Title: Lost in woods
[NATURA'S POV]
"Lolo! san po ang punta niyo?" hinabol ko si lolo na palabas ng bahay.
"Diyan lang sa labas, magpapapahangin lang naman." nginitian ako ng lolo.
"Samahan nalang po kita lolo." at inalalayan ko siyang lumabas ng bahay. Nagpunta kami sa harden na nasa harapan lang ng bahay at umupo sa mahabang swing na nakatali lang sa malaking puno ng manga.
"lolo, may itatanong lang po ako. Matagal na po kasi'ng gustong itanong, kaso natatakot po ako.." nakatungo ako habang pinaglalaroan ang daliri ko.
"Ano iyon Na-chan?" rinig kong sabi ni lolo
"Eh, kasi po.. si lola? asan po siya?" this time inangat ko ang mukha ko at tiningnan ko si lolo.
Hindi ko mabasa ang emosyong pinapakita niya. Hindi ko masasabi na nalulungkot ito o ano, pero mas tingin ko nag iisip ito ng malalim.
"Na-chan, sometimes you have to live yourlife full of regrets but just remember one thing. It happens for a reason. Your lola was so beautiful, like you--" then he showed me his warm smile.
"Alam mo ba ang lola mo lang ang taong minahal ko? siya lang ang nagpatibok neto" sabay turo sa dibdib nito.
"Siya lang kaisaisang taong bumuo ulit ng buhay ko. Siya lang ang taong tumanggap sa totoong ako sakabila ng katutuhanang--" biglang naputol ang sinasabi ni lolo.
Tiningnan ko si lolo at naghihintay na ituloy nito ang sinasabi nito pero parang wala na itong planong dugtungan pa kaya naglakas loob akong magtanong.
"Katotohanang ano po lolo?"
"Its for me to know and for you to find out--" he smile as if he has seen someone from the sky.
I've never seen lola even before. Ang lola na palaging binabangit ng lolo, na masarap magluto, magaling tumugtog, magaling kumanta, at marami pa.. magaling ata si lola sa lahat ng bagay eh kaya mahal na mahal ng lolo.
"Ang lolo naman napapa mysterious.." napanguso ko pero napangiti nalang nang marinig kong tumatawa na ito,
"Alam mo hija.--" pagkatapos nitong tumawa.
"Pag ako nabigyan ng pagkakataong bagohin ang hinaharap--I'll definitly grab that opportunity." si lolo talaga, si lola lang naman ang pinag uusapan namin pero nag iba na ulit ang topic namin.
"Lolo, di ba pag babaguhin mo ang hinaharap ay masisira ang kasalukuyan? tsaka kung ako ang bibigyan ng pagkakataon? hindi ko na babagohin ang hinaharap kahit hindi pa ito ang pinangarap ko. Naniniwala kasi ako sa fate, na kapag ang isang tao ay may ginawa sa kasalukuyan, sa future naman niya iyon haharapin.. kaya nga hinaharap dahil haharapin pa natin ito diba?"
"Tama ka Na-chan. Pero minsan kasi dahil sa ganid at pagkamakasarili ay gusto ng ilan na baguhin ang hinaharap nila."
"Eh lolo, ang ibig mong sabihin ay ganid ka at makasarili?" kunot noong nilingn ko si lolo.
"Hindi sa ganun--" natawa si lolo sa sinabi ko.
"Na-chan, pag ba napunta sa hinaharap at nakita mong hindi na iyon ang mundong minsan ay ginagalawan mo? pinamumunuan na ito ng isang taong ganid at makasarili? anong gagawin mo?" nilingon ako ni lolo
Si lolo talaga.. hindi ko na alam kung saan mapupunta itong usapang ito eh.. pero interesting rin naman.. tsaka ang mga ganitong usapan ay laging nalulungkat pag kausap ko ang lolo.
"Well, hahayaan ko na lang ito lolo.. kasi nga sabi mo things happen for a reason--ika mo nga.."
"Yes, ganyan rin ang dapat kung sagot pag ako naman ang tinanong but what if mawawala ang mga taong mahalaga sayo kahit hindi naman ito ang dapat mangyari? mangyayari ang mga bagay na hindi naman dapat at maapiktuhan rin ang kasalukuyan ninyong lahat? ang sinasabi mong 'FATE' ay kinukontrol na pala ng isang tao, ang isang tao na sumira sa tinatawag mong 'FATE' ano ang gagawin mo?" lolo is really into this kind of things.. minsan tinanong rin niya ako na ano ang magiging reaksyon ko pag nagkaroon ako ng kapangyarihan? hindi naman ako naniniwala sa mga bagay na iyon, sa mga telebisyon ko lang naman napapanood ang mga bagay na iyon. Pero minsan nangarap rin akong maging isang tagapagtanggol..
YOU ARE READING
Tick Tock ( on-going Chapter 20 part 3 )
Teen FictionNakatadhana na ang buhay namin para talikoran ng lahat, para iwan ng mga mahal namin sa buhay, para pandirihan ng mga taong nakapalibot samin, para iwasan ng mga kakilala namin, para ipagtabuyan ng mga tao at para katakotan ng nakakarami. Lahat ng m...
