Hello po sa mga nagbabasa ng TICK TOCK!
Sana po mabasa niyo pa ito hanggang sa huling chapter...
vote muna bago basa? hehehe demanding ba masyado?
be a fan na rin kung gusto niyo..
continuation ...
title: Natura meets the fire
Napaatras si Natura nang makita niya kung anong ginawa ni Shoichi sa mesang nagpa upo nito.
Ngayon lang siya nakakita ng ganun sa tanang buhay niya...
Oo nga pala. Nakalimutan niyang nasa WHITE ACADEMY siya. Ang eskwelahan ng mga katulad niya. Di dapat siya magulat kung may makasalubong siyang taong may pakpak o taong isa lang ang mata.
Nasunog agad ang mesang ngayon ay inapakan ni Shoichi na nagpa atras ulit kay Natura.
Hindi siya napapaso sa mga apoy niya. Anong klaseng nilalang siya?! tanog ni Natura sa isip niya.
Nikuyum ni Shoichi ang kanyang mga kamay. Hindi siya makapaniwala na madali lang para sa babaeng ito ang mapatumba siya.
Hindi lang siya ang nasaktan, pati ang ego niya. Wala pang sino man ang nakakapatumba ng ganun sa kanya.
Ngayon hindi lang ang kamay ni Shoichi ang nag aapoy, pati na rin ang paa niya at kumakalat na ito ngayon sa sahig na parang isang tubig.
Napa angat si Natura sa ere. Hindi niya alam ang gagawin niya. Kitang kita niya ang galit sa mga mata nito. Parang isang halimaw si Shoichi, halimaw na gutom na gutom at handa ng kumain.
Dahil sa bilis ng kilos ni Shoichi ay hindi nakapaghanda si Natura, sumugod si Shoichi pero bago paman niya masuntok ang isang kamao niya na nag aapoy ay nahawakan ito ni Natura. Ang kamao ni Shoichi ay parang isang kandila na binuhusan ng tubig. Naglaho ang apoy nito.
Hindi agad nakakilos si Shoichi. Ang apoy niya ay naglaho nang hawakan ito ni Natura. Napatingin siya sa kamay niya.
She… she… argh! I’ll burn her to death!
Sinunggab ni Natura ang pagkakataong makalayo kay Shoichi nang mapatulala ito. Nagpalit na sila ngayon ng pwesto. Siya na ngayon ang nasa may pinto at ito naman ang nasa may terasa.
Mainit na sa loob. Ang lahat ng gamit sa loob ay nasusunog. Unti unti nang nalalamon ang buong silid ng apoy.
Sa wakas ay hinarap na siya ni Shoichi. Pero kakaiba na ngayon ang aura niya. Kung kanina ay gusto siyang kainin, ngayon naman feeling niya papatayin na siya. Walang pag aalinlangang papatayin siya ng halimaw na ito.
“You’re different. And that makes you my prey. And you know what I’ll do with my prey? I burn them to death. “ ngayon ay buong katawan na ni Shoichi ang nag aapoy.
Napalunok si Natura. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang tumakbo o kalabanin ang halimaw sa harapan niya at handa nang lapain siya ng buhay.
YOU ARE READING
Tick Tock ( on-going Chapter 20 part 3 )
Teen FictionNakatadhana na ang buhay namin para talikoran ng lahat, para iwan ng mga mahal namin sa buhay, para pandirihan ng mga taong nakapalibot samin, para iwasan ng mga kakilala namin, para ipagtabuyan ng mga tao at para katakotan ng nakakarami. Lahat ng m...
