Chapter Twenty Six

49.5K 744 12
                                    

—-

-Mjeille-

"Where have you been?" ito ang tanong na bungad sa akin ni Gavin. Hindi na ako nagulat na hinihintay nito ang pag dating ko at nauna na ito sa akin dahil nakailaw na ang mga ilaw sa buong bahay.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong nito ng hindi ko masagot ang unang tanong nito.

"I'm sorry traffic kasi" hindi man lang nabawasan ng kaseryusuhan ang mukha nito sa sinabi ko.

"You're not answering my calls. Do you know how worried sick I am thinking what happened to you?" ngayon mukha na itong concern.

"I'm sorry. Naka silent kasi ang phone ko eh"

"Then sinong nag hatid sayo?" seryoso na namang tanong nito.

"Si Trail" kita niyang kumunot agad ang noo nito.

"Trail? Trailor Ignacio?" kunot na kunot ang noo nitong tanong na parang hindi nito nagustuhan ang pangalan na nabanggit.

"Yes. Trailor Ignacio. May mali ba doon?" takang tanong ko.

"My god!" nagulat ako ng bigla itong sumigaw

"NAgpahatid ka kay Trail?!" parang hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. Tumango tango na lang ako.

"Bakit?! Bakit ka nag pahatid kay Trail?! Sa lahat ba naman ng tao kay Trail pa?! So kaya pala hindi mo na napapansin ang cellphone mo dahil kasama mo si Trail?! Ano masyado mo bang na enjoy ang company niya at nakalimutan mong may asawa ka na huh Mjeille?!" napanganga ako sa sinabi nito. NAgulat ako. Hindi ko ini-expect na sasabihin ito ni Gavin.

"What?! Porket hindi kita naihatid sinamantala mo na ang pagkakaton para lumandi" napasinghap siya ng malakas sa sinabi nito. At hindi niya namalayan na nasampal na palad niya ito,

"How dare you Gavin! Ganyan ba ang tingin mo sa akin?!" sigaw ko dito pagkatapos ko itong sampalin. Hindi ko pinag sisisihan ang ginawa kong pag sampal dito dahil deseve niya iyon!

"Nagmagandang loob lang si Trail Gavin na ihatid ako! Dahil mag i-isang oras na akong nag hihintay ng masasakayan because unfortunately I didn't bring my own car and my husband ditched me!" hindi ito nakasagot sa sinabi ko kaya nag tuloy tuloy ako.

"Gutom na gutom na ako at hindi pa din ako maka uwi. Dumating si Trail at inalok niya ako. Buti pa nga si Triail kahit kaibigan ko lang siya ang magandang loob siya na ihatid ako di tulad sa asawa ko na inuna pa ang 'something' na iyon kesa sa akin!"

"So you're comparing me to him?!"

"No! you don't get my point here Gavin" mahinang sabi ko.

"Look. Pagod na pagod ako ngayong araw na ito Gavin. Stress na stress na ako. The last thing that I want is an argument with my husband" nakita kong lumambot ang expressiong mukha nito. Tangka itong lalapit sa akin pero pinigilan ko ito.

"Let me rest Gavin. If you'll excuse me, bukas na lang tayo mag usap. Good night" tuloy tuloy na sabi ko. NAuna na akong umakyat sa kwarto namin. Kumuha ako ng pantulog ko at lumabas at tinungo ko ang isa sa mga kwarto doon.

Hindi ko siya feel makatabi ngayong gabi na ito dahil galit ako sa kanya. This is our first fight, at ayaw ko ang pag aaway na ito. Walang kwenta. MAsyadong mababaw.

-Gavin-

I feel so guilty right now! I feel like a sh.t! I'm such a jerk!

Hindi ko dapat sinabi kay Mjeille iyon. Nadala lang ako ng emosyon ko. Kung bakit kasi sa dinami rami ng pwedeng mag hatid sa kanya pauwi ay si Trailor Ignacio pa?

Isa si Trail sa mga kaaway na naming mag pipinsan. Malaki ang galit namin sa kanilang mag kakaibigan lalong lalo na ang mga Lee. We used to be friend back in high school pero nabago ang lahat ng iyon. Nasira ang magandang relasyon namin.

Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.

Galit sa akin si Mjeille. At nasaktan ko ito. Katunayan ang sampal nito. Sabi sa amin ni mama, hindi ka daw sasampalin ng babae hanggat hindi mo siya nasasaktan.

I said hurtful words towards my wife and I don't feel okay about it. I want to take it back pero hindi na pwede. Nasabi na ang nasabi.

Umakyat na ako sa kwarto naming mag asawa at mas lalo akong nalungkot ng makitang wala doon ang asawa ko. Para makasigurado pumasok ako sa banyo at walk in closet namin pero wala talaga ito doon. Pumasok ako sa isang kwarto at nakita ko ito doon. Nakahiga ito patalikod sa pinto kaya hindi ko alam kung gising na ba ito or tulog na.

Dahan dahan akong pumasok...

-Mjeille-

Narinig kong bumukas yung pinto ng kwartong tinutulugan ko ngayon. Alam ko naman si Gavin iyon. Nakarinig ako ng papalapit na yabag kaya ipinikit ko ang mga mata ko at nag kunwaring tulog.

Maya maya pa ay naramdaman ko ang paglubog ng kama. At may humahaplos sa buhok ko.

"I-I'm sorry sweetbabe" bulong nito pero narinig ko pa rin.

"It's just that... I feel so guilty. Na imbes na ako ang naghatid sayo pauwi ay ibang tao pa. Hindi ko nagampanan ang responsibilidad ko bilang asawa mo. Hindi ko din sinasadya ang mga sinabi ko kanina. I didn't mean those words. I guess it's a Andrano's temper. May ugali na kasi kaming kung galit kami ay kung ano ano na ang mga nasasabi namin" bumuntong hininga ito

"At hindi na namin na re-realize na nakakasakit na pala kami. I'm so sorry" ramdam ko ang sinsiredad ng boses nito.

"I hope, bukas, okay na tayo... I know that you're awake" nanigas ako sa sinabi nito. Muntik na akong mapadilat ng mga mata ko sa gulat!

"Hindi ka magaling na artista sweetbabe. Alam kong gising ka pa rin. Pero tuloy mo lang iyan. You need to rest" maya maya pa ay naramdaman ko ang mainit na bagay na dumampi sa noo ko. He kissed me on my forehead. Lagi niya itong ginagawa pag natutulog na kami.

"Good night. Sweet dreams" naramdaman kong bumangon na ito sa kama at lumabas nan g kwarto. The moment he left the room na miss ko ka agad ang amoy nito.

Umayos ako ng pagkakahiga sa kama at pinilit ang sarili na makatulog pero hindi ako makatulog!

Na mi-miss ko na ang amoy ni Gavin! Mukhang nasanay na ako na naamoy ang amoy nito bago ako makatulog at nakayakap ito sa akin. Sa tuwing nakakulong ako sa mga bisig nito feeling ko para akong hinihele at madali akong maka tulog!

PEro galit ako sa kanya!

Pero nag sorry na siya... at sincere naman siya eh!

No! galit ka! Galit ka galit ka!

Isssh hindi ako pupunta sa kwarto namin. Dito lang ako.

Di ako tatabi sa kanya dahil galit ako sa  kanya!

.....

Err fine!

Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na matutulog ako ngayong gabi na ito na hindi ko katabi ang asawa ko pero damn it! Nag lilihi na naman ako at pinag lilihian ko talaga ang amoy nito!

Tumayo na ako sa kama at pumunta sa kwarto namin. Nakita kong nakasandal ito sa head board ng kama. Ng makita niya ako ay agad itong napangiti. Mukhang ini-expect na ata nito na babalik ako dito.  Halata sa mukha eh. KUlang na lang sabihin nito na 'I knew it!'

Nakasimangot na sumampa ako sa kama at agad ko itong niyakap at inamoy amoy. Tsk kung bakit kasi sa dami ng pwede kong pag lihian eh amoy pa nito! manakaw nga minsan ang pabango nito at ipapabango ko na lang sa kabilang kwarto para iyon ang si-singhot singhotin ko!

Agad naman itong yumakap pabalik sa akin. Ikinulong na naman ako nito sa mga bisig nito. Agad akong nakaramdam ng antok.

"I'm sorry" sabi nito.

"Not yet forgiven" matigas na sabi ko sa kanya. Tsk manigas siya. Di porket na bumalik ako sa kwarto namin eh bati na kami!

"Yes I know. And I'm going to gain your forgiveness first thing in the morning" yun yung last sentence na narinig ko mula dito bago ako makatulog.

—-

End of Chapter Twenty Six

The bachelor arrange marriageWhere stories live. Discover now