May mga bago ng establishments na naipatayo. Last time I was here, puro damuhan at talahib lang ang nandito. Ngayon, sobrang unlad na nito.

As I was looking outside napako ang paningin ko sa isang pader na may malaking tarpaulin na nakasabit.

The picture of my Dad's face and a picture of another man's face was at the tarpaulin. Naka-bold ang letters na nakasulat sa ilalim ng picture nila.

"RE-ELECT GOVERNOR ANNDRANO HENZON AND VICE-GOVERNOR BERNABE GOMEZ"

Agad kong ibinaba ang bintana dahil medyo tinted ito. I want to take a closer look.

What the heck? Tumakbo ulit si Daddy? I thought he don't like politics?

"Tumakbo ulit si Dad?" Wala sa sarili kong tanong.

Tumukhim si Kuya Stratus at saka tumango.

"Ah. Yes." Simple niyang sagot. "Hindi na dapat siya tatakbo pero pinilit siya ng mga tao dito sa Stefanina kaya pumayag na rin siya. They said he's too good to let go." Pagpapatuloy niya nang mapansin na mukhang hindi ako nakuntento sa sagot niya.

Wow! Really? Ang pagkakakilala ko kay Dad ay sobrang sungit at strikto niya sa amin. Hindi man ako lumaki kasama siya ay nakikita ko naman iyon sa mga kapatid kong lalaki. Ibang-iba ang pagpapalaki ni Dad sa kanila kumpara sa akin doon sa Amerika. Kaya nakakapagtaka lang na yung mga tao pa mismo ng Stefanina ang pumilit sa kanyang tumakbo ulit.

That only means that he's a good leader that's why people want him.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng malaking gate. Last time I was here kulay itim ang pintura ng gate ngayon ay color dark blue na. Kuya Stratus pushed the button na nasa maliit na poste sa gilid ng gate.

A voice over then answered. It's a man's voice.

"Magandang gabi po! Sino po sila?" Maligayang bati ng nasa voice over.

"Kuya Patau..." hindi pa nakatapos sa pagsasalita si Kuya ay bumukas na ang malaking gate.

Para akong timang habang namamangha sa nakikita ko ngayon. Kahit madilim na ay nakikita ko pa rin ang buong paligid. There is a sement pathway na may malalaking puno sa bawat gilid nito. Marami ring lamp post sa kahit saang sulok ka tumingin.

"What? Are you shock? This is your home!" Natatawang tanong ni Kuya. Nakita niya siguro na namangha ako sa nakikita ko ngayon.

Hindi ako sumagot. Dumaan kami sa pathway na iyon at ilang segundo lang ay tumambad sa akin ang malaking bahay namin.

Ibang-iba na talaga iyong bahay na nadatnan ko noong maliit pa lang ako. May mga coconut trees na sa paligid at may malaking fountain din sa gitna nito but the staircase na nasa magkabilang gilid ng bahay ay nandoon pa rin.

"Let's go." Narinig ko si Kuya na pinagbuksan na pala ako ng pintuan.

Naglakad kami at umakyat sa hagdanan at pumasok sa loob. Ganoon pa rin iyong nasa loob. The wooden antiques and Mom's China porcelains are still there.

"Heann?" Natigil ako sa paglilibot ng aking paningin when I heard someone calling me.

Nilingon ko ang hagdan sa aking kaliwa ang saw my cousin Seaver, he's the son of Tito Jericho, Dad's younger brother. Sa tabi niya ay ang aking kapatid na si Kuya Cirrus. They are the same age probably why they have the same height and body built.

I fake a smile at kumaway sa kanilang dalawa. Nag-uunahan silang dalawa sa pagbaba sa hagdan kaya naman natawa ako.

"So? It's really true this time?" Nahihimigan ko ang kuryosidad sa boses ni Kuya Cirrus. Sa lahat yata ng mga kapatid ko ay kay Kuya Cirrus ako mas malapit.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now