Chapter 5

84 2 0
                                    

Greece’s POV

“Wow ang ganda po ng boses mo Tita! Tugtog pa kayo Daddy!”

“Oh Greece! Tapos ka na pala dyan sa kusina, bakit di mo sila lapitan dun? Tara maki-jamming tayo sa kanila!”

Mula sa panonood ko kina Toto, Rome at Prances na kasalukuyang nagja-jamming ay napatingin ako sa nakangising mukha ni Nick… Masaya sila lahat, kahit si Rome ay ngumingiti at tumatawa

At dahil yun kay Prances…. Napailing na lang ako

“Anong iniisip mo? May problema ba? Gutom ka pa?”

“Hindi Nick… Samahan mo ko sa tabing dagat, hindi ko pa masyadong nakikita ang view dun eh…”

“Sure! Teka tatawagin ko sila…”

Hinila ko na si Nick palabas ng kusina gamit yung pinto dun para makalabas mismo sa bahay at binitawan ko agad siya at tumakbo ako sa buhanginan…

“Whoa ang ganda talaga dito!”

Tinabihan ako ni Nick at nilaro din ang paa niya na nababasa ng alon….

“So ano to Greece? Magtataksil tayo sa partners natin ngayon kasi mahal mo pa din ako?”

Nabatukan ko si Nick sa joke niya at tatawa tawa lang siya… Ewan ko pero sinakyan ko na lang ang joke niya

Humarap ako sa kanya at madamdaming kumanta ng….

“Reunited and it feels so good… Reunited ‘cuz we understood…”- tinigil ko na ang pagkanta dahil humagalpak na talaga sa tawa si Nick

“Eherm… There's one perfect fit and sugar this one is it…”- dugtong niya

“We both are so excited 'cuz we're reunited, hey-hey…”- sabay naming kanta… Ang sakit sa tenga!

Nag-apir kami sa kabila ng sintunado naming mga boses… Grabe naalala ko tuloy kung paano kami nagkakilala!

“Hindi talaga tayo pwede Greece! Nakakahiya pag may okasyon tapos may videoke battle, lagi tayong pagtatawanan!”

“Wag ka ngang feeling Nick! Wala akong balak mag cheat sa pamilya ko noh! Che ang sintunado mo pa din! Kawawa ang tenga ni Prances sayo!”

“Bagay talaga tayo sa partners natin Greece… Mga taong banda sila, parehas lang tayo ng kapalaran, mas kawawa ang tenga ni Rome sayo… Hahahah!”

Oh yes, and our respective partners are band mates back then… Ngumiti na lang ako…. Rome never heard me singing at wala akong balak!

“Oo nga pala Nick, naayos mo na ba ang lahat para sa proposal mo bukas?”

“Okay na lahat kaso yung singer na kakanta, di pa yata sure kung makakarating bukas, kung ikaw na lang kaya Greece?”

Inirapan ko na lang ang pasimpleng asar niya, ang daldal!

“Nick okay lang ba kung umalis na kami after kong i-prepare yung mga pagkain ninyo? Alam mo namang busy si Rome sa trabaho kaya ayokong matambakan siya…”

Tumingin sakin si Nick… “Edi paunahin mo na lang siya? Greece naman, I need your support! Tsaka malulungkot si Prances kung uuwi na kayo agad…”

I sighed… Kung pwede ko lang sabihin ang totoong dahilan

“I’m sorry Greece kung nakakaabala ako sa inyo pero ngayon lang naman eh… Promise after nito, siguro sa engagement party namin na ulit tayo magkikita..”

Engagement Party? Lalong bumigat ang pakiramdam ko… I’m sure na mas malala pa ang nararamdaman ngayon ni Rome

Nginitian ko si Nick at tumayo na ko…

Rome and GreeceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon