Clicko? Sino yun? Si flyer boy? Clicko pangalan niya?

Huminga ako ng malalim. Bakit ba guilty na guilty ako sa ginawa kong hindi pag-paalam? I'm not usually like this! Ano bang nangyayari sa akin?

Umakyat ako sa kwarto ko at agad naligo at nagbihis ng damit.

Napasulyap ako sa orasan na nasa table ko at nakitang nine thirty pa lang ng umaga. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko ngayon. Nagtungo ako sa salamin at nagsuklay na lang ng buhok ko na sobrang haba.

Perhaps, I should cut this? Tinupi-tupi ko ang buhok ko at tiningnan kung alin ang haba na bagay sa akin. Ilang segundo pa akong gumaganoon when I noticed something.

Shit!

Kinapa ko sa leeg ko iyong kuwintas na bigay ni Kristoff sa akin pero hindi ko ito makapa sa leeg ko! Holy crap! Where is it? Nagtungo ako sa CR at agad naghanap doon. Shit! Nasaan na ba yun?

Hindi ko ito makita sa banyo kaya hinalungkat ko naman iyong cabinets sa closet ko at kung saan saan pa. Halos maiyak na ako nang hindi ko pa ito nakikita. Inisip ko kung kailan ko nga ba last nakita iyon na suot ko.

Kanina! Noong nagising ako ng madaling araw suot ko pa iyon! Oh shit! Baka nalaglag sa waterfalls noong nahulog ako doon kanina?

Damn it! I need to go back there! Pero paano? Naligaw na nga ako kanina! Magpasama kaya ako kina Seaver?

Tama, magpapasama ako pero hindi naman pwedi ngayon dahil kagagaling lang namin doon kanina.

I just hope na nandoon pa rin iyon. Iyon na lamang ang alaala ni Kristoff sa akin. Pag suot ko iyon ay parang nandito lang siya ulit, kasama ko.

"Isang napakalaking salamat sa lahat po ng naging bahagi nitong pagkapanalo namin. Nawa'y nasa tabi pa rin namin kayong lahat ngayong magsisimula na kaming magplano sa isang maganda, mapayapa at maunlad na San Carlos City! Para sa atin itong lahat!"

Nakangiting si Daddy habang nagsasalita sa isang maliit na stage na nakalagay sa malawak na bakuran ng aming bahay.

Landslide ang pagkapanalo nilang lahat ng mga kasamahan niya. Nagkaroon ng handaan kaya medyo maraming tao ngayon dito sa amin.

Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos niyang magsalita.

Matapos mag speech ay si Vice-Governor Gomez naman ang nagsalita. Puro pasasalamat iyong sinasabi nila at mga gusto nilang gawin sa buong San Carlos City.

Nakaupo lang ako sa isang mesa kasama ang mga pinsan ko na galing sa kabilang bayan.

"Are you bored?"

Nilingon ko si JD na pinsan ko sa side ni Daddy. Halos lahat yata na pinsan ko na nandito ngayon ay sa side lahat ni Daddy. Yung kay Mommy kasi ay masyadong malayo dahil sa Manila silang lahat naka-base.

"I am bored! Pwedi bang pumasok na lang tayo sa loob?" Narinig kong sabi naman ni JM na kambal ni JD, anak sila ni Tita Remi. Katabi niya sina Kuya Cirrus at James na isa ko ring pinsan. Nag-uusap sila at mukha pang seryoso iyon.

"Alis na tayo dito please." Nagmamaktol na sabi ni Kehla, James's younger sister na halos kasing edad ko lang.

Maging ako rin naman ay bored na bored na dito kanina pa. Halos lahat ng nandito ay matatanda na lang. Nagsiuwian na yata iyong iba dahil tapos na naman iyong kainan. Nakita kong tumayo sina Kuya Cirrus, James at Seaver.

"This sucks! We'll go ahead." Ani ni Seaver habang inaayos iyong buhok niya. Nagkatinginan kaming lahat sa table at agad na tumayo doon.

Tumawa silang lahat dahil sa isang joke na sinabi ni Marion na anak naman ng pinakabunso nila Daddy na si Tita Rayelle. Nakaupo na sila ngayon sa sofa namin at naglalaro ng domino iyong ibang lalaki kong pinsan. Iyong iba naman ay nakikinuod lang. Nakatayo lang ako sa gilid habang umiinom ng soft drinks. Natawa ako nang tumira si JM at agad namang naligo ng kantyaw sa iba ko pang pinsan dahil mali-mali iyong tira niya.

A Rebel Heart (#1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt