Chapter 3

128 2 0
                                    

Greece’s POV

“M-mommy?! Mommy!”

“Rom… t-tawagin mo si Tita Angel… p-please… Ugh!”

Halos masuka na ko sa kakaipit sa tiyan ko… Mamamatay na yata ako sa sakit!

Pinilit kong tumayo mula sa pagkakahiga dito sa sofa… Ang tagal ni Rom, baka napahamak na yun!

“Greece! Wag ka nang tumayo! Mabuti at nandito si Roger para may magbubuhat sayo!”- lumapit si Angel sakin at pinunasan ang pawis sa noo ko… Umiiyak si Rom na katabi ni Roger,pinsan ni Angel

“Putlang putla ka na! Roger bilis buhatin mo na siya naghihintay na yung taxi sa labas!”

Nahirapan si Roger na pangkuin ako dahil nakapamaluktot ako… Sobrang sakit talaga kasi at halos mawalan na ko ng ulirat!

“Greece umayos ka muna… kaya mo yan konting tiis lang…”- Angel na pinapatahan na si Rom

Maluha luha ako sa sakit nang pinangko ako ni Roger palabas ng bahay hanggang sa nakaparadang taxi…

“Manong sa ***** hospital po… Pakibilisan please…”- Angel

====================================

“Doc... 3 hours na po diba bakit tulog pa din si Mommy?”

“Konting hintay pa… malapit na siyang magising… gusto mo bili muna tayo ng cookies sa cafeteria?”

“Ayoko po… babantayan ko na lang si Mommy…”

Nagising ako sa ingay ni Toto at malamang yung doctor ko yung kausap niya… Salamat naman at di na masakit ang tiyan ko!

“Rom…”

“Mommy!”- sumampa siya agad sa kama at dinaganan este niyakap ako…. Napangiti ako…

“Mabait yang anak mo Greece, tatlong oras yang pabalik balik sa nurse station para itanong kung bakit wala ka pa ding malay… He’s very worried..”

Napalingon ako sa doctor at napakunot ang noo… TEKA?!

“Long time no see!”- ngumiti yung doctor at CONFIRM!

“NICK?!!”

“Mommy Doc po ang name niya hindi Nick…”- Rom

Parehas kaming natawa sa sinabi ni Rom… Napisil ko tuloy ang ilong niya

“Mamaya ko na ieexplain sayo okay? Nasan si Tita Angel?”

“Nasa may labas po sila ni Kuya Roger… Tinawagan na namin si Daddy, pupunta daw siya dito”

Napasimangot ako… Patay ako nito!

“Sige samahan mo muna sila Tita Angel sa labas… abangan ninyo si Daddy okay?”

Tumango naman si Rom habang bumababa sa kama at lumabas

Umupo naman ako para makausap nang maayos si Nick

“Ayos ah! Doctor na doctor ka na talaga!”

“Yes at hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nagkita ulit tayo ngayon dahil sa sitwasyon… Pasyente pa kita..”- umiiling na sagot nito

Natawa lang ako… “Matuwa ka na lang at sana matuwa din ako sa mga sasabihin mo tungkol sa sakit ko Doc… “

Nagseryoso ito bigla… “Nabanggit sakin ni Angel na may ulcer ka and I am sure na ang sakit mo na yun ang dahilan sa pagsakit niyang tiyan mo base na din sa tests na ginawa kanina… Lumabas na natrigger lang yung sakit mo ngayon, kelan yung huling pagsumpong bago ngayon?”

Rome and GreeceWhere stories live. Discover now