Chapter 12

70 0 1
                                    


Bigla akong nahiya sa suot ko pagpasok naman sa isang fine dining restaurant. Ang sososyal kasi ng mga tao sa loob!

Tila balewala lang naman yun kay Rome dahil dire-diretso lang siya sa paglalakad habang nakapulupot ang braso niya sa bewang ko.

Bahagya na lang akong yumuko dahil may iilang lumilingon sa aming dalawa. How I wish na mahawaan ako ng asawa ko kahit kaunting self-confidence at commanding presence sa mga ganito.

Sigh.

Yumakap agad si Prances sa aming dalawa pagdating namin. She is smiling widely but she's still so beautiful.

Ugh, tigilan mo yang insecurity mo, Greece! Jeez!

"Buti nakarating kayo! Si Rom ba? Nasa grandparents' niya?"- tanong niya pagka-upo namin

Tumango naman si Rome.

"Nasa Boracay sila hanggang Thursday..."- dugtong ko

"Really?! Bakit hindi kayo sumama?"

"Maraming akong customer ngayon eh and for sure magtatampo lang yung matatanda at samin didikit yung apo nila habang nandun kami..."- nakangiti kong sagot sa kanya

She chuckled.

"Mas naeexcite tuloy akong magkaroon na ng baby!"

"Aba wala pa din ba? Ang hina naman ni Nick!"- I joked

Umiling siya at natawa.

"Greece!"- saway sakin ni Rome

What? Masama na bang mag joke ngayon?! Jeez!

"Wag ka nga Rome! Ngayon na nga lang yata nakapag day-off si Greece sa pag-aalaga kay Toto tapos ang KJ mo pa!"- Prances

"Tama..."- bulong ko naman na mukhang narinig ni Rome dahil sinamaan niya ako ng tingin. Whatever!

"Oh excuse muna ha... Tumatawag si Nick!"- Prances at iniwan muna kami

"Hindi magandang biro yun, Greece"

Nilingon ko siya.

"Harmless joke yun at hindi naman na-offend si Prances ah?! Jeez!"- yun lang at nagkalikot na ako sa Ipad ko.

If I know ayaw lang niya na magkaroon na ng anak yung dalawa. Psh!

Maya-maya ay bumalik na si Prances at napansin ko agad ang bigong mukha niya kahit pilit siyang ngumiti sa amin.

"After 2 minutes, dadating na yung order natin... I apologize but Nick will not be able to join us tonight... May emergency daw sa ospital eh..."

Tumango tango naman si Rome... Nag-usap lang kami ng kung ano-ano at sa wakas ay dumating na nga ang pagkain...

"Excuse me guys, restroom lang ako!"- paalam ko sa kanila

Nginitian ako ni Prances at dedma lang si Rome...

Nag retouch din ako ng kaunti kaya medyo natagalan ako sa pagbalik sa kanila...

I stopped on my tracks nung natanaw kong nagtatawanan sila at nakapatong pa ang kamay ni Rome sa kamay ni Prances sa ibabaw ng lamesa...

Automatic na tumalikod ako at tinahak ang direksyon palabas ng restaurant... Tutal ay dala ko na din ang bag ko ay uuwi na lang siguro ako...

Tatanga tanga pa ako dahil may nakabunggo pa ako sa may pinto palabas...

"I'm sorry!"- sambit ko at nag-angat ng tingin

Rome and GreeceWhere stories live. Discover now