Napansin niyang nakatingin ako kaya inilahad niya sa akin ang pack ng sigarilyo. Matagal ko pa itong tinitigan kaya siya na mismo ang naglagay noon sa lap ko.

"I know you want to." Aniya at bumuga ulit ng usok. Inirapan ko naman siya at kumuha na lang ng isang stick noon.

Maybe just one? Hindi naman masama iyon. Mabuti na lang at naiwan kaming dalawa dito. Pag nakita ako ni Kuya Cirrus, magagalit iyon.

I light the cigarette at agad iyong umusok. Tumawa ng mahina si James nang mapatingin sa akin.

What's up with him?

"Alam mo dati hindi ako naniniwala sa mga sinabi nina Cirrus tungkol sa'yo." Seryoso niyang sabi sa akin.

Ako lang kasi yata ang hindi sabay na lumaki kasama silang lahat. Nagkita kami noon pero sobrang liit pa lang namin. Napasulyap ako sa kanya habang nakakunot ang noo.

"Bakit ano ba sinasabi nila tungkol sa akin?" Now, I am curious.

"You know, kung anong pinanggagawa mo doon sa California." Mahina niyang sagot.

He's probably talking about my shitty life in California kung saan puro party lang ang ginagawa ko at pagbubulakbol sa school, or maybe he's talking about the time noong nahuli akong nagshop-lifting daw at ayaw akong pakawalan sa police station. Kung hindi pa dumating si Mommy malamang ay nakulong na ako, or maybe he's talking about something else? Or maybe he's talking about everything I am thinking right now.

Napalingon ako sa kanya nang marinig siyang nagmura bigla. He suddenly throw his cigarette on the ground at tinapakan iyon ng kanyang sapatos.

"Heann, throw your cigarette." Aniya sa isang seryoso na tono.

Ano nanaman ba ang problema ng isang ito?

"What's the matter?" Tanong ko sa kanya. Hindi niya ako nilingon dahil napako ang tingin niya sa kung saan.

Sinundan ko iyon at nakita ang isang babae na nag-jojogging papunta sa direksiyon namin. The girl is all smile habang mahina na tumatakbo patungo sa amin.

"Godamn it! Put it away!" Sigaw niya ulit sa akin kaya na ningkit ang mga mata ko.

Mukhang alam ko na, pero dahil gusto ko siyang asarin nagpatuloy lang ako sa pag-sisigarilyo.

Sobrang lapit na noong babae sa amin at nagulat ako nang biglang hablutin ni James iyong sigarilyo sa kamay ko at agad itong itinago sa likod ko.

"Hey James!" Malanding bati noong babae.

Medyo singkit ang mga mata at may magandang katawan basi na rin sa fitted t-shirt na suot niya. Tinanggal niya ang suot na earphones at agad nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni James.

Napalunok naman si James at parang namumutla na natatae na hindi ko maintindihan.

"Hello Kiana." Ngumiti ng hilaw si James. Ngumiti ulit iyong babae at tumingin sa akin.

"Ah, pinsan ko si Heanndra." Pagpapakilala niya sa akin.

Napangiwi ako nang makaramdam ng init sa aking kamay na nakatago sa likod. It's burning my skin!

"Ouch! What the hell!" Sigaw ko at malakas na kinuha ang kamay ko sa likod.

Sinuri ko ito ng maayos and saw a small burn in my left wrist. This is probably because of the cigarette na biglang hinablot ni James sa akin at hindi niya napatay ng maayos ang sindi noon!

Napakagat ako sa akin labi nang maramdaman ang hapdi na nanggaling doon.

Gulat naman na napatingin sa akin iyong babae na nasa harapan namin. Maya-maya pa ay dumating na silang tatlo na may dala-dalang supot ng tubig. Napalingon iyong babae kina Kuya Cirrus at agad na kumaway sa kanila.

"Hello Cirrus!" Bati noong babae sa Kuya ko. Ngumiti si Kuya Cirrus sa kanya gayon din si Seaver.

"Kiana, nice to see you here." Ganti naman ni Kuya Cirrus na nag-aabot sa akin ng bottled water. Kumunot ang noo niya nang makita ako na ngumingiwi at hindi tinanggap iyong tubig na inialok niya sa akin.

"Okay. I'll go ahead. See you guys around." Paalam noong Kiana. Kumaway siya at agad na nagpatuloy sa pagjo-jogging.

Matalim na tinitigan ko si James. Matapos mahimasmasan sa nangyari ay agad siyang tumayo at pilit na kinuha ang kamay ko.

"Shit, I'm so sorry Heann." Tunog pagsisi niyang sabi. Marahas kong binawi ang kamay ko na hawak niya. Ewan ko sa'yo! Busit ka!

"Whatever! You freak!" Sigaw ko sa kanya at tumayo na rin! Lumapit si Kuya Cirrus sa amin at marahan na kinuha ang kamay ko.

"What happened?" Tanong niya na nakatingin kay James.

Napayuko si James at marahan na hinilamos ang mga palad sa kanyang mukha.

"Ikaw kasi eh! I told you to throw your cigarette! Kung sana sumunod ka lang, edi sana hindi ka nagkaganyan!" He shouted at halos sapakin ko siya sa sinabi niya.

So, kasalanan ko pa, ganun?

Nakapaywang na si Kuya Cirrus habang nakikinig lang sa aming dalawa.

"What cigarette?" Seryoso niyang tanong habang tinitingnan ako. Damn it! I'm gonna kill you James! I fucking swear that I'm gonna kill you Pahamak!

Bago pa makabitaw ng walang kwentang salita si James inunahan ko na siya.

"Kasalanan ko ba na duwag ka at ayaw mong magpakita sa crush mo na naninigarilyo ka?! You should've thrown your cigarette! Dinamay mo pa yung akin! Ano naman kinalaman ko kung makita niya akong gumagamit noon ha?!" Hamon ko sa kanya.

Pwedi naman na yung sa kanya na lang ang itapon niya! Bakit pati yung sa akin? Napaso tuloy iyong kamay ko!

"Hey hey that's enough!" Sigaw ni Marion na inawat na ako at pinaupo sa isang bench. Tinitigan ni Kuya Cirrus si James at agad na ngumiti at tinapik ang balikat niya. Tumawa sila ni Seaver kaya nagkatinginan kami ni Marion.

What was that?

"Shut up!" Tanggi ni James na agad kinuha ang kamay ni Seaver na nakapatong sa balikat niya.

Namumula na si James na parang isang kamatis. Nagtawanan ulit sina Kuya at Seaver na parang inaasar si James. Ilang sandali pa ay bumaling sa akin si Kuya Cirrus.

"Let's go home. Heanndra, sumakay ka muna kay Marion. You can't pull the bike with your hand like that. Ako na mag dadala ng bike mo." Seryoso na siya ngayon.

Tumango na lang ako at binigyan ulit ng matalim na titig si James na nasa likod namin ni Marion. 

Sumampa na ako sa likod ni Marion at agad naman siyang tumulak na sinundan din nina Kuya sa likod.

Nakarating kami sa bahay at nadatnan namin na naliligo pa rin sa pool iyong iba naming mga pinsan. We parked the mountain bikes sa kinalalagyan nito kanina.

"Heanndra, let's treat your burn." Si Kuya Cirrus na nasa likod ko na.

Napasulyap si James sa akin at agad ko naman siyang binigyan ng matatalim na titig.

Now I realized he didn't even say sorry to me! I'm gonna deal with you later, jerk!

Inirapan ko siya at agad na sumunod kay Kuya Cirrus papasok sa bahay.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now