"Xander, miss na miss na kita" sabi nung babae sa kanya. Ano toh? Sino yang babaeng yan? >.<
Humiwalay si Xander dun sa babae, "God! Akala ko nananaginip ako! Totoo ka nga!" tapos niyakap nya yung babae at binuhat tapos umikot ikot pa silang dalawa.
"Hahaha! Bitawan mo ako!" sigaw nung babae. Binaba naman sya ni Xander tapos pinisil nya yung magkabilang pisngi nung babae.
"Namiss kita, sobra!" sabi nya tapos tumawa sila. Napatingin naman sya sakin tapos dun sa babae, "Ah, sya nga pala si-----" pinutol ko na yung sasabihin nya.
"Pasok lang ako sa loob" sabi ko at iniwan silang dalawa dun.
XANDER's POV
Anong problema nun? Sinundan ko ng tingin si Myrtle habang naglalakad sya papasok sa bahay. May nagsnap naman ng daliri sa harapan ko.
"Huy! Tulala ka ah!" sabi nya. Shit. Di talaga ako makapaniwala!
"Ah. Hehehe. Pagpasensyahan mo na yun ha? Baka nahiya sayo" sabi ko at napakamot sa ulo. Tinignan naman nya ako mula ulo hanggang paa.
"Ibang iba ka na! Nung Grade 5 pa tayo, mukha kang mmmmmmpppppphhhhhhhhhhhhh" tinakpan ko ng kamay ko yung bibig nya
"Wag mo ng sabihin! Hahaha! Pero, iba na ako dati sa ngayon" sabi ko sa kanya.
"Naks naman! Hahahahaha! Uhm, si Tita?" sabi nya.
"Nasa loob, tara, magugulat yun kapag nakita ka nya" inalayan ko syang pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko si Mommy sa kitchen na nilalabas yung grahams.
"Mom!" lumingon naman sya sakin at nagulat nga sya! Hahaha!
YOU ARE READING
Ang Girlfriend Ng Hearthrob Ay Isang TOMBOY ??!! O__O I
RomancePaano kung ang landas ng isang TOMBOY at isang HEARTHROB ay magtagpo dahil lang sa isang natapong ICE CREAM? And worst, naging SILA pag dalawa? Magiging maganda ba ang takbo ng relasyon nila? Magiging malakas ba silang dalawa para sa isa't isa? O bi...
CHAPTER 36 - When SHE Came Back Part II
Start from the beginning