May tatlong lalaki naman na bumaba sa isang sasakyan. Isang mestizo na mataas. Kapansin-pansin iyong lip ring niya.

The other guy is wearing a white polo shirt na nakatupi hanggang siko. Panay ang tingin niya sa cellphone na dala niya.

Iyong isang lalaki ay ang bata na kinarga ni Kuya Commulus noon sa tent sa plaza noong campaign program nila Dad.

"Welcome to our home!" Napatungo ang tingin ko kay Dad na nakangiti na ngayon sa aming mga bisita. Nagtawanan sila na para bang nakakatuwa ang mga nangyayari.

Nag shake hands pa sina Kuya Stratus at Kuya Commulus doon sa mestizong lalaki. Nauna silang pumunta sa dining area. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Nakita kong kinakausap nina Seaver at Kuya Cirrus iyong lalaki naman na nakatingin sa kanyang cellphone. Nagtatawanan pa sila. Mukhang magkakilala na yata sila?

Napairap ako. Wow! I am so out of place here.

Okay Heanndra. It's no big deal. Just go with the flow.

Sumunod na lang ako kay Ate Denise na sumunod na sa dining area. Naghanap ako ng mauupuan. There's a vacant seat opposite from where the wife of the Vice-Governor is seating. Hinila ko ang upuan at agas naupo dito. Nabaling ang tingin ng asawa ni Vice-Governor sa akin. I flashed a fake smile.

"Are you Remi's daughter?" Tanong niya sa akin. Nalaglag ang panga ko sa tanong niya.

What?

She's talking about Tita Remi. Dad's younger sister.

Napasulyap si Dad sa akin bago tumikhim at nagsalita.

"She's my youngest and my only daughter, Karidad." May halo na tawa na sabi ni Dad.

Bumagsak ang balikat ko at napakagat na lang sa ibabang labi. It's fine Heanndra. Ofcourse they will never know about that. Hindi naman ako lumaki dito. Natural lang iyon na hindi nila ako kilala.

"Oh! I didn't know you have a daughter Andranno! Ang akala ko ay puro lalaki ang iyong mga anak! Hindi ko alam na may maganda ka pa lang anak!" Natatawa iyong si Karidad.

Well, you should know better. Hindi ba our families are allies? How come they didn't know the basic thing na may anak na babae si Dad?

Tumawa ako at nagsimula na lang uminom ng inumin sa hapag. This is getting annoying.

"That's why nandito tayong lahat. Para makilala natin ang isa't-isa. Anyway, where are the others?" Nagpalingon-lingon iyong isang babae.

Nakita kong papalapit na sa dining area sina Kuya Cirrus, Seaver at iyong isang lalaki.

Nagsimula na ulit sa pagkain ang lahat. Tahimik lamang ako habang pinagmamasdan silang nag-uusap usap. I should get used to this.

"How come ngayon lang yata kita nakita dito iha? Are you studying abroad?" Tanong ulit ni Karidad sa akin.

This woman is getting annoying. Tumaas ang kilay ko sa tanong niya. Maya-maya pa ay may naramdaman akong may sumipa ng mahina sa paa ko sa ilalim ng mesa. Sinulyapan ko si Kuya Commulus na pinalaki ang mga mata. He's telling me to behave properly.

I smiled at her. "You can say that. I grew up with my Mom in California. Last time I was here I am only seven years old. Ngayon lang ulit ako nakabalik dito." Paliwanag ko.

Napatango tango silang lahat sa hapag.

"Oh so you're staying here for good? Or babalik ka pa sa California?" Sunod na tanong niya pagkatapos ay uminom ng wine.

Seriously? Is this about me now? Can they talk about something useful? Like how they should plan on winning their own candidacy?

"She's staying here for good." Diretsang sagot ni Dad at napatingin ako sa kanya.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now