Chapter 16

296 10 0
                                    

Chapter 16

Joanna's POV:

Nakakainis! Kinuha ulit ni Dad iyong cellphone. Nalaman kong namomonitor niya pala iyong pagtawag ko.

May kumatok sa kwarto ko. Binuksan ko iyon at iniluwa ng pinto si Ate Chantal na may dalang maraming paper bags.

"I bought these for you. Wear something and we'll be going outside" she told me and left. Ang daming damit! Pumili na lang ako ng maisusuot at lumabas na. Nakita ko siyang naghihintay sa sofa at saka hinila na ako papasok sa kotse niya.

Sa mall pala kami pupunta. Hindi ko alam pero parang bumait siya? Mabuti kung ganoon, pero sana hindi ito front lang. Tinanong niya ako kung anong mga gusto ko pero umiling na ako. Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa kaniya. Hindi pa ako puwedeng maging kumportable sa kaniya. Not now because it's too soon.

Julie's POV:

Nagising ako dahil sobra akong nilalamig. Minulat ko ang mata ko at inayos ang kumot. Wala pa ako sa wisyo kaya pumikit ulit ako nang limang minuto. Pag mulat ko ulit, nakita ko si Elmo na nakasubsob sa kama ko at parang tulog. Teka, anong ginagawa niya rito? At saka, hindi ba siya nahihirapan sa puwesto niya?

Gigisingin ko sana siya nang bumukas ang pinto at iniluwa noon sina Ninang Pia, Arkin, at Mommy. Ngayon ko lang napansin na nasa ospital ako. Naalala ko na rin ang nangyari kagabi. Sino iyong lalaking nagligtas sa akin?

"Julie!" Sabay sabay nilang untag at nilapitan ako. Nagising na rin si Elmo and she cupped my cheeks.

"How are you feeling? Tell me, may masakit ba?" Aniya. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko.

"I'm.. fine" mahina kong sambit. Masakit ang lalamunan ko. "Sino ang nagligtas sa akin?"

"H...hindi ko na siya naabutan. Pag dating ko dito sa ospital sabi ng nurse naka-alis na raw" Elmo explained.

"Hindi ko man lang siya napasalamatan"

"Ate, kain ka po muna para magkalakas ka" untag ni Arkin at inilagay ang pagkain sa side table. Tumango lang ako sa kaniya.

Napatingin ako kay Mommy na namamasa ang mga mata. I hate seeing her like this.

"Anak, sorry. Hindi nanaman kita naprotektahan"

"Mom, you don't have to be sorry. This not your fault" I told her. Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit. "Malaman ko lang talaga na ang daddy mo ang may gawa nito, malalagot siya sa akin!"

Napansin kong nag stiffen si Elmo sa gilid. Bakit kaya? "Are you okay?" I asked him.

"Y..yeah" aniya at umiwas ng tingin.

"Julie, I think it would be better kung sa Zambales ka na muna ulit mag stay. Manila is not safe for you. At least doon, kasama mo sina Elmo. Hindi ka nila pababayaan" ani Ninang Pia. Napatingin ako kay Mommy.

"I can't go with you, anak. Pasensiya na. Marami akong aasikasuhin dito sa Manila. May investigation na magaganap and I need to save our company"

"P..pero paano ka, Mom. You're also not safe here" naiiyak kong sabi sa kaniya. Hinaplos ko ang buhok niya.

"Your Ninang Pia will help me. Naghire na rin kami ng body guards. For the mean time, I'll be staying on their house sa Quezon"

"Mom, please, magi-ingat po kayo" tumango siya bilang tugon at muli akong niyakap.

"Thank you so much po, Ninang" niyakap rin ako ni Ninang Pia.

"Siya sige na, kumain ka na muna para makalabas ka na rito. You have to go back to Zambales as soon as possible"

365 Days With You (JuliElmo)Where stories live. Discover now