Chapter 6

74 1 1
                                    

Greece’s POV

“Mommy!!”

Agad kong niyakap at hinalikan sa pisngi si Toto... Tinanghali na sila ng uwi ah! Hindi na dumiretso dito sa kusina si Rome.. Umakyat na sya sa taas...

“Ang itim mo anak ha! Mamaya ka na mag change ng damit... Kumain ka muna ha..”- sabi ko kay Toto saka siya pinaupo... Nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa kaya sakto talaga ang dating nila

“Nakuu nag Mcdo po kami nila Tito Nick Mommy! Busog pa ko tsaka inaantok po ako.. Maaga po kasi kaming umalis dun sa resort eh...”

“Oh sige akyat ka na dun sa room mo.. Magbihis ka muna bago matulog.. okay? Paggising mo, kwentuhan mo si mommy ah!”

Bagaman inaantok ay ngiting ngiti na tumango si Toto saka patakbong pumunta sa sala para makaakyat sa taas... Antok na antok na siguro ang batang yun!

Kumain na lang ako mag isa... Binagalan ko talaga dahil ayoko pang makaharap si Rome... Nagtext sakin si Nick na success daw ang proposal niya at nakiusap na din na imbes na kagabi ay sumabay na lang daw yung mag-ama sa kanila na umuwi ngayong araw... Pumayag na din ako

Matapos mag dishwash ay umakyat ako at sinilip si Toto sa kwarto niya... Mahimbing na ang tulog nito... Napagod din ito sa byahe malamang

Dumiretso ako sa kwarto namin ni Rome at nakahinga ako nang maluwag nang makita siyang mahimbing ding natutulog

Dahan dahan akong pumasok at pinagmasdan siya... Ano kayang nangyari? Nakapagtapat ba siya kay Prances? Malamang nasasaktan sya ngayon dahil ikakasal na ang babaeng mahal niya

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin... Ayoko nang umiyak ulit kaya lumabas ulit ako ng kwarto...

Makapag bake na lang ng cookies para sa merienda mamaya...

--------------------

“Nung sinuot na ni Tito Nick yung ring kay Tita Ces, nag cry sila pareho pero naka smile naman sila nun... Tapos Mommy nag hug at kiss na sila at ayun po ginawa ko na yung role ko.. Pumalakpak ako ng sobrang lakas tapos nagkainan na kami!”

Kinuha ni Toto yung huling cookie sa platito pagkatapos nitong ikwento ang proposal ni Nick... Natatawa sya dahil napaka inosente nito sa pagkukwento... Tulog pa din si Rome sa taas...

“Mabuti naman at behave ka lang kahit wala ako... Pero ang itim mo talaga Toto, enjoy na enjoy ka sa swimming dun ah!”

“Ehhh Mommy naman pogi pa din naman ako kahit umitim ako diba? Tsaka lagot kaya ako kay Daddy kapag hindi ako nagbehave...”

Natawa na lang ako sa sagot niya... Wala talagang problema pag si Rome ang bantay niya, takot na lang nito na mapagalitan ng ama niya!

“Sayang Mommy dapat di ka muna umuwi... Kawawa tuloy si Daddy dun, parang naiinggit siya kasi sweet sila Tito Nick at Tita Ces... Walang syang partner kasi wala ka...”

Kung alam mo lang anak kung ano ang nararamdaman ng Daddy mo pag nakikita sila...

Kinurot ko ang pisngi niya... “Ikaw talaga Toto kung ano ano ang napapansin mo!”

Ngumiti lang sya at nanood na ulit ng TV... Niligpit ko na lang yung platito at baso nyang wala ng laman

Maaga din kaming naghapunan ni Toto, tulog pa din yata si Rome dahil hindi ito bumababa... Saglit lang na nanood ng TV si Toto tapos natulog na din agad...

Pumasok na din ako sa kwarto namin at wala na sa kama si Rome... Nasa balkonahe sya at naninigarilyo... Tahimik akong lumapit at tumabi sa kanya

Nakatanaw lang kami pareho sa mga bahay sa subdivision na ito na kita mula dito... Wala namang tanawing makikita kung tutuusin

Rome and GreeceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon