Chapter One

181K 2.1K 65
                                    

Edited version...

(Tequila)

---

-Mjeille-

Loud noises

Wild crowd

Sexy bad ass and douche bags

Hard drinks and cocktails

Dim light and dance floor

Nilibot ko ang paningin ko sa buong bar at yan ang mga nakikita ko. B*tches are everywhere and so are jerks. I can barely see dahil dim lang ang ilaw. Overcrowded ang dance floor ng bar, ang mga couches doon ay nag mistulang motel dahil may mga nag ma-make out na. Isa na lang ang matinong lugar na pwedeng puntahan ng isang katulad ko na first time sa tanang buhay na nakatapak sa bar. At yun ang Bar counter.

Tinungo ko ang naturang bar counter. Umupo ako sa isang bakanteng stool at pinanuod ang bartender na nag fa-flaring bottle. Napapasinghap ako sa tuwing ihahagis nito ang bote at nag mimistulang pinapabayaan nito iyong bumagsak, pero bago mangyari iyon ay nasasalo nito iyon. Hindi ko maiwasang mapalakpak. Agad na napalingon sa akin yung bartender and I need to catch another breath because what I saw is breath taking.

Para akong nakakita ng isang Greek god dahil sa kakisigan na taglay nong lalaki. Hindi ko maiwasang pag dudahan ito kung bartender lang ba talaga ito or what dahil sa sobrang kakisigan nito. Napansin kong nanatiling nakatitig sa akin yung bartender kaya tumikhim ako.

"Ahh ohh, ang galing mo kasi" tanging nasabi ko. Ngumiti ito sa akin at sa tingin ko nag blush ako.

"Thanks for the compliment ma'am. Now because of that libre na ang drinks niyo. May I take your order now?" magalang na tanong nito. Di ko maiwasang mamangha sa baritonong boses nito at sa nadidinig kong accent nito. Hindi ito purong pinoy pupusta ako.

"Umh, bigyan mo ako ng kahit ano, basta light lang" nahihiya kong sabi. Agad naman itong kumilos upang mag mix ng drinks. Habang nag mi-mix ito ay di ko maiwasang mapatitig dito. Parang bihasang bihasa ito sa pag mi-mix ng  cocktails.

"First time niyo ma'am?" tanong nito sa akin habang nag mi-mix ito.

"Y-yes" nahihiyang pag amin ko. Ngumiti lang naman ito. Maya maya pa ay may ibinaba na itong kopita ng alak sa harapan ko.

"A margarita for a beautiful lady. No charge because of the compliment" cool na sabi nito. Kinuha ko iyon at inilapit ng bahagya sa akin.

"Are you sure? Hindi makakabawas sa sweldo mo?" nakakunot noong tanong ko. Pero tumawa ito dahilan para mapanganga ang mga babaeng kanina pa nakatingin sa kanya. I can't blame those girls dahil mas gumawapo iyon ng tumawa ito.

"Walang problema yan sa sweldo ko miss" nakangiting sabi nito bago bahagyang yumuko papalapit sa tenga ko at bumulong.

"Except sa kita ng bar ng kapatid ko" bulong nito at tumayo ulit ng maayos. Kinuha nito ang shot glass at sinimulang punasan iyon.

"You mean you own this bar?!" gilalas kong tanong.

"Nah. It was my evil witch sister who owned this bar. Well I'm here because I have nothing to do. Pumayag naman ito sa paminsan minsan kong pag sideline dito as bartender because she know that she can use me as an attraction. Which is true. Do you agree with me miss?" preskong tanong nito. Ningitian ko na lang ang kayabangan nito. Totoo naman na parang nagsisilbi itong attraction sa bar. With his looks, kahit sino gugustuhing bumalik sa bar na ito dahil dito.

"What is your name lady?" tanong nito pagkuwan sa akin.

"I'm Mjeille and you handsome?" lumapad ang pagkakangiti nito.

The bachelor arrange marriageМесто, где живут истории. Откройте их для себя