Chapter Eight

92.8K 1.2K 39
                                    

(Celebration)

---

-Mjeille-

 “Ayan!Mas lalo pa kayong gumanda ma’am!”

Dinilat ko yung mga mata ko.

Tama nga ang sinabi nong beautician na nag ayos sa akin,

Mas lalo akong pumanget.

Hulaan niyo kung anong meron sa araw na ito ngayon.

Right. Ngayong araw na ito, ang libing ko at iniimbita ko kayo na dumalo sa huling hantungan ko.

Pero biro lang.

Sakal ko ngayon I mean kasal. Mabilis lumipas ang araw at tentenenen! Kasal ko na. Goodbye freedom and hello marriage life. I’m wondering, ano na kayang mangyayari sa akin pagkatapos kong makasal sa hinayupak na yun?

“Ma’am I’m sure, mag lalaway ang groom niyo ,once na nakita ka at ang yummy neck niyo!Kung bakit po ba pinag lihi kayo sa gerafee at ang haba haba ng leeg niyo!” tuwang tuwang sabi nong Beautician. Napa ismid ako. Wala akong maalalang sinabi ng Nanay ko na pinag lihi kami ng kambal ko sa gerafee. Tsaka yung hinayupak na yun?

‘Asus Im sure,mamanyakin lang ako ng g*gong yun

Naka tali yung buhok ko pataas,pero nag iwan ng ilang strand yung bakla ng buhok ko sa likod at sa harap ng mukha ko.Kaya expose na expose yung leeg ko.

“At hindi ko na kayo nilagyan ng eyeliner at mascara,nag take over na po ang eyebags niyo ehh”

‘True enough na nangingitim na nga yung ilalim ng mga mata ko,dahil ka gabi ko pa plinplano kung paano ko lalasunin yung lalaking yun.’

Nakarinig kami ng mga ilang katok.

Nakita kong pumasok sila  Aijelle ,Gabz at  Drea. Si Gabz short for Gabrielle Zyra ay ang kapatid na babae ni Gavin bukod sa dalawa pa nitong kakambal na lalaki.

Si Drea naman pinsan nila Gavin at kapatid na babae ng mga Lee.

“Sis! Waah can’t belive ikakasal ka na!”-Aijelle

Tumango lang ako at ngumiti ng pilit.

‘Isa pa tong kapatid ko na to.Kung hindi ko lang ito mahal,malamang na na murder ko na.Paano naman kasi,botong boto sa g*gong yun’

Aww come on,matutunan mo ding mahalin si Gavin!” pag cheer up nito. napa ismid naman ako

Yun? Mamahalin ko? Huh kung puti na ang uwak

“Yeah!I can’t believe na isa sa mga kuya ko ang pakakasalan mo. But ,my brother is a good cathch, I assure you”
naka ngiting sabi ni Gabz.

 “How I wish ikaw na lang ang pakakaslan ko” pag bibiro ko dito. namula naman ito at napakamot sa ulo.

Gabz is boysih,but not a lesbian

“Oo nga,di ko alam sa parents ko.Ehh mas hamak na mas gwapo pa ako kesa sa mga ugok kong kuya ehh!”-Gabz

“Yabang Gabz ahh!Gusto mo,tayong dalawa na lang ang mag pakasal ehh”-Drea

“Yuck!Hindi kita type!”-Gabz

“Aba ang choosy mo ah!”-Drea

“Talaga. “- Gabz

The bachelor arrange marriageWhere stories live. Discover now