Chapter 87: Return

Magsimula sa umpisa
                                    

"I need to check them."

Ako naman ang napakunot noo sa kanyang sinabi. What check them? I said they're fine right?

"Why?" Hindi ko na napigilang itanong.

"Something is not right. Noong mga panahong sinundo ako ni Amanda, may sinabi na sya sa akin na hindi kapani-paniwala, pero parang ngayon nagkakaroon na ako ng clue." Hindi nya mapakaling saad.

Ano bang pinagsasabi neto?

Napabuga na lamang ako ng hangin at umupo mula sa pagkakahiga. Medyo ayos na ang pakiramdam ko.

"Tell me what's happening."

May alinlangan syang tumingin sa akin, but I don't care though.

"Cashmere." May pagbabanta ang boses ko. Wag mo sabihing ngayon pa sya mawawalan ng tiwala sa akin?

Bago pa man nya maibuka ang kanyang bibig, nauna nang nagbukas ang pintuan sa aking gilid.

Iniluwa nito si Amanda na humahangos, tila tumakbo ng napakalayo. Tumingin muna ito sa akin bago kay Cashmere, ang mga mata nito ay may bakas ng pangamba na hindi dapat maramdaman ng isang bathaluman.

"May problema!"

Napatigil kami. Ano na namang problema 'yan? Sawang-sawa na ako.

"The academy is under attack."

Oh, wow.






~*~






(Michelle's POV)




Wala na sigurong mas bibilis pang tumakbo kay Dennis, ngunit datapwat subalit wag mong maliitin ang taong takot kung tumakbo dahil tyak na mapapantayan nito ang takbo ng isang Dennis.

At gayun na nga ang nangyayari sa amin ngayon..

"Kyaaaaaah! That ugly monsters gonna eat us!" Tili ng tili si Feressa na lalo kong ikinaiinis.

Kanina pa kami hinahabol ng apat na soul eater, at hindi ko nagugustuhan ito. Walang liwanag, walang makapipigil sa kanila. Walang Andrei rito.

"Where's Carl?" Pag-iiba ko ng usapan nang makitang dalawa lamang kaming tumatakbo rito sa hallway ng academy.

Lahat ng estudyante ngayon may sari-sariling laban. Kami lang ang hindi nakikipagpalaban dahil may hawak kaming worksheets na pinapahatid ni Ma'am Salapare.

Yeah right.

Mas importante pa daw 'to kesa sa mga buhay namin bilin ni Carl, and that moron, iniwan na lamang kami basta basta!

"I don't know and I don't care. Mauna ka na Mich, I'm so pagod na so I decided I'm magpapakain na lang."

"Edi magpakain ka." Bagot kong sagot.

"Talagang iiwan mo ako 'no. Hmpf, tara na nga bilisan mo!"

Napairap na lamang ako sa kaabnormalan nya.

Dito pa talaga nya napiling mag-inarte. Hmm. Palapa ko talaga 'to eh. Pasalamat sya mahal ko 'yan, like eww.

"Wah! Mich nasa likod mo na malapit naaaa!" Malakas na tili sa akin ni Feressa.

Nilingon ko sya at sinimangutan.

"Sa likod mo rin!"

"Ano?"

"Sa likod mo!"

"Ano bang sinasabi mo?"

"Tanga, bingi! Sa likod mo rin!!"

Nakita ko ang biglang taranta nya. Akmang makukuha na sana sya ng isang itim na salamangka ang tumama sa soul eater gayundin ang natira pang tatlo.

Napatigil ako sa pagtakbo at napahawak sa aking dibdib sa sobrang kaba.

That was close.

"Muntikan na akong mamatay!" Balot ng kaba ang pagmumukha ni Feressa.

Akmang tatayo na sana ako nang biglang mag-sink in sa akin ang nangyari.

Ang itim na salamangka.

"Feressa!" Tawag ko sa atensyon nya ngunit huli na ang lahat.

Hawak-hawak na ng lalaki ang leeg ni Feressa gamit ang isa nitong kamay ay binuhat nya ng nakasakal kay Feressa.

Ang lakas nya!

Urgh! Tama na muna kalandian Michelle! Maghunus dili ka naman oh.

"You freak! Let her go!" Sigaw ko at agad nagpakawala ng water bombs sa kanyang direksyon na ikinalingon nya sa akin.

Biglang nawala ako sa aking konsentrasyon nang makita ang kanyang mukha. Napakaamo nito at napakagwapo! Kyaaah! Patawad Fer, pakamatay ka na lang sa kamay ng gwapong nilalang na yan!

"Is this your friend?" Malamig ang kanyang pananalita na ikinatuyot ng aking lalamunan.

It's so gentle pa rin talaga.

"I'm asking you woman." Sabi nya muli nang hindi ako sumagot. Eh kese nemen kenekeleg eke!

"Y-Yes." Namumula kong sagot.

Alam ko alam ko. Wala na kayong pake kay Feressa. Lagot kayo kay Dumbledore!

"Do you know that she's a traitor?"

Isang malaking question mark ang agad na rumehistro sa aking pagmumukha.

Anong sinasabi neto tungkol sa kaibigan ko?

"I think the answer is no." Bagot nyang saad bago ibaba ng parang basura si Feressa.

Nanghihina naman lumanghap ng lumanghap ng hangin si Feressa bago ako masamang tinignan. I mouthed sorry to her agad. Baka ako pa isunod ni Pogi at hindi nya rin ako iligtas eh. Ayoko kayang pumanget at mamutla sa harap ng gwapo, nagkakasala ako. Nagkakasala na rin pala ako kay Frank! Aaaaaaahh!

So balik tayo sa reality..

"Anong sinasabi mo?"

"Traydor kaibigan mo."

Napakunot noo ako. Di porket gwapo 'to gagawin na nyang sandata yun!

"She's not!" Giit ko bago tignan si Feressa na naroon lamang sa sulok at nakatulala.

"She is. Why don't you ask her?"

Akmang lalapit na sana ako sa kanya nang biglang may yelong humarang sa daraanan ko. Nilingon ko ang pinanggalingan, at hindi ko inaasahan ang aking nakita.

"C-Cashmere."

"Tigilan mo sila A-Andrew."

Nagpasalit-salit ang tingin ko sa dalawa at doon ko nakita ang mga matang nangungusap.

"Umalis na muna tayo Mich, isama mo si Feressa."

Napalingon ako kay Frank na diretso lamang ang tingin, may bahid ng pag-aalala ang mukha at tila ayaw nyang kumawala sa mga paningin nya si Cashmere.


Naiintindihan ko.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon