingin na sa babae na ngayon ay kumakawala sa mahigpit na hawak ng lalaki.

Nanglaki ang mata niya. Hindi naman niya ito kilala pero may kung anong nag-udyok sa kaniya at nilapitan siya. Doon niya na-realize na ito iyong babae sa eroplano kanina. Nakasuot pa rin ang hat nito pero wala na ang shades pero hindi pa rin niya makita ang mukha ng babae dahil madilim ang lugar. Halata ring naka-inom na ang babae.

"Don't touch me!" Rinig niyang sabi ng babae pero tila walang naririnig ang lalaking nakahawak pa rin sa braso nito.

"Pare, 'pag sinabi ng babaeng bitawan mo siya, bitawan mo na!" Malumanay na sabi ni Elmo pero bakas ang otoridad sa boses nito.

"At sino ka naman ha!" Inis ring sambit ng lalaki. Nahalata ni Elmo na lasing na ito. "Wala kang paki kung ano mang gawin namin dito!" Sambit pa ulit nito at balak nanamang hawakan ang babae pero mabilis itong nahagad ni Elmo at kamuntik pang sumubsob sa dibdib ni Elmo ang babae.

Pero tila nag-init rin ang lalaki at muling hinila nang malakas ang babae dahilan para malaglag ang sombrero nito at tumambad ang mukha niya dahil naaninagan ng laser lights ng bar na iyon.

"Julie?!" Gulat na sambit ni Elmo nang makitang si Julie nga ang hawak hawak ng lalaki. Hindi na niya napigil ang sarili at sinuntok ang lalaki hanggang sa bumalagta na sa lapag.

"Pasalamat ka at ayan lang ang inabot mo!" Aniya habang nagi-intig ang panga.

"A..aray, Elmo" mahinang bulong ni Julie sa higpit ng hawak sa kaniya ni Elmo habang paalis na ng bar na iyon. "Elmo, nasasaktan ako" muling bulong niya.

Napatingin sa kaniya si Elmo na ngayon ay lumambot na ang mukha pero bakas pa rin sa mata ang inis. Tumigil sila sa tabi ng pool. "Paano na lang kung wala ako doon?! Ano na lang ang nangyari sa iyo?"

"H..hindi ko alam... Salamat" she muttered. Sumasakit na ang ulo niya sa epekto ng alak sa katawan niya.

Huminga nang malalim si Elmo. "Saan ang hotel mo? Ihahatid kita"

Kita ni Elmo ang paga-alala sa mukha ni Julie pero agad ring nawala. "K—kaya ko naman na ang sarili ko" pagkumbinse niya pa kay Elmo.

Napansinghap si Elmo nang mapansing wala talagang balak sabihin ni Julie kung saan siya nagi-stay. Wala siyang ibang nagawa kung hindi ang hilain na lang ang dalaga patungo sa kwarto niya. Wala rin namang nagawa ang dalaga kung hindi ang magpatianod sa binata.

"Oh" sambit ni Elmo at ibinigay ang isang basong tubig kay Julie na ngayon ay iniikot ang mata sa kabuuan ng kwarto nang makapasok sila rito.

Napansin ni Elmo na tumigil sa kakaikot ang mata nito at tila may tinitignan at biglang namula ang pisngi. Napatingin siya sa kung ano ang tinitignan ni Julie at nakita ang boxer niya. Kaya pala namula ang dalaga.

Napangisi siya at hinawakan ang baba ni Julie at iniharap sa kaniya ang mukha ng babae. May sasabihin sana siya pero nakalimutan niya bigla nang magtama ang mga mata nila.

"Elmo..." Mahinang bulong nito nang mapansing unti-unting nilalapit ni Elmo ang mukha sa mukha ni Julie.

"Julie..." Sambit rin ni Elmo na may matang nagsusumamo.

Their lips met. Elmo's tongue knocked at Julie's mouth at pinapasok naman ito ng dalaga.

"Mmm..mmm" rinig nilang tunog na ginagawa ng nageespadahan nilang dila. Tila nagising ang diwa ng dalaga at itinulak palayo sa kaniya si Elmo.

"Julie..." Muling sambit ni Elmo at muling hinalikan si Julie. Napangiti na lang si Elmo sa halikan nila nang maramdamang pumulupot na ang braso ni Julie sa batok niya at sinasagot ang bawat halik na binibigay niya.

He slowly carried her to the bed at dahan dahang hiniga ang dalaga.

"Elmo............."

%

365 Days With You (JuliElmo)Where stories live. Discover now