Chapter 22

324 9 2
                                    

Chapter 22

Julie's POV

"Oh, ingat naman" untag ko kay Elmo nang padapa niyang binagsak ang sarili sa kama ko. Hindi ako pumayag na sa foam bed siya magpahinga kasi baka hindi siya maging kumportable roon.

Tatlong araw na ang nakalipas mula nang mangyari ang insidente at ngayon lang nakalabas ng ospital si Elmo. Nagkaroon kasi siya ng bali sa likod at concussion. Ito kasing superman na ito!!! Dapat ako ang nasa kalagayan niya eh. Pero siyempre malaki ang pasasalamat ko sa ginawa niya.

"Gusto mo bang kumain?" Tanong ko sa kaniya. Umiling lang siya. Hinayaan ko muna siyang magpahinga at lumabas muna ng kwarto.

Nagtext sa akin si Andrei at inaaya akong kumain sa labas pero tumanggi muna ako at ipinaliwanag ang kondisyon ni Elmo. Gusto nga sana niyang bumisita pero tumanggi na ako. Baka kasi kung ano pang mangyari.

Magdadalawang oras rin akong nakaupo sa sala nang maisipan ko nang umakyat sa kwarto. Gising na si Elmo pero nakahiga pa rin at nakatingin lang sa kisame. Umupo ako sa tabi niya.

"How are you feeling?" I asked.

"I'm fine, pero kumikirot pa rin iyong likod ko"

"Sorry talaga ha? Dahil sa akin kung bakit ka nagkaganiyan"

"Hey, this is not your fault. Stop thinking that way" paga-alo niya sa akin.

Niyakap ko na lang siya. Hindi ko kasi alam kung ano na ang sasabihin.

"Congrats nga pala" he said while smiling after I hugged him.

My eyebrows met. "Huh? For what?"

"For winning the case" aniya and showed me his phone kung saan may binabasa ata siyang article tungkol sa pagkapanalo ko sa kaso ni Mr. Peralta. "People likes you" he added.

"Tss, I'm just doing my job"

Kinabig niya iyong katawan ko, bali nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

"Alam mo, may sasabihin sana ako sa iyo nung araw na mangyari iyong aksidente pero hindi ko na maalala ngayon. Nakakairita! Kating kati na iyong utak kong maalala kung ano ba iyon" paliwanag niya.

Natawa lang ako at napailing. Nagkaroon siya ng concussion kaya siguro hindi niya maalala. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Hindi muna ako tatanggap ng kliyente ngayon, I'll take care of you"

Akala ko tatanggi siya, pero aba! Ngumiti ng nakakaloko ang ungas.

"Asus, gusto mo lang akong masolo eh! Puwede mo namang sabihin sa akin, huwag ka nang mahiya"

Pinisil ko iyong pisngi niya pero mahina lang naman. "Alam mo, kahit ano talagang sitwasyon mo, nakakaloko ka pa rin! Tss!" Untag ko at umirap.

Tumawa lang siya.

"Gusto mo bang kumain?" Tanong ko.

"Ha? Mamaya na, let's enjoy the moment" aniya at mas niyakap pa ako nang mahigpit. Hinayaan ko lang siya. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table nang magring iyon habang nakayakap pa rin si Elmo. May nagtext pala.

"I'm back. Don't do anything stupid or else you'll regret it, Julie. I am telling you, you'll regret it"

The message says.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, pero nangibabaw ang takot at kaba. Napansin ata ni Elmo na nag-iba ang aura ko kaya tinanong niya ako kung anong problema pero sinabi kong wala lang iyon at ibinalik na ang cellphone sa side table.

Shit, isa lang ang taong kilala kong puwedeng gumawa nito. Huwag naman sana. Please, huwag.

Elmo's POV

"Protect Julie at all cost, Elmo. Please, I am begging you - C"

Kanina ko pa binabasa ang text message na iyon. Nakabisado ko na nga ata eh. Naga-alala na ako. Umalis kasi si Julie para mag grocery, gusto ko siyang samahan pero hindi talaga siya pumayag. Hindi siya nagrereply sa mga message ko at hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko. Sana walang nangyaring masama sa kaniya kasi kung meron man, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"Maqui, nandiyan na ba si Julie?" Tanong ko kay Maqui nang makita ko siyang nagwawalis sa labas ng kwarto.

"Ah, wala pa ho senyorito" aniya. "Gusto niyo po bang sundan ko sa grocery?"

"Sige, pakisundan. Salamat, Maqui!" Untag ko. Kung hindi lang bali-bali itong likod ko eh ako na mismo ang sumugod ron. Tinext ko rin si Sam na samahan niya si Maqui para masigurong ligtas sila.

Hay, Julie! Umuwi ka na bilis!

Isang oras na ang nakalipas pero wala pa rin sila kaya kahit anong sakit ng likod ko ay tumayo na ako at bumaba. Napapangiwi na lang ako sa bawat galaw ko pero kailangan kong makasigurong okay lang si Julie.

Malapit na ako sa pinto nang bigla itong bumukas at iniluwa nito sina Maqui, Sam, at Julie. Fuck, nakahinga rin ako nang maluwag sa wakas!

"Elmo, bakit ka bumaba?!" Natatarantang tanong ni Julie at agad akong inalalayan para humiga sa couch.

Kita ko sa mata niya ang paga-alala pero mas naga-alala ako para sa kaniya. Hinaplos ko ang pisngi niya.

"Julie, 'wag na 'wag kang lalabas ng bahay na 'to" seryoso kong sabi sa kaniya.

Nagsalubong ang kilay niya. "A—ano?"

"Just do what I say, Julie! Huwag ka munang lumabas"

Nakita kong nagpalitan sina Maqui, Sam, at Julie ng tingin pero tumango naman siya sa akin.

Inasikaso niya ako buong gabi pero hindi pa rin talaga mawaglit sa isip ko iyong text na iyon. Sisiguraduhin kong hindi masasaktan si Julie kahit isang daliri niya hinding hindi nila magagalaw.

Someone's POV

"Welcome back to the Philippines, boss" bati sa akin ng isa sa mga tauhan ko.

"Bukas na bukas, simulan niyo na ang plano. Siguraduhin niyong malinis ang trabaho niyo ha! Gawin niyo lahat ng paghihirap sa kaniya! Pero huwag na huwag niyong sasaktan ang anak ko. Naiintindihan niyo ba?!" Singhal ko sa kaniya.

"Y—yes, boss. Kami na ang bahala"

Tinanguhan ko lang siya at agad na siyang umalis.

Pinaikot ikot ko ang wine na nasa baso. Napatawang buga ako. Humanda ka sa akin, Marivic. Pagbabayaran mo ang lahat ng ito. Pagsisisihan mong ako ang napangasawa mo!

Paano nga ba nagsimula ang galit ko sa kaniya?

Pinaniwala niya ang mga anak namin na niloko ko siya! Pinaniwala niya sina Julie at Joanna na iniwan ko sila! Pero ang hindi nila alam, she made me choose over them and my career. I admit na nahirapan akong pumili. I asked for her understanding dahil pareho kong mahal ang pamilya at career ko. Pero hindi niya ako pinakinggan. I tried my best para ipakita sa kaniyang kaya kong i-balance ang pamilya ang career ko pero matigas na siya. Ayaw na niya. Kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi umalis. Hanggang sa malaman ko na lang na pinaniwala niya sa isang kasinungalingan ang mga anak ko. Kaya binawi ko si Joanna sa kaniya. Hindi ko na mabawi si Julie dahil nasa tamang edad na siya at sigurado akong mahihirapan akong kuhanin ang tiwala niya dahil si Marivic ang paniniwalaan niya.

Kaya ako na mismo ang sisira kay Marivic. Ako ang sisira sa sarili kong asawa.

.........

Short update. Kaloka 'tong tatay ni Julie ha! Hahaha! 

365 Days With You (JuliElmo)Where stories live. Discover now