Chapter 1

597 1 0
                                    

Greece’s POV

“Rome pwede bang ikaw na ang maghatid kay Toto sa school? Kailangan ko na kasing i-deliver tong cupcakes sa customer ko…”

Mula sa pag-aayos ng mga papeles niya ay lumingon siya sakin saglit at nag-ayos ulit…

“No. May meeting ako at nagmamadali na din ako… ROM!”

Dagli namang lumabas sa kwarto si Toto, yes siya ang super pogi, bibo, talino at bait na anak namin…

Mana sakin siyempre! Hehehe

“Yes Daddy?”

“I’m going to work… Pakabait okay?”- Rome at lumuhod para magpahalik kay Toto

“Opo!”- sagot naman ni Rom at kiniss na nga sa cheeks ang Daddy niya…

Napabuntong hininga na lang ako… Haaay my family!

“Greece mga 6pm kayo pumunta sa celebration mamaya and please hurry up… nakatunganga ka na naman dyan..”- Rome tapos lumayas na nga siya

Yes, he left without bidding me a proper goodbye and sweet kiss… That’s my husband! Psh!

“Mommy let’s go na po!!”- hila ni Toto sa dress ko…

“Opo…”

Silang mag-ama na ang demanding! Tsk! Hinatid ko na nga si Rom sa school niya na walking distance lang naman po galing sa bahay namin… Ewan ko ba dun kay Rome, parang isasabay lang ang anak niya sa kotse niya eh ayaw pa!

Pagkahatid sa school ni Rom ay sumakay na ako agad ng tricycle para ihatid tong cupcakes… Sana hindi ako ma late! Masama ito sa negosyo! Tsk!

=========================

“Mommy, stop taking pictures already! Punta na tayo sa office ni Daddy!”

Lumapit sakin si Toto at ibinaba ang hawak kong camera…

“Eeehh kasi naman ang pogi pogi mo Rom! Hmmmmm!”- pinisil ko pa ang cheeks niya… cute ng anak ko kainis!

Sumimangot na siya kaya tinantanan ko na din… Hehehe… Pinasuot ko na sa kanya yung coat niya.. Formal daw kasi ang attire dun… Anniversary celebration ng company… Siyempre pupunta kami, co-owner ang parents pati in laws ko nun eh!

Nag-taxi kami papunta dun… Wala akong sariling kotse dahil hindi naman ako marunong mag-drive at takot akong ma-carnap noh!

“Whoaaaa ang laki Mommy!”

Binuhat ko na si Toto na halos mabuwal na sa pagtingala sa mataas na building sa harap namin… First time niya lang makapunta dito eh!

“Behave Rom ah… Dito ka lang lagi sa tabi ko at isasama mo ko pag pupunta ka sa friend mo dun, bawal pumunta kina Daddy at Lolo kasi madami silang ginagawa sa loob, okay?”- bilin ko sa kanya habang naglalakad papunta sa function room

Tumango tango naman si Toto at hinimas yung tummy niya… Awww!

“Eat muna tayo To? Gutom na din ako…”

Ngumiti naman siya at kiniss ako sa pisngi kaya ang laki rin ng smile ko ^_______^

Pagdating namin nagsisimula na ang program at siyempre kumain agad kami since gutom na kami ng anak ko… Ang dami nga niyang nakain! Yumyum daw ang foods!

“Now let’s hear the message of Mr. Roman Salcedo who is behind of our 25th year of continuing success… Let’s give him a round of applause!”- si Papa yun, CEO kasi si Rome dito tapos yung parents namin at in-laws ko Board of Directors…

Rome and GreeceWhere stories live. Discover now