Chapter 32: Roses and Blood

Magsimula sa umpisa
                                    

But maybe... maybe I'm no better. Because I chose a man over her. Because I chose to hurt her instead of giving her the happiness she badly wanted.

But if that happiness is the only thing I'm holding on to... if it's the only thing that's keeping me together despite of everything, can I be selfish too? Can I have that happiness too?

Bumalik ako sa aking upuan. Nag init ang sulok ng aking mga mata. Pero hindi dahil napahiya ako. Kundi dahil hanggang sa mga oras na yon pilit ko paring iniintindi si Elyse.

--

Matapos ang klase ay umalis ako sa seminar room. Bago ako nakaalis nakita ko sina Daniela na kinakausap si Elyse. Ngunit umalis na ako bago pa marinig ang kanilang usapan.

Dumerecho ako sa Saint Jude's kung nasaan si Mama. Pinaalam ko sa kanya ang aking paglipat.

"Yong kaibigan na kasama mo sa dati mong tirahan, nasaan na siya?"

Natahimik ako. Madalas kong mai-kwento sa kanya si Elyse kahit na noong hindi niya pa ako lubusang nakikilala bilang anak niya.

"May bago na po siyang tinitirhan."

"Maayos ka ba sa tinutuluyan mo ngayon, anak?"

I told her I was renting one of the rooms of a semi-victorian house. I didn't told her I was alone or the house is mine. "Okay lang ako, Ma."

Niyakap ko siya. Kailangan ko ng lakas niya sa mga oras na ito. Hinagod niya ang aking likod at hinayaan ako sa kanyang bisig.

I spend the entire afternoon with Mama. Magkasabay kaming kumain. Mama is into painting this past few weeks. She had materials given by the center. Sinabi nila na ang mga activities na tulad nito ay makakatulong sa recovery ng mga pasyente.

Gustong gusto kong nakikita si Mama na nagco-concentrate sa bagay na gusto niyang gawin. It feels like I'm back to those days when everything was still normal, back to our old home, back to those summer mid-days when the sun was high, and Mom and I would make cold drinks and talk in the balcony.

Because right now, it feels like a year-round winter. Everything is hazy, like a blizzard. Emotions are cold. Stares are blank. Bodies are tired, trying to keep the fading warmth.

Magdadapit hapon na noong pumunta kami sa garden. Mukhang kanina pa  ako gustong tanungin ni Mama tungkol sa isang bagay.

"Sigurado ka bang okay ka lang, anak?" tanong niya.

I nodded to assure her. "I'm fine, Ma."

Hindi mapalagay si Mama habang nakaupo siya sa wheelchair. Kaya naman umupo ako sa kanyang harapan at hinawakan ang kanyang kamay.

"Ma, I'm Denise. Your daughter. Kaya ko ang kahit anong ibato sa akin."

Tinitigan ako ni Mama. "Yong lalake... yong sinabi kong nag asikaso ng aking paglipat?"

I blinked. "What about him?"

"Pumunta siya dito noong isang araw."

Natigilan ako. Si Landon... nandito si Landon. Pero bakit... bakit hindi niya sinabi? Gustong gusto ko na siyang makita.

"Humingi siya ng tawad sa akin. Sinabi niya na nasasaktan ka niya. Hindi niya ito sinasadya pero nasasaktan ka niya."

Nanghina ang aking mga tuhod kaya halos umupo ako sa lupa.

"Paulit ulit siyang humingi ng tawad sa akin noong isang araw. Denise, is there something I need to know? Maaari mo akong sabihan."

Nangilid ang aking luha. "Ma," I said. "What should I do? I love him so much it hurts."

The Devil's TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon