Chapter Twenty Eight

47.5K 663 7
                                    

—-

-Mjeille-

"DATE?!" nanlalaki ang mga mata na napatingin ako kay Gavin pero nakangiti lang ito. Bago pa ako makahuma ay nahila na ako nito papunta sa hindi ko alam. Nakarating kami sa isang pangpang at may nag hihintay na sa amin doon na speed boat. Kinuha ni Gavin yung mga life vest na naroroon at binigay sa akin yung isa.

"Here wear this" kinuha ko iyon at pinanuod ko ito habang sinusuot nito ang life vest. Hindi pa din ako maka get over sa sinabi nitong mag da-date kami ay heto naman siya, mukhang balak niya akong dalhin sa hindi ko alam.

"Sweetbabe bakit di mo pa sinusuot yan?" kunot noong tanong nito. Pinaningkitan ko ito ng mga mata ko.

"Mr. Gavin Andrano—"

"Yes Mrs. Andrano" sabat nito sa sinasabi niya. Napairap na lang siya dito.

"Una sa lahat hindi ko alam na mag da-date tayo—"

"Ngayon alam mo na" sabat ulit nito. Pinaningkitan niya ito ng tingin at tumiklop naman ang mga labi nito at nag sign pa ito na zini-zipper ang bibig nito.

"Yes alam ko na at hindi ako pumapayag na maki pag date sayo!" napanganga ito sa sinabi ko at mukhang hindi makapaniwala.

"W-what?"

"Hindi ako makikipag date sayo!" madiing sabi ko. Nakatitig lang ito sa akin pero maya maya ay  may nakakalokong ngisi ang sumilay sa mga labi nito at hindi ko gusto ang ngisi na iyon.

"First of all sweetbabe, I'm not asking your opinion. Wether you like it or not, matutuloy pa din ang date natin" nakakalokong sabi nito. Bago pa ako makapag protesta sa gustong gawin nito ay binuhat na niya ako at agad akong nag pumiglas

"Stop struggling sweetbabe! Kung ayaw mong maligo tayo ng wala sa oras" banta nito.

"Tsk then put me down kung ayaw mong maligo ng wala sa oras!"

"Oh no I won't. Besides I don't mind getting drenched. Ewan ko na lang sayo" natatawang sabi nito. I gritted my teeth dahil sa gigil ko. Tumigil ako sa pag pupumiglas at maayos ako nitong na isakay sa speed boat.

"Tsk kailangan pa kasing idaan sa pag babanta eh" ngisi ngising sabi ni Gavin sa akin. Sinamaan ko lang ito ng tingin at di na nag salita.

Pinasuot sa akin nito ang life vest at pinaandar na nito ang speed boat. Tahimik lang ako at hindi ko ito tinitignan. Maya maya pa ay may nakita akong  balsa. I squinted my eyes to see it clearly. Pero mukhang hindi na naming kailangang gawin iyon dahil papalapit kami doon and realization hit me—dito kami kakain?!

Napanganga ako. Hindi ko ito inaasahan.

Bago pa ako makapag salita ay huminto na kami. Tumuntong si Gavin doon at inilahad niya yung kamay niya sa akin para alalayan akong makapunta doon. Nanginginig ang mga kamay ko na inabot ko ang kamay ni Gavin. Speechless pa rin ako. This is too much effort!

Hinawi ni Gavin yung kurtina dahil may nakatakip na kurtina doon at nakita kong may naka set up na doon na table. Nandun din sila Drin, Drei, Grin at Gerone.

"Hey lovers! Welcome to Paraiso and this is our special offer here in my resort! The lovers in Paraiso." Drei said. So siya ang may ari ng resort?!

Nag palipat lipat ang tingin ko sa magkakapatid at mag pipinsan. Nag kibit balikat lang naman si Gavin at inimwestra niya ako na maupo na sa upuan na hila hila nito. Umupo ako doon at umikot ito para maka upo sa kaharap kong upuan.

"Surprise?" nakangiting tanong sa akin ni Gavin. Hindi ako agad nakasagot. I'm more than surprise what the heck!

"Aherm aherm aherm! I think she is speechless!" nakangiting singit ni Drei. Actually hindi ako komportabe na nanditito ang apat na ito... sa mga tingin kasi nila eh parang may malisya. Tapos kung mag kakatinginan silang lima parang sa tingin lang sila nag u-usap usap! Isang tingin lang nila sa isat isa nagkaka intindihan na sila!

"May I now serve your meal ma'am and sir?"  tanong ni Drei na nakabihis pang waiter pa!

"Yes please" sabi naman ni Gavin na sa akin pa rin nakatingin. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pag kailang. Tumikhim ulit si Drei at napatingin na dito si Gavin. Parang nag sesenyasan na naman sila. Tsk.

"Chef Gerone!" tawag ni Drei kay Gerone. Maya maya ay muling sumulpot si Gerone mula sa kurtina. Naka bihis pang chef din ito at may hawak hawak itong tray at may takip pa.

Inilapag nito iyon sa mesa at inalis ang takip

"Aherm I heard that Seafood are healthy for pregnant women that's why our special menu for tonight is Rellenong Alimango, Baked Oyster and Fish Escabeche" pagkasabi nito iyon ay umalis na ito at pumalit na naman si Drei.

"Now enjoy your meal ma'am and sir. Pero para mas ma engganyo kayo, let's put some music!" pumalakpak ito and on cue, lumabas si Grin na may dalang violin.

"Grin kaw na bahala sa kanila huh? Ba bye!" umalis na si Drei at naiwan kaming tatlo doon. Tumikhim si Grin bago nito inilagay sa balikat ang violin at nag simulang tumugtog.

"So let's eat?" napatingin ako kay Gavin na matamang nakatitig sa akin. Tumango tango ako sa kanya. Ito na ang nag lagay sa plato ko ng pagkain. Medyo naging komportable na din ang pakiramdam ko dahil si Grin naman ang kasama namin doon. Mapag kakatiwalaan mo kasi ito kesa sa apat. Besides nakapikit ito habang natugtog. At mukhang walang paki alam sa mga nang yayari.

Tahimik lang kami habang kumakain. Pero ramdam ko ang malalagkit na titig ni Gavin. Hindi ako tumitingin dito dahil pakiramdam ko na sa oras na tumingn ako dito ay hindi ko na mababawi ang tingin ko.

Patuloy sa pag tugtog si Grin hanggang sa matapos na kaming kumain. Gavin dismissed his brother at ngayon kaming dalawa na lang ang natira. Alam ko iyon dahil narinig ko ang mga seed boat na papaalis.

"We need to talk Mjeille" seryosong sabi ni Gavin. Hindi pa din ako nag aangat ng tingin at nakayuko lang ako. Naramdaman kong hinawakan nito ang kamay ko nan aka patong sa mesa. Doon ako napatingin.

"Please, let's talk?" puno ng pag susumamo ang boses nito. Sinalubong ko ang tingin nito at parang matutunaw na ako sa tinging ipinupukol nito sa akin.

"About last night... I'm sorry. Please forgive me?" nakatingin lang ako dito at hindi pa din nag sasalita.

"Please naman Mjeille oh... bati na tayo please?" sincere na sabi nito. Napabuntong hininga ako,

"Fine" tipid na sabi ko. Nag liwanag naman ang mukha nito at naramdaman kong napahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko.

"Really?!"

"Oo... pero Gavin next time idaan natin sa maayos na usapan hmm?" parang bata naman na tumango tango ito.

"Kasi masakit yung mga sinabi mo sa akin kagabi eh" malungkot na sabi ko. Oo nasaktan talaga ako sa sinabi nito sa akin kagabi. Sino ba naman ang hindi masasaktan pag nasabihan ka ng malandi? At alam mo naman sa sarili mo na hindi totoo iyon.

"I'm sorry about that. I didn't mean to say that and that's not true" pambawi nito. Tumango tango ako.

"I understand" ngumiti ako dito ng pilit.

Napatingala ako ng tumayo ito at inilhad nito sa akin ang kamay.

"Come, it's getting late already"

—-

End of chapter Twenty Eight

(Boom sabaw) 

The bachelor arrange marriageWo Geschichten leben. Entdecke jetzt