Sabay kaming napalingon sa labas nang may dumating na dalawang sasakyan at gustong gusto kong magtago sa ilalim ng mesa nang makilala ito. Those are the cars we used papunta sa Balboa Rave!

Shit.

Si Kuya Cirrus agad ang nakita kong bumaba sa sasakyan na sinundan naman ni Kuya Commulus. Nang makita ako ni Kuya Cirrus ay nanlaki iyong mga mata niya at agad na lumapit sa akin.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. Hindi ako nakasagot dahil nakatutok kay Kuya Commulus aking atensyon.

Matalim niya akong tinitigan bago bumaling sa police officer na nakatayo na pala ngayon. May ibinigay na jacket si Kuya Cirrus sa akin kaya sinuot ko iyon.

"Martin, you can't put my sister in jail." Mababang boses ni Kuya Commulus.

Biglang kumabog iyong dibdib ko. Ito na ba? This is really the time na makukulong na talaga ako? Wala na si Mommy dito para isalba ako kaya ito na talaga siguro ang tamang oras para makulong ako.

Poker face naman na nilingon kami noong si Martin. Sinuri niya ako at ibinalik ulit ang tingin kay Kuya Commulus.

"Hindi naman siya makukulong Commulus. Dinala lang siya namin dito para mahingan ng statement tungkol sa nangyari kanina but unfortunately, kanina pa siya hindi nagsasalita." Medyo tumawa pa si Martin kaya napakagat na lang ako sa labi ko.

What's with him? Sobrang bigat na nga ng ambiance dito nakuha niya pang tumawa sa harap ni Kuya Commulus.

"Nabangga niya iyong mga barricades sa kalsada and those are public properties." Pagpapatuloy ni Martin at tumango tango naman si Kuya Commulus.

"What should we do? Should we pay for it?" Sunod sunod na tanong ni Kuya Commulus. Napataas naman ng kilay si Martin at agad na umiling habang nakangiti pa rin.

"Commulus, knowing Governor Andranno hindi iyon magpapabayad. You know your Dad's principles." Makahulugang sagot ni Martin.

Napayuko si Kuya Commulus kaya tinapik ni Martin ang kanyang balikat.

"Alam ba ni Gov ang nangyari?" Tanong niya na agad naman sinagot ni Kuya Commulus ng pag-iling. Great!

"But we will eventually tell him after this." Tumango si Kuya Commulus.

"Well, she can do a twenty four hours community service starting tomorrow if she really wants to pay for what she did." Martin again in his cheerful voice na bumaling sa amin.

What? Community service? No way.

Tumayo ako at agad na nagsalita.

"What? Community service? Kuya Commulus, c'mon! We can—" Natigil ako sa pagsigaw nang hawakan ni Kuya Cirrus ang braso ko.

What? May karapatan din naman akong tumanggi!

"Heanndra please just let it go. It's just light chores anyway, hindi ka naman pahihirapan." Medyo nahihimigan ko na ang iritasyon sa boses ni Kuya Cirrus kaya tumahimik na lang ako at naikuyom na lang ang aking kamay.

Nagpasalamat sina Kuya Cirrus at Kuya Commulus kay Martin at agad sing lumabas sa policeman station.

It's almost morning dahil nakikita ko na ang sinag ng araw. Napansin kong isa na lang ngayon ang sasakyan at wala na ang aking mga pinsan.

Umuwi na kaya ang mga 'yun?

Padabog na binagsak ni Kuya Commulus ang pintuan ng sasakyan pagkatapos sumakay sa driver's seat.

Pinagbuksan naman ako ni Kuya Cirrus ng pintuan at agad ng pumasok. Hinilot ni Kuya Commulus ang kanyang sentido at bumaling sa amin sa likod.

"I'll make sure Dad will know about this Heanndra." Kuya Commulus's voice is laced with anger.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now