Chapter 6

128 16 1
                                        

Hello po! sorry kung ngayon lang naka UD malapit na kasi ang midterm namin tapos busy rin ang schedules ko..

vote vote vote

comment comment comment

and be a fan!

Title: A step from the past

continuation....

Napalaki ang mga mata niya nang makilala kung sino ang katabi niya. Ang batang Athena na nakasuot ng puting cloak.


Rinig na rinig niya ang bawat paglapat ng mga paa sa damong naapakan nila. Mga insektong sa gabi mo lang maririnig ay parang nagkakantahan kasabay sa malamig na simoy ng hangin.


Papalapit na sila sa grupo nang makita niyang andun si Natura. Hindi na ito katulad kanina na parang galit na galit sa mundo o galit na galit sa kanya.


You did your part Shimarie-chan. Nothing to worry about. napalingon ulit siya nang marinig niya iyon galing kay Athena.

"Have a seat Shimarie-chan." offered Athena.


Umupo siya katabi ng kapatid niya. Tumabi rin sa kanya si Athena. Maliban sa bilog na buwan ay ang bonfire ang nagsisilbing liwanang na nasa harapan nila. Malamig ang simoy ng hangin pero balewala lang iyon dahil sa apoy na pinalilibutan nilang lahat.

"Everything you see are real. Yes we are in the middle of nowhere. And yes, makakauwi pa rin tayo ng buhay." biro ni Athena nang marinig niya ang halo halong katanungan na nasa isip ng mga batang kasama niya.

"Hindi ko nga pala napapakilala ang sarili ko, ako nga pala si Athena. Alam kung alam niyo kung sino at ano ako. Well narito ako, kami dahil sa iisang rason. But I think its too early to let you know." Nakatuon ang lahat ng mga mata nila kay Athena. Manghang mangha ang iba, ang iba naman ay naguguluhan maliban kay Natura na walang pakialam.


"Why don't we enjoy ourselves and I'll tell you a story. But before that I want you all to meet my family."


At sa madilim na kapaligiran ay isa isang lumabas ang mga kasamahan ni Athena. Nakapalibot rin sila at ngayon ay kitang kita na ang mga pagmumukha nila dahil sa liwanag na nanggagaling apoy.


Palingon lingon ang lahat maliban kay Athena at Natura. Nanatiling nakatayo ang mga ito sa likuran ng mga estudyante. Pare parehas silang nakasuout ng cloak na puti kaparehas kay Athena.


Ang babae kanina na tinawag na Taimu-sama ni Fernando ay tumabi kay Natura. Ang iba naman ay sumunod at kanya kanyang umupo sa bakanteng lugar.


"Lubos kung ikinagagalak ang makilala kayong lahat. Ako nga pala si Kazumi but mas gusto kung tinatawag ako ng Taimukipa o Taimu." nagsalita bigla ang babaeng katabi ni Natura.

Tick Tock ( on-going Chapter 20 part 3 )Where stories live. Discover now