Chapter 14

339 8 0
                                    


Chapter 14

Elmo's POV:

"Nasaan si Joanna?" Bungad ng sopistikadang babae sa harap ko. Medyo kahawig siya ni Julie, older version kung baga. Alas siyete pa lang ng umaga nang mag door bell siya andito kami sa gate at pinipilit ko siyang pumasok muna sa loob pero pilit rin siyang tumatanggi.

"Nasa loob po, sandali. Tatawagin ko po. Sigurado po kayong hindi na kayo papasok?" Umiling ito. "Wait here po"

Pumasok na ako sa loob ng bahay at tinawag si Joanna na nasa sofa katabi ni Julie na kapwa bagong gising.

"Joanna, may naghahanap sa iyo sa labas" sabay silang napatingin sa akin.

"Sino raw?" Si Julie ang nagtanong.

"Ayaw sabihin eh. Pinapapasok ko nga pero ayaw rin"

Nagkatinginan ang dalawang magkapatid. "Jo, samahan na kita" ani Julie. Sabay sabay kaming lumabas ng bahay.

"Ate C...chantal?" Nanigas ang katawan ni Julie nang makita kung sino ang babaeng iyon. Kapatid niya ito? Napansin ko ring nagtago si Joanna sa likod ni Julie.

Hindi pinansin nung Chantal si Julie. Sa halip ay hinawakan ang braso ni Joanna. "You're coming with me" mariing saad nito.

"No!" Mariin ring sambit ni Julie. Mukhang gulo ito. Nilapitan ko sila at sinusubukang pakalmahin.

"She's coming with me, Julie! Na kay daddy na ang custody ni Joanna! Kaya nag punta iyong nanay mo sa Japan para makipagkita kay daddy sa korte!"

Lumaki ang mata ni Julie at tumingin sa akin na para bang humihingi ng tulong.

"Ah, mawalang galang na ho, mayroon po ba kayong proweba?" Tanong ko.

Inismiran ako nung babae at iniabot sa amin ang brown envelope. Tuluyan nang tumulo ang luha ni Julie habang binabasa ito.

"A..ate" naiiyak ring sambit ni Joanna. "I won't leave you here" sabi nito.

"You're going with me, Joanna sa ayaw at gusto mo"

"Ate please, huwag namang ganito" pagmamaka-awa ni Julie at sinubukang aluin ang babae sa pamamagitan ng paghawak nito sa braso pero marahas itong itinaboy ng ate niya.

"Julie..." paga-alala ko.

"Adrian, Axel, kunin niyo na si Joanna" sabi ni Chantal sa dalawang mukhang body guard niya. Nagpupumiglas naman si Joanna habang si Julie ay pilit na hinahabol ang body guards nito.

"This is for the best, Julie! Let Joanna go!" Singhal sa kaniya ni Chantal at saka na pumasok ng kotse at nagsimula na itong umandar. Sinubukan itong habulin ni Julie kaya tumakbo rin ako para maabutan sila hanggang sa mapagod si Julie ay napa-upo na lang ito sa kalsada habang humahagulgol.

Lumuhod ako sa harap niya at isinandal ang ulo niya sa dibdib ko.

"Shhh, Julie" paga-alo ko sa kaniya.

"C..call my mom, p..please" she said between her sobs.

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at sinubukang i-dial ang number ni tita pero nakapatay raw ang phone.

"Julie, nakapatay ang phone ni tita" sabi ko sa kaniya.

Tumingala siya sa akin. Kumikinang ang mga mata niya dahil sa mga luha niya and I hate seeing her like this. It hurts me too.

"Please, tell me this isn't happening" pagmamaka-awa niya at humawak pa sa kuwelyo ko. "Tell me!" at saka umiyak na naman.

Hindi na ako nagsalita at niyakap ko lang siya nang mahigpit.

Maqui's POV:

"Julie, kumain ka na muna" pag-aya ko sa kaniya pero parang wala siyang narinig at nakatulala pa rin sa kawalan. Hindi rin niya binibitawan ang panyo ni Joanna. Magi-isang linggo na ang nakalipas simula nang kuhanin sa kaniya si Joanna. Nalaman ko ito dahil kasama ako sa tumulong para ma-contact ang nanay niya pero wala pa rin. Pati rin si señora Pia ay hindi rin ma-contact.

"Julie..." tawag ko ulit sa kaniya. Doon lang siya bumalik sa ulirat at napatingin sa akin. "Kumain ka na, pumapayat ka na oh" ani ko.

Napapikit siya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Maqui. Wala si Joanna tapos si mommy hindi sumasagot sa mga tawag natin. Baka kung ano rin ang nangyari sa kaniya. Diyos ko, huwag naman sana" at muli na naman siyang napaluha.

"Huwag kang mag-isip nang ganiyan, Julie. Sigurado akong ayos lang ang nanay mo"

"Julie!" Sabay kaming napalingon kay Elmo na galing sa labas ng bahay at hingal na hingal. "Julie, ang mommy mo..." aniya at inabot ang telepono niya kay Julie.

Agad na nabuhayan ang loob ni Julie. "Ma?! Ma, thank God you're okay!" at nagsimula nanamang mag-unahan ang luha niya sa kakatulo. Nasasaktan rin ako para sa kalagayan niya dahil naging malapit na rin sa akin silang dalawa ng kapatid niya. "Ma what happened?! Are we going to get Joanna back? Why?! Mom please tell me this is not true... Mom! I hate Chantal! I hate daddy!" Saad niya. Namatay na siguro ang tawag nang ilapag ni Julie ang cellphone ni senyorito Elmo sa lamesa at tumakbo paakyat ng kwarto niya at nagkulong.

Malungkot kaming nagkatinginan ni senyorito Elmo.

Elmo's POV:

"Julie, kumain ka naman please. Magdadalawang araw na walang laman iyang tiyan mo baka mapano ka" paga-alo ko sa kaniya habang kumakatok sa pinto. Magli-limang minuto na pero hindi pa rin siya tumutugon. Inilapat ko ang tenga ko sa pinto para malaman kung ano ang ginagawa niya pero tanging huni lang ng aircon ang naririnig ko. "Julie" muli kong untag.

Wala na akong ibang magawa kung hindi ang kuhain ang susi sa baba at buksan ang kwarto ni Julie. Laking gulat ko nang makita ko siyang nakahandusay sa sahig at walang malay. "Julie!!!"

"She's out of danger now, Mr. Magalona. Nalipasan lang siya ng gutom kaya nanghina siya at nawalan ng malay. Kailangan lang naming siyang i-dextrose kung sakaling ayaw pa rin niyang kumain. You can visit her to her room now"

"Okay, doc. Thank you po"

"No problem, I'm going to my next client" paalam niya sa akin. Tumango naman ako kaniya at dumiretso na sa kwarto ni Julie.

Umupo ako sa upuan sa may gilid ng kama niya at pinagmasdan siya. Malalim na rin ang eye bags niya at mugto pa ang mata halatang kagagaling lang sa kakaiyak. Hinaplos ko ang pisngi niya at hinawa ang buhok na humaharang sa mukha niya nang may tumawag sa akin.

"Ma, hello"

"Anak, kumusta si Julie?" Bungad ni mommy. Bumuntong hininga ako.

"We're at the hospital, ma. Na-confine si Julie kasi nalipasan ng gutom at nag pass out"

"Oh my God—"

"But she's out of danger now, ma. Nagpapahinga na siya"

"T..that's good to hear. Marivic and I will be going back to the Philippines and tomorrow morning ang flight namin. Siguro dadaan muna kami ng Manila kasi may aayusin pa doon si Marivic then pupunta agad kami diyan"

"Okay po, ma. I'll inform Julie later"

"Oh sige anak, magi-impake muna ang ng gamit"

"Sige po, magi-ingat po kayo"

"Kayo rin. I love you, anak. Bye"

"Love you too, ma" I said and ended the call.

"E...elmo?" Napatingin agad ako kay Julie nang magmulat siya ng mata. "What happened?"

"Thank God, you're awake!" Hindi ko mapigilang hindi siya yakapin. "You passed out. Hindi ka kasi nagkakakain" I said at kumalas sa yakap. "Julie, you need to be strong para kay Joanna"

Nagbaba siya ng tingin. "Sorry..."

I sighed. "Mom and tita Marivic will go home tomorrow. Let's wait for them, okay?" Tumango siya sa akin at nagsimula na namang tumulala. Muli akong napabuntong hininga at isanandal ang ulo niya sa dibdib ko at hinaplos haplos ang buhok niya.

365 Days With You (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon