Chapter 25: New Beginning

224K 12.9K 5.6K
                                    

Chapter 25: New Beginning

Madaming boses akong narinig. Sabay sabay na nag-uusap. Bulungan. Sigawan. Mga yapak sa sahig. Mga busina ng sasakyan. Ang mga ingay na ito ang gumising sa akin.

Binuksan ko ang aking mga mata at binati ng matinding liwanag. Nakakairita. Kinurap ko ang aking mga mata hanggang sa tuluyang naging malinaw sa akin ang lahat. Linaw na maging ang mga imahe sa malayo ay tila hinihila ng aking paningin palapit upang aking maaninag.

Hospital. Nasa loob ako ng hospital. Umupo ako sa kama. Tila namamaga ang aking buong katawan. Ilang minuto ang lumipas na nakaupo lamang ako. Pinakikinggan ang sari-saring ingay, pinag mamasdan ang bawat detalye ng aking puting kwarto.

Bakit ako nandito?

I tried to rock my brain for answers. Subalit naguguluhan ako dahil sa ingay. Paano ko ba ito patitigilin? Tinakpan ko ang aking tenga. Ngunit tila pumapasok ang ingay sa aking utak.

Nakarinig ako ng mga yapak papunta sa direksyon ng aking kwarto. Nabigla ako nang marinig ang pag-uusap nila mula sa likod ng pintuan.

"Gising na ba ang nasa suite nine?" Tanong ng isang nurse. "Higit isang buwan na din siyang walang malay, hindi ba?"

Higit isang buwan? Linibot ko ang tingin sa kwarto upang tingnan ang tinutukoy nila. Ako ang nasa suite nine. Ano ba ang nangyayari?

Binuksan ng nurse ang pintuan. Nakita niya akong nakaupo, nakakabit ang mga aparato sa aking katawan. Bahagya siyang nabigla bago ako nagawang lapitan.

"Bakit ako nandito?" Tanong ko. "Ano'ng nangyari?"

Tinitigan niya ako. "May mga taong nagdala sa iyo dito isang buwan na ang nakakalipas."

Napakurap ako sa kanyang sinabi. Naghanap ako nang maaaring patotoo dito. I saw the clock in the table a few feet from me. Nakalagay doon ang oras at date. Isang buwan. Isang buwan akong walang malay.

Umiling ako. Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari. Ngunit masyadong magulo ang aking isip. Masakit ang buo kong katawan. Napakaraming ingay ang aking naririnig. Sari-saring bagay ang aking nakikita.

"Miss, huminahon ka."

I found myself struggling from the nurse's grasp. Kailangan kong makalabas sa lugar na ito. Kailangan long malaman ang totoong nangyari.

Nataranta ang nurse nang makita ang iregular na tibok ng aking puso mula sa monitor. Isang bagay ang tinurok niya sa aking braso. Agad kong naramdaman ang pagkalma ng aking paghinga. Tila ako ay hinihele. Nanlabo ang aking paningin at tuluyang pumikit.

--

It was afternoon when I woke up again. The temperature in the room was low. Lights filtered through the room from the window. Muli akong umupo sa kama nang maalimpungatan. Nabigla ako nang makitang may kasama ako sa kwarto. I blinked.

"River?"

Nakaupo siya sa sofa at nagbabasa ng libro. Tumigil siya at ngumiti nang makitang gising na ako.

"Hey."

"What's happening?"

River's dimpled smile faded. Bumuntong hininga siya.

"Quite a long story."

Tinitigan ko siya hanggang sa muli siyang magsalita. Wala siyang nagawa kundi ang sabihin ang lahat sa akin.

Tulad ng narinig ko mula sa mga nurse isang buwan akong nawalan ng malay. Ayon kay River naging biktima ako ng lason mula sa taong halos kumitil ng aking buhay noong gabing yon sa museum. The poison was inserted to my body through the cut in my neck.

The Devil's TrapWhere stories live. Discover now