Ah! Great! I forgot na nandito na pala ako sa puder ni Dad. I have no say on anything.

"Good for you iha. I'm sure hindi ka naman mahihirapan kasi nandito naman ang mga pinsan at kapatid mo para tulungan ka." Si Karidad ulit.

I know that and by the way I don't need any help. I can live on my own.

Napahinga ako ng malalim ng umiba na ang usapan nila. Isa-isa na ring nagpaalam na lalabas muna para magpahangin sina Kuya Commulus kasama sina Ate Denise at iyong mestizong lalaki. Ganoon din sina Seaver, Kuya Cirrus at iyong isang lalaki.

Naiwan iyong mga matatanda sa hapag kasama si Kuya Stratus. Tumayo na rin ako para magpaalam. I need air.

Lumabas ako at nagtungo sa fountain area ng bahay.

Kinapa ko ang cigarette pack na nakatago sa maliit na bulsa ng dress ko. Nilibot ko ang pangin sa paligid at mukhang wala namang tao. Kumuha ako ng isang stick at agad itong sinindihan.

"Nice." Ani ng isang tinig mula sa kung saan I immediately throw the cigarette somewhere.

Shit! Pag nahuli ako nina Kuya, I'm gonna be dead.

"Oh? Bakit mo tinapon? I was gonna ask for you to light mine." Nahanap ko ang tinig. Iyong lalaking panay ang tingin sa cellphone niya ay papalapit sa akin. May nakaipit na sigarilyo sa bibig niya pero hindi pa ito nasisindihan.

Bakit ba siya nandito? Sinusundan niya ba ako?

"What are you doing here?" Tinaasan ko siya ng kilay. Itinaas naman niya ang dalawang kamay na parang sumusuko.

"Chill, as I said I was gonna ask you to light my cigarette." Aniya at agad tumabi sa akin.

Humalukipkip ako sa kanya "You have a cigarette but you don't have a lighter?"

If you are a smoker, you should have a cigarette and a lighter. You are not considered one if you only have cigarette, iyon ang sabi sa akin ni Kristoff noon.

Tumawa siya at agad kinuha ang lighter sa kamay ko. He snatched it! Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi agad ako nakakilos.

The hell is wrong with this guy?

"Thanks for the light, what's your name?" Masaya niyang ibinalik sa akin ang lighter.

Padabog ko itong tinggap. He puff a smoke at kumakalat kaagad ito sa paligid.

"I'm Nico." He asked me pero siya rin naman nagpakilala.

Umupo siya sa isang bench na nasa gilid ng fountain and he puff another smoke. Umirap ako at sumunod sa kanya. Umupo ako sa tabi niya. At least may makakausap ako. Kanina pa ako naiinis sa mga nangyayari sa loob kanina. Pagtatiyagaan ko na lang na kausapin ang isang ito.

"I'm Heanndra." Pagpapakilala ko. Nilingon ko siya at nakitang tumawa siya saka umiling ng kaonti.

"I've heard about you from your cousin and brother."

Ah. So, may nakakilala rin pala sa akin dito?

"Good to know. Kilala mo pala ako." Sarcasm is dripping in my words.

He laughed a bit kaya napalingon ulit ako sa kanya. Suminghap siya at agad itinapon ang natirang sigarilyo. He comb his hair using his fingers. Agad kong napansin ang kumikinang sa tenga niya. It's an earring!

Well, he looks okay. Papasa na bilang cover boy sa isang magazine.

Napansin niya yata na kanina pa ako nakatitig sa kanya kaya umiwas ako ng tingin.

"Are you close with my brother and my cousin?" Pag-iiba ko ng topic. It's cold out here but I can definitely feel that I am sweating a lot.

Tumikhim siya bago sumagot. "Ah hindi naman masyado. We just go at the same school that's why magkakilala kami. Ahead sila ng one year sa akin."

Oh? So? We're the same age. Speaking of school, naalala ko iyong sinabi ni Dad kanina that I'll stay here for good. So, that means na dito na rin ako mag-aaral? Thinking about going to a new school, napapairap na lang ako.

"What about you?" Basag niya ulit sa katahimikan naming dalawa.

"I don't know. I guess I'll go with the same school as my brothers." Tumango tango ako.

Hindi pa naman napag-uusapan pero alam ko naman na doon din ang punta noon.

Umiling iling siya. Kumunot naman ang noo ko sa kanya.

"I mean how old are you? Are you younger than both of them? I mean Cirrus and Sean."

"Uhm yes. I guess we're on the same age." Ngumiwi ako pagkasabi noon. Sumilay ang malokong ngisi sa labi niya.

"Do you have a boyfriend?" Tanong niya at namilog ang mga mata ko.

What the heck?

Tinaasan ko siya ng kilay. "What the hell?"

"I wanna be your boyfriend." Diretsa niyang sabi at halos pumitik ang ugat sa noo ko sa sobrang pagkakunot nito. I am ready to punch his face.

"I was just kidding." He laughed kaya naman sinuntok ko ang braso niya.

"Funny." Sarcastic kong sabi.

"You two seems so close." Sabay kaming napatingin sa kabilang side ng fountain. We saw Kuya Cirrus na nakapamulsa habang nakatitig sa amin.

Mabilis akong tumayo at agad inayos ang sarili ko.

"Kuya..." Mahina kong sabi.

Tumayo na rin si Nico at nilagay sa bulsa niya ang dalawang kamay na parang wala siyang sinabing kagagohan kanina.

"Hinahanap na tayo sa loob." Walang emosyon na sabi ni Kuya Cirrus.

Tumango ako at agad silang iniwan na dalawa.

What the hell was that?

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko silang lahat na nakaupo sa malaking sala namin.

Ngumiti iyong si Karidad sa akin. Shes seems so fond of mocking me.

"Ah! There they are!" Maligayang sabi naman noong isang babae. Narinig ko kanina sa pag-uusap sa dinner na kapatid siya ni Vice-Governor kaya pala medyo magkahawig sila.

Napaupo ako sa tabi ni Kuya Stratus. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako.

Tumikhim si Dad bago nagsalita. Mukhang seryoso ang pag-uusapan kaya tinitigan ko siya.

"As we all know our families are affiliated with each other and I am glad na ang pamilyang Gomez ang aking kasama ngayon sa paghahangad ng maunlad na San Carlos City, lalong lalo na ang Stefanina. Wala na akong mahihiling pa na makakasama sa laban na ito. I wish for a successful candidacy for the both of us, Bernabe." Nakangiting anunsyo ni Daddy. He raised his cup of wine and made a toast. Itinaas naman ng iba ang mga wine glasses nila.

"To success!" Sigaw ni Karidad na agad namang sinang-ayonan ng iba.

Ofcourse, to success. To Dad and his success.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now